Chapter Fifteen
PAGDATING sa Harley's resort...
Nagulat si Leslie nang pagpasok nila sa VIP dinning room ay naroon ang nagguguwapuhang bampira na kasama ni Marco. Naroroon din ang mga anak at asawa ng mga ito. Sila na lang pala ang hinihintay. Katabi niya sa silya si Martina na kalong ang bunsong anak na may isang taon na. Sa kanan naman niya si Marco. Katabi ni Martina si Devey. Si Dario ang nakaupo sa pinakadulong mesa, nakahilira sa unahan nito sina Leon, Zyrus at iba pa. Ang mga asawa ng mga ito ay magkakatabi rin sa silya. Ang wala lang sa pagpupulong na iyon ay Si Jegs, na umano'y nag-e-espiya sa panig ng kaaway. Ang asawa lang nitong si Denise ang naroon at anak nitong lalaki na si Dylan, na may dalawang taon na.
Masasarap ang mga pagkaing nakahain, pero wala siyang nagustuhan. Panay lang ang inom niya ng red juice. Pero wala siyang nagawa nang salinan ni Marco ng pagkain ang baso niya.
"Kumain ka ng marami para naman lumubo ang katawan mo. Nakakapa ko na ang ribs mo, eh," bulong nito sa kanya.
Inirapan lang niya ito. Mamaya'y nagsalita na si Dario.
"Next week na magbubukas ang academy. Marami na rin tayong estudiyante. Pero habang busy tayo sa paghahanap sa isang halimaw, patuloy nating bubuuin ang plano para sa raid operation sa panig ni Dr. Dreel. Dumarami na ang biktima ng mga bata at babaeng nawawala. Ayon kay Jegs, may matagumpay na silang ekspiremento. Para naman sa mga estudiyante natin, twice a week ang night class ninyo at sa umaga naman ay tatlong oras lang ang klase. Secured ang school natin dahil nasa ilalim ng lupa at hindi nasasagap ng kaaway ang aura ng sino mang naroon sa loob. Wala ring mga tao ang makakatuklas sa lugar na iyon dahil nabili ko ang buong property na malayo sa bayan. Sa mga hindi pa nakakaalam, sa unang araw ng klase ay isasalang ang bawat estudiyante sa dark room kung saan ilalabas ng ating Panginoon ang kanyang natural na lakas at abilidad. Kaya mga magulang, pakihanda na ang inyong mga anak," mahabang pahayag ni Dario.
Kinabahan si Leslie nang maisip ang dark room. Wala siyang ideya kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos. Kung bakit ba pumayag pa siyang mag-enroll sa academy ng mga ito. Mga bampira ang kaklase niya at mas bata sa kanya.
Ang sumunod na topic ay tungkol sa zombie apocalypse na siyang kumakalat umano sa ibang bansa. Hindi niya sineryoso ang topic dahil para sa kanya, hindi totoo ang mga zombie, kahit pa napatunayan niya na may mga bampira. Iginigiit pa rin niya ang mundong gusto niya, kung saan normal siyang nabubuhay.
Pagkatapos ng pagpupulong ay dinala siya ni Marco sa opisina ni Erron, kung saan naroon si Dario ay Zyrus. Ang magkapatid na ito ang kinakatakutan niya. Si Dario ang may hawak sa batas ng mga bampira, at si Zyrus ang madalas humingi ng dugo niya para pag-aralan. Umupo silang apat sa magkaharap na sofa. Si Marco ang katabi niya na kanina pa hawak ang kamay niya.
"Sa dark room, naroon lahat ng uri ng temparatura. Kapag mainit ang dugo ng pumapasok roon, lumalamig ang klema," paliwanag ni Dario, matapos niyang tanungin kung ano ba ang dark room.
"Bakit kailangan ko pang pumasok doon? Hindi naman ako bampira," aniya.
"Meron kang 30% vampire blood, Leslie, pero hindi nagpa-punction dahil mas matapang ang dugo ng isang unidentified blood line. Kapag nagkaanak kayo ni Marco, magiging 50% ang dugong bampira sa anak ninyo. Mas malakas pa rin ang dugo mo kumpara kay Marco. Kung papalarin kayo, ang magiging anak ninyo ang magtataglay ng kapangyarihan na kayang kontrolin ang lahat na uri ng elemento sa mundo. Pero magiging mabalasik siya dahil napakasinsitibo niya sa klema. Ngayon, susubukan namin ang planting procedure sa pagbuo ng sanggol. Kailangan namin ang samples ng mga cells ninyo. Dapat fresh and preserved carefully para hindi mamatay ang cells," ani Dario.
Nagkatinginan sila ni Marco. "Sandali, pre, dapat sinabi mo sa akin noon par asana nakapagtabi ako kanina," sabad naman ni Marco.
Uminit bigla ang mukha ni Leslie. Ngalingali niyang sapatusin ang walang pasintabing bibig ng kanyang asawa. Natawa tuloy si Dario at Zyrus.
"Walanghiya ka, bakit, wala na bang mamaya o bukas?" ani Dario.
"E baka magkaroon na ng red tide si misis mamaya o bukas," pilyong sagot ni Marco.
Itinusok na niya ang matulis na siko sa tagiliran nito.
"Aray ko! Sweetie naman, seryoso ako!" angal nito.
"Kahit kailan basta pasok sa week na ito," sabi naman ni Zyrus.
Lalong uminit ang mukha ni Leslie nang tuksuhin siya ng tingin ni Dario. Parang gusto na niyang matunaw ngayon din.
"Nag-blush tuloy si Leslie. Wala ka bang kahihiyan sa sarili, Marc?" wika ni Dario.
Tiningnan siya ni Marco. "Ano ba ang ikakahiya ko, lahat naman tayo aware sa usapang sex. Hindi ba related doon ang topic natin?" anito.
"Tungkol lang sa cells ang pinag-uusapan natin," sabad naman ni Zyrus.
"Ganoon din 'yon. Hindi naman lalabas ang cells na 'yon kung hindi pagsisikapan ng mga katawan. Kung sa bagay, wala rin akong maisasalba kanina dahil malakas ang agos ng tubig."
Kinurot na ni Leslie ang dailiran ni Marco. "Aray! Gusto mo ngayon na eh!" sigaw nito na napapatayo.
Sabay na tumawa si Dario at Zyrus.
"Sige, lalabas muna kami," ani Dario saka tumayo. Tumayo na rin si Zyrus.
"Teka, ano ba kayo, nagbibiro lang ako. Itong katabi ko kasi atat na, panay ang kalabit sa akin," sabi pa ng hudyo niyang asawa.
"Dalhin mo na 'yan sa kuwarto. Kunin mo ang test tubes doon sa inaakupa kong kuwarto," sabi ni Zyrus, saka sumunod kay Dario palabas ng pinto.
Nang wala na ang dalawa ay saka tumayo si Leslie at pinatikim ng malutong na sampal ang pisngi ni Marco.
"Shit! Nakarami ka na, ah!" daing nito.
"Manyak ka ba?" walang abog na tanong niya.
"Ano? Ano ba ang manyak sa mga sinabi ko?"
"Matino ka bang lalaki? Bakit kailangan mong ipalandakan sa mga kaibigan mo ang sex life natin?"
"Huh? May sinabi ba akong nag-sex tayo kanina sa banyo? I used idiomatic words to make my words safe. Isa pa, mababaw lang 'yon para kurutin, sikuhin at sampalin mo ako. No one can hurt me physically, ikaw lang. Palibhasa mahal kita," palatak nito at bigla na lang tumungo sa pinto at lumabas.
Nabasag ang namumuong inis niya kay Marco. Pinag-iisipan muna niya bago niya ito sundan. Pinalipas muna niya ang isang minuto bago lumabas. Inikot niya ang grand floor ng hotel pero hindi na niya makita ang bulto ng kanyang asawa.
Pagdating niya sa beach side bar ay namataan niya si Jero at Erman na nag-iihaw. Future class mate niya ang mga ito kaya dapat makuha niya ang loob ng mga ito. Medyo napapalapit na sa kanya si Jero kaya mas kampante siyang kasama ito. Si Erman kasi ay medyo mailap pa. Magpinsan nga pala ang mga ito, kaya mas close sa isa't-isa.
"Tita, Leslie, gusto n'yo po ng inihaw na tuna?" tanong sa kanya ni Erman pagkalapit niya.
"Sure," mabilis niyang sagot.
"Ako na po ang mag-iihaw para sa inyo," sabi naman ni Jero.
"Salamat."
Habang hinihintay niya ang tuna, iginala niya ang paningin sa paligid. Napako ang tingin niya sa bar, kung saan nahagip ng mata niya si Marco na boxer lang ang suot habang kausap ang babaeng naka bikini. Uminit ang tainga niya dahil sa nakakairitang tanawin na iyon. Mabenta talaga sa babae ang asawa niya.
"Tita, umiinom ba kayo ng beer?" mamaya'y tanong sa kanya ni Jero.
"Beer?" napamata siya. Wine lang ang kaya niyang inumin.
"Maganda pong partner sa inihaw ang beer," gatong naman ni Erman.
"Pangpatulog lang po," ani Jero.
"Sige. Pero puwede bang doon tayo iinom sa cottage sa tabing dagat?" aniya.
"Sige po."
Pagkaluto ng inihaw nila ay pumunta na sila sa native cottage sa tabing dagat, may bente talampakan ang layo sa tubig. Isang case ng beer ang dinala ni Erman. Pagkaupo nila ay nagbukas kaagad siya ng isa saka tinungga. Hindi niya ininda ang pait.
"Ano ba ang gagawin natin sa dark room?" tanong niya sa dalawang binatilyo.
"Ilalabas po ng Panginoon ng mga bampira ang nakakubling lakas at kapangyarihan natin. Lahat po ng bampirang gustong maging mandirigma ay dumadaan sa prosesong iyon," paliwanag naman ni Jero.
"Pati ba ako?" aniya.
"Opo. Kahit hindi ka purong bampira, mailalabas pa rin ng Panginoon ang kapangyarihan mo," si Jero.
"Hindi ba mahirap?"
"Medyo, pero maganda po iyon kasi mas magiging malakas kayo."
Hindi niya namalayan na naubos na ang laman ng bote. Nagbukas kaagad ng isa pa si Erman saka ibinigay sa kanya. May epekto na ang alak sa katawan niya. Umiinit na ang pakiramdam niya. Nang pakiramdam niya na parang kumukulo na ang dugo niya ay inihilamos niya ang nalusaw na yelo sa mukha niya, pero hindi iyon umobra.
Tamang-tama pagkaubos niya ng dalawang bote ng beer ay biglang tumulo ang dugo buhat sa ilong niya. Pagpatak ng dugo sa sahig na yari sa kawayan ay bigla iyong lumiyab. Nagsitayuan sila. Habang inaapak-apakan ng dalawang binatilyo ang apoy ay tumakbo na siya sa dagat at lumublob. Naghubad siya ng damit. Tanging itim na underwear lamang ang suot niya. Sumisid siya ng matagal hanggang sa maibsan ang init ng katawan niya. Pero kung kailan aahon na siya ay biglang may namulupot sa kanang paa niya kaya hindi siya makaangat.
Madilim sa ilalim kaya hindi niya maaninag ang nilalang na humahawak sa paa niya. Ipinapadyak niya ang mga paa pero unti-unti nang nababawasan ang lakas niya. Nang hindi pa rin bumibitiw sa paa niya ang kamay na iyon ay kinalmot niya ang kamay na iyon dahilan upang makalaya siya. Buntot na lang niyon ang nasipat niya dahil mabilis itong lumangoy palayo sa kanya.
Tamang-tama pag-ahon niya ay namataan niya si Marco na lumalangoy palapit sa kanya, kasunod si Jero at Erman. Sinalubong na niya ito. Pagkalapit niya'y dagling lumingkis ang kamay nito sa baywang niya. Inakay siya nito paahon sa tubig. Maya't-maya ang ubo niya nang makaapak na sila sa lupa. Matalim ang tingin ng mata ni Marco sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabing gusto mo ring maligo? At ano naman ang nag-udyok sa iyo para uminom ka ng beer?" palatak nito.
Tiningnan niya si Jero at Erman. Hindi na lang niya sinabi na niyaya siya ng dalawang iyon, baka masermunan. "Gusto ko lang, bakit ba?" mataray na sagot niya.
"Hindi maganda sa dugo mo ang alcohol. May balak ka pang sunugin ang cottage ni Erron. Sandali," anito at biglang napatingin sa kanang paa niya na noo'y namumula.
Iniupo siya nito sa buhangin saka hinawakan ang paa niya. Medyo makirot pa iyon. Napahigpit kasi ang gapos ng halimaw sa dagat.
"Anong nangyari dito sa paa mo?" tanong nito.
"M-May humawak kasi sa paa ko kanina sa ilalim ng tubig."
Napamata ito. "Tingnan mo, nasa panganib ka na pala wala pa akong kaalam-alam. Kapag ganoong sitwasyon, tawagin mo lang ako," anito.
"Paano kita tatawagin, e hindi ko maibuka ang bibig ko sa ilalim ng tubig. Isa pa, hindi kita inaasahang darating dahil busy ka sa kausap mong babae."
"Tsk! Naisip mo pa ang ibang babae? Kaya ba uminom ka ng beer?"
"H-hindi 'yon dahilan. Naiinggit lang ako kina Jero."
"Nako, sweetie, ayaw ko nang ganitong binabanatan mo ako patalikod. Kung nagseselos ka, ipakita mo sa akin nang matuwa naman ako."
"Damn you!"
"Same to you!"
Napatili siya nang bigla siya nitong kargahin at dinala sa inakupa nilang cottage. Inihiga siya nito sa kawayang bench. Nahihiya na tuloy pumasok ang dalawang binatilyo.
"Maganda pala rito, presko. Dito na lang kaya tayo kumuha ng cells," nakangising wika ni Marco.
Bumalikwas siya ng upo. Pinigil nito ang mga paa niya, saka ito umupo sa paanan niya. "Mahiga ka lang, titingnan ko ang bakat sa paa mo. May shape, eh. Hindi ito basta bakat ng kamay ng ordinaryong tao," anito.
Saka lamang pumasok si Jero at Erman para tingnan din ang bakat sa paa niya. Pinisil-pisil pa ni Marco ang paa niyang may bakat kaya lalong kumirot. Tinampal niya ang braso nito.
"Pisilin mo pa, masakit na nga!" angal niya.
"Pinapakiramdaman ko lang."
"Bakat lang 'yan!"
"Kaya nga para malaman ko kung anong uri ng lamang-dagat ang may gawa nito. Sisisid ako mamaya para palayasin ang mga iyon sa kaharian ko. Balak pa ata niyang pagsamantalahan ang asawa ko."
Makalipas ang ilang sandalng paghimas nito sa nasaktang paa niya ay naglagay ito ng tubig sa palad nito saka mabilis na ginawang yelo. Nanlaki ang mga mata niya.
"Yelo lang ang katapat nito, mawawala na ang bakat. May kakayahang magpagaling ng pisikal na karamdaman ang yelo ko," anito.
Namangha siya. Ngayon lang niya nasaksihan ang kakayahang iyon ni Marco. Ngayon lang din niya napagbuklod sa isip niya na malamang si Marco ang nagpapakalat ng yelo sa kuwarto niya sa tuwing magtatalik sila.
"Huwag ka masyadong pasaway sa akin dahil kapag ako ang napuno, gagawin kong yelo lahat na likido sa katawan mo kahit gaano pa iyan kainit. Pero bago ko gagawin 'yon, aalisin ko muna ang puso ko sa dibdib nang hindi ako masaktan kapag nawala ka sa akin. Gusto mo ba iyon, sweetie?"
Mariing kumunot ang noo niya. Pakiramdam niya'y binabantaan siya ng tatay niya. Pero alam niya may isang salita si Marco. Baka nga gagawin talaga nito iyon.
Nang matunaw ang yelo ay namangha siya nang maglaho na rin ang bakat sa paa niya. Masyado siyang na-excite kaya pinagawa pa niyang yelo ang natirang tubig sa mangkok. Naalala niya, noong bata siya ay madalas siya naliligo sa bathtub na maraming ice cubes. Gusto ulit niyang gawin iyon ngayon.
Nagpaalam na sila sa dalawang binatilyo at ipinagpatuloy nila ang paliligo sa banyo ng isang hotel room na inakupa ni Marco. May bathtub roon kaya hiniling niya kay Marco na lagyan din ng yelo ang tubig. Mainit ang pakiramdam niya kaya baliwala ang ginaw ng tubig.
Lumublob na rin siya nang makalublob na si Marco. Kaya pala noong minsang pumasok siya sa kuwarto nito ay para siyang nasa loob ng freezer. Tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan si Marco na naglalabas ng yelo sa palad.
"Kung alam ko lang na mahilig ka palang maglaro ng yelo, matagal na sana kitang pinagulong sa yelo," nakangiting sabi ni Marco.
Lumapat ang palad nito sa dibdib niya, saka nito iyon minasahe. Hindi niya maramdaman ang kamay nito dahil manhid na ang katawan niya. Natukso siyang ausisain ang nasa likod ng abilidad nito.
"Paano mo nagagawa ito, Marco?" kaswal niyang tanong.
"Hindi ko rin alam. Nadiskobre ko ito noong sampung taon ako. Nasunog kasi ang bahay namin kaya sa kagustuhan kong maisalba ang alaga kong lobo, sumuong ako sa naglalagablab na apoy. Nagulat na lang ako nang biglang naging yelo ang apoy. Magmula noon, sa tuwing mape-preasure ako o kaya'y sobrang nagagalit at nasasaktan ay nagyeyelo ang paligid ko. Nang dahil din sa kakayahan kong iyon ay inilayo ako ng ama-amahan ko sa lugar na maraming namumuhay na nilalang. Pero habang lumalaki ako, natutunan ko na ring kontrolin ang kapangyarihan ko. Iniiwasan ko lang magalit at masaktan emosionally dahil kapag ganoon na kasi ang nararamdaman ko, hindi ko na nakokontrol ang yelo. Kaya kapag umiinit na ang ulo ko o napipikon na ako ay ako na lang ang umaalo sa sarili ko. Ayaw kong may mapahamak," seryosong kuwento nito.
Pinag-isipan niyang mabuti ang mga sinabi nito. Nakadama siya ng takot. Mamaya'y bigla itong ngumiti ng pagkatamis-tamis. Para itong batang nagpapa-cute. Mamaya'y hindi niya namamalayan na ngumingiti na rin siya. Nagulat na alng siya nang bigla siya nitong sugurin at siniil ng halik ang labi niya. Napakapit siya sa magkabilang braso nito. Hindi siya nakatiis, tumugon siya sa halik nito, dahilan upang lamuinin ng init ang nagyeyelong tubig. Pinag-isa nito ang mga katawan nila at sa muling pagkakataong at inangkin nila ang isa't-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top