Chapter 17
NAGMAKAAWA si Devey kay Zyrus na tulungan siya sa kanyang problema. Hindi naman ito naging mailap sa kanya. Pinagbigyan siya nito sa hiling niya. May laboratory si Zyrus sa bahay nito kaya inanyayahan siya nito na doon sila mag-usap. May nabinbin pa pala itong trabaho roon. Itinuloy nito ang trabaho, habang nakikinig sa kanya.
"Negative po pala sa blackribbon virus ang nadakip ng mga pulis noon," aniya.
"Nagkamali lang ang mga pulis, dahil pinagbasihan nila ang marka na laso. Ang infected ng virus na iyon na nasa higher stages na ay hindi na nakikitaan ng marka dahil lumubog na iyon sa balat at-in-absorb na ng katawan. Pero may magandang balita, nahuli na ni Leandro ang hayop na naturukan ng blackribbon virus. Nasa early stage pa lamang ang sakit niya kaya kinuhaan na namin ng sample para masuri at mapag-aralan. Kapag nakagawa tayo ng vaccine, kailangan mahanap na ang taong namarkahan ng itim na laso sa batok," sabi ni Zyrus.
Nilakasan na niya loob. Ibibigay na niya ang buong tiwala kay Zyrus. Naniniwala siya na hindi siya nito ihahamak sa plano niya na hindi alam ng daddy niya. "I finally found her, Tito," bunyag niya.
Napamata si Zyrus. Inilapag nito ang hawak na measuring cup sa ibabaw ng mesa saka hinarap siya ng maayos. "Who?" anito.
"My wife."
Napalunok si Zyrus. "Are you sure?"
"Yeah. Nakakadama na siya ng sentomas. Twenty-eighth birth day na niya next month. I need your help, tito. I can't trust Dad for this situation. I know he will kill Ella for the sake of many lives. And I don't let him to do this. Ayaw kong magkaroon kami ng sigalot sa isa't-isa. Kilala mo si Daddy pagdating sa pagdedesisyon. Please, tito, tell me what to do. I'm going crazy," samo niya.
Panay ang buntong-hininga ni Zyrus. "I can't promise you, Devey, but I will do my best. Let's work for this together," anito.
"Yeah I will. Thank you."
Tinapik nito ang balikat niya. "Just believe that love can handle the situation. If you really love her, don't lose hope, just always think positive," payo nito sa kanya.
Tatangu-tango lamang siya. Kahit papano'y naibsan ang bigat na pasan ng dibdib niya.
PAG-UWI ni Devey sa bahay nila ay walang tao. Wala roon si Ella. Saka lamang niya naalala na umuwi pala si Ella sa bahay ng mga ito. Sinubukan niyang tawagan ang cell phone nito pero walang sumasagot. Ang mama nito ang tinawagan niya pero hindi naman ma-contact. Hindi siya mapakali. Mamaya'y nagpasya siyang puntahan ang asawa.
Pagdating niya sa bahay nila Ella ay madilim. Nilipad lang niya ang mataas na pader. Pinahaba niya ang kuko niya sa hinliliit saka iyon ang pinagbukas sa pinto. Malaya siyang nakapasok. Nagtataka siya, kung naroroon si Ella, bakit madilim? Tinungo kaagad niya ang kuwarto nito ngunit pagbukas niya sa pinto ay walang tao.
Ganoon na lang ang gitla niya nang biglang bumukas ang ilaw. "Ay santisima!" bulalas ni Emelia.
"Mama," bigkas niya.
Hinihilot ng ginang ang dibdib nito, marahil ikinakalma ang dibdib. "Nakakagulat ka naman, Devey. Narinig kong bumukas ang pinto kaya bumangon ako. Akala ko bumalik si Ella," anito.
"Bakit po? Umalis ba si Ella?"
"Ang sabi niya uuwi na sa bahay ninyo."
"Kagagaling ko lang po doon wala siya."
"Ha? Sandali at tatawagan ko." Dinampot ng ginang ang cell phone nito na nasa ibabaw ng kama.
Nakadalawang dial ito sa numero ni Ella pero walang sumasagot. "Bakit kaya?" anito.
Hindi naman siya kinakabahan, pero may nakikita ang isip niya na isang sitwasyon. "Hahanapin ko na lang po siya," sabi na lamang niya saka umalis.
Habang naglalakbay si Devey ay dinala siya ng hangin sa Harley's resort. Lumapag siya sa tabing dagat, sa tapat ng beach side bar ng resort. Iilan na lang ang mga taong pagala-gala dahil umaambon. Malayo pa ma'y natatanaw na niya si Ella, na nakaupo sa harap ng bar counter at may tinutunggang bote ng beer. Uminit ang batok niya habang pinagmamasdan ito.
Habang papalapit siya sa asawa ay saka lamang niya napansin ang lalaking katabi nito. Hindi si Jero ang kasama nito kundi si Erman. Medyo kumalma siya. Ang hindi niya gustong nakikita ay ang hawak nitong beer. Pagdating niya ay hindi niya kinibo si Ella, basta umupo lang siya sa tabi nito. Pero lalo siyang nainis dahil parang hindi siya nito nakita.
Kinalabit siya ni Erman. "Akala ko naman war kayo," anito.
"Ha? Hindi, ah," mabilis niyang tugon.
"Eh bakit naglalasing ang asawa mo?"
"Baka hindi lang siya makatulog."
"Nakatatlong bote na kaya siya ng beer."
"Ano?" Nakayuko si Ella kaya sinilip niya ang mukha nito.
Lulugulugo na ito habang nakapikit. "Fuck!" aniya.
"Patulugin mo na 'yan. Mag-usap kayo paggising niya," ani Erman.
"Salamat. Pa-credit ng kuwarto." Kinarga na niya si Ella.
"Sure, basta ikaw," nakangiting sabi ni Erman.
Dinala niya si Ella sa bakanteng kuwarto ng hotel. Pawisan ito kaya dagli niyang hinubaran at dinala sa banyo. Pinaupo niya ito sa inidoro saka niya binuhusan ng tubig na nilagyan niya ng ice cubes. Pumiksi ito at nagsisigaw. Nahimasmasan ito.
"Walanghiya ka!" hasik nito, habang panay ang tulak sa kanyang dibdib.
"Oh, Ella, it's your fault. Galit ka ba sa akin?" aniya.
"H-Hindi. Bakit ba?"
May epekto pa rin ang beer sa utak nito.
"It's not the end of the world, Ella," aniya.
"Sa iyo walang katapusan ang mundo kasi imortal ka. Eh ako? Darating ang araw mamamatay ako, iiwan kita. Gusto mo ba?" emosyunal na wika nito.
May kung anong kumukurot sa puso niya. Lalo lamang nagpapaalala sa kanya ang blackribbon virus. "Of course not. I wont let you go. I can't let you die and leave me alone. If ever you'll die, I don't have reason to stay alive without you. You're my life, Ella," seryosong wika niya habang nagipigil ng emosyon.
Tuluyang naglandas ang maninipis na luha sa pisngi ni Ella. "Hanggang saan mo ako kayang mahalin?" usig nito.
"Until the last beat of my heart, Ella," matatag niyang sagot.
Hindi ito umimik. Mamaya'y bigla na lang itong yumakap sa kanya ng ubod higpit. Ayaw niyang konsintihin ang damdamin niya pero sadyang nagpapahiwatig ito ng hindi maipaliwanag na pighati. Hindi niya nagawang sawatain ang luhang pinapalaya ng kanyang mga mata.
"Kapag namatay ako, at nagpakamatay ka. Paano ang mga anak natin na maiiwan?" mamaya'y sabi nito.
"Mga anak?" manghang sabi niya. Kumalas siya sa yakap nito.
"Devey, parang buntis ako," anito.
Nagimbal siya. "Paano?" wala sa loob na tanong niya.
"How dare you! You fucked me then you ask me how?"
Nakagat niya ang ibabang labi niya. Hindi pala siya nagtanong ng ganoon. Masyado kasi siyang nasurpresa at nasasabik.
"I-I mean how did you know?" aniya.
"Kasi paggising ko kaninang umaga nahilo ako at nagsuka."
Magkahalong kaba at galak ang nararamdaman niya. Ipinapanalangin niya na huwag hindi sana iyon sentomas ng blackribbon virus.
"Mas mabuti kung suriin muna kita," sabi niya.
"Ikaw? Hindi ba dapat ang daddy mo?"
"No. Alam ko rin gawin 'yon."
"Sige." Tatalikuran sana siya nito pero pinigil niya ang braso nito. Tinitigan siya nito ng matalim.
"Bakit ka naglasing?" deretsong tanong niya.
"Ano, gusto ko lang makalimot kahit sandali. Masyado kasing nagimbal ang isip ko kaya kailangan kong mag-unwind."
"Pero tinamaan ka ng sobra."
"Hindi naman ako nalasing. Inaantok lang talaga ako."
"Palusot ka pa, eh. Sige na, magbihis ka na," aniya.
Nagtiuna na itong lumabas.
PALAGING ginagabi ng uwi si Devey kaya nag-stay in na muna si Ella sa Harley's resort. Mas gusto rin ni Devey na doon na muna siya. Gusto pa sana niyang magtrabaho pero hindi na pumayag si Devey. Init na init na siya sa resort. May pagkakataon pang dalawang araw na hindi umuuwi si Devey.
Lunes ng gabi, hinihintay ni Ella si Devey kaya hindi pa siya naghahapunan. Palaboy-laboy lang siya sa dalampasigan habang nagtatampisaw sa tubig dagat. May isang oras na siya roon. Mamaya'y bigla na namang lumamlam ang paningin niya. Hindi niya naaaninag ang mukha ng mga taong nakakasalubong niya. Ikiniling niya ang ulo saka tumingin sa karagatan. Hindi madilim ang nakikita niya kundi kulay abo ang view. Umiinit na naman ang batok niya.
Bago pa man may mangyari sa kanya ay naglakad na siya pabalik sa resort. Ngunit nakakasampung hakbang pa lamang siya ay napahinto siya nang may bumunggo sa balikat niya. Sinundan niya ng tingin ang lalaking lumagpas lang sa kanya. Hindi niya masabi kung ano ang kulay ng damit ng lalaki, itim ba o kulay abo.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi pa siya nakakarating sa pinto ng hotel ay hinahapo na siya. Para siyang tumakbo ng ilang kilometro. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga bago tuluyang pumasok sa hotel. Pagpasok niya sa banyo ng kuwartong inaakupa niya ay may mainit na likidong lumalabas sa ilong niya. Pagtingin niya sa salamin ay dugo. Naghilamos kaagad siya upang matigil ang pagdudugo ng ilong niya.
Nang matigil ang pagdurugo ay tumuloy na siya pagligo. Nang mahubad na niya lahat ng damit niya ay napansin niya ang panakanakang pasa sa hita niya. Binaliwala niya iyon.
Pagkatapos niyang maligo ay nagtungo na siya sa restaurant at nag-order ng pagkain. Hindi na niya mahintay si Devey. Hindi na niya matiis ang gutom. Pero habang kumakain ay maya't maya ang sipat niya sa pinto sakaling papasok roon si Devey. Subalit naubos na niya ang pagkain ay hindi pa niya nakikita ang bulto ng asawa.
Magmula noong magsama sila ni Devey ay ngayon lang ito nawala ng matagal-tagal sa isang araw. Alam niyang busy ito, pero hindi siya mapakali. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi makontak ang numero. Napuyat siya sa kakaantay.
Kinabukasan paggising ni Ella ay nag-empake siya. Wala pa si Devey kaya minabuti niyang umuwi na muna sa bahay ng pamilya niya. Mas komportable siya na kasama ang mama niya kaysa doon sa resort na wala siyang makausap dahil busy ang mga tao.
Nadatnan niya ang mama niya sa sala na nagsusulsi ng palda nito. Parang baliwalang tiningnan lang siya nito. Inilapag niya sa sahig ang maleta niya saka siya lumuklok sa katapat nitong sofa. Malakas ang kutob niya na may problema ito.
"Bakit, 'ma?" tanong niya.
"Wala, anak," sabi lang nito.
"Bakit parang binagsakan kayo ng langit?"
"Nami-miss lang kita."
Ginagap niya ang kamay nito. "Alam ko nalulungkot ka dito. Bakit hindi mo na lang ako samahan para hindi ganitong kung saan-saan ako iniiwan ni Devey."
"Anak, alam ni Devey kung saan ka ligtas."
"Bakit, hindi ba ako ligtas sa inyo?"
"Hindi naman sa ganoon. Paano na lang kung may masamang loob na umatake sa atin? Pareho tayong babae at walang laban. Iniisip ni Devey ang kaligtasan mo. Mas ligtas ka roon sa resort, dahil naroon ang mga kasama niya na mapoprotektahan ka."
"Ang O.A naman niya. Sino naman ang magkakainteres sa akin?"
"Anak, huwag kang pasaway. Umalis ka sa resort na hindi alam ng asawa mo."
"Alam na niya kung saan ako pupuntahan."
"Kahit na. Tawagan mo siya at sabihing nandito ka sa bahay."
"Hindi nga siya makontak kahapon pa. Tatlong araw na siyang hindi umuuwi."
"Baka busy lang. Alam mo naman ang trabaho ng asawa mo."
Hindi na lamang siya umimik. Nagugutom siya kaya pumasok siya sa kusina at naghagilap ng mangangata. Nang mabusog siya'y payapa na ang isip niya. Hindi niya maabala ang mama niya kaya dinala na niya ang maleta niya sa kanyang kuwarto at isinalansan sa closet ang mga damit niya. Na-miss niya bigla ang kuwartong tinulugan niya ng isang dekada.
Nakita na naman niya ang coin na nahulog mula sa bulsa ng lumang bag niya. Dati ay binabaliwala lang niya ito pero ngayon ay nagkaroon siya ng interes dito. Ilang beses na rin siyang iniligtas ng coin sa ganap na kapahamakan. Una, noong kamuntik na siyang mahulog sa hagdan sa kakatagbo dahil biglang namatay ang ilaw. Biglang lumiwanag ang coin kaya nakita kaagad niya ang hagdan. At pangalawa ay noong sasakmalin sana siya ng aso, pero naibato niya ang coin sa bunganga ng aso kaya nag-lock bigla ang bibig ng aso. Pero iyon ang ipinagtataka niya, nalunok ng aso ang coin pero kinagabihan ay nakita niya ito sa kama niya.
Para hindi na mawala sa paningin niya ang coin, binutasan niya ito sa itaas saka ginawang pendant. Yari sa tanso ang coin at nakaya lang butasin ng pakong maliit. Komportable na siya sa ginawa niya nang biglang may bumukas ng pinto. Nagulat siya, pero mas nagulat siya sa paglapat ng coin sa dibdib niya. Bigla kasi itong uminit. Tinutukan niya ang coin kaya hindi niya napansin kung sino ang pumasok. Nagtatala lang siya bakit wala pang lumalapit sa kanya, ni hindi ito nagsasalita.
Kuminang ang coin at tumaas pa ang temparatura dahilan upang hubarin na niya ito. Napapaso na kasi ang balat niya. Nakatalikod siya sa pinto kaya hindi niya kaagad nakita ang pumasok. Paglingon niya ay wala namang tao, pero nakabukas ang pinto.
"'Ma?" untag niya. Iginala niya ang paningin sa paligid. Nakabukas ang pinto sa banyo, pero tahimik naman. Pagtingin niya sa sahig ay may patak ng dugo.
Ganoon na lang ang pagtulin ng tibok ng puso niya.
61191},Ԩ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top