Chapter 3
HINDI alam ni Leslie kung paano napapayag ni Marco ang mga magulang niya sa lahat ng gusto nito. Hindi naman siguro dahil sa pera dahil kung pera lang ang pag-uusapan, marami niyon ang mga magulang niya. Talagang ipinagkatiwala na siya ng mga ito kay Marco. Nagdududa talaga siya sa katauhan ni Marco. Imposible namang wala itong malalim na dahilan kaya siya pinakasalan.
Pagkatapos na maipasa ni Leslie ang bar exam ay napagdesisyunan ng mga magulang niya na madaliin na ang kasal. Noong nakaraang linggo ay dumalaw sa bahay nila si Marco pero ang mga magulang lang niya ang humarap rito. Hindi niya alam kung ano ang napag-usapan ng mga ito. Bukas makalawa na ang flight nila papuntang Pilipinas pero hindi pa ibinibigay ni Marco ang rules nito para sa pagsasama nila. Nakagawa na rin siya ng sa kanya. May isang linggo na siyang naroon sa bahay nila sa Jeddah.
Kinagabihan naman ay nagulat siya nang ipatawag siya ng mga magulang niya. Akala niya hindi na niya makikita si Marco bago sila aalis. Hiniling nito sa mga magulang niya na mag-uusap sila ng sarilinan. Pumayag naman ang mga magulang niya. Sa VIP dining room sila pinatuloy habang nagmemeryenda. Tapos na kasi ang oras ng hapunan.
Dinala na niya ang ginawa niyang rules. Pero nauna itong nagbigay sa kanya. Akala niya aabutin siya ng umaga sa pagbabasa, maikli lang pala. Mas mahaba pa ang ginawa niya. Pagkuwa'y ibinigay rin niya rito ang sa kanya. Pareho silang tahimik na nagbabasa. She was hoping that Marco will consider and respect her rules, she will do the same at him.
Napamata siya nang mabasa sa rules nito na magkahiwalay sila ng kuwarto. Hindi dapat ipagsama ang mga gamit nila. Hindi sila puwedeng magsama lumabas sa araw, sa gabi lang sila magkikita. At kung ano-ano pang weird na rules nito. Tila ito pa ata ang naging maselan.
"Bakit ayaw mo na pakialaman ko ang mga gamit mo? Ayaw mo rin ma-istorbo kapag nagsusulat ka. Ano ba ang isinusulat mo?" mamaya ay tanong nito.
"Nagsusulat ako ng nobela as my stress reliever. Hindi kasi ako sanay na may nakikialam sa gamit ko," aniya.
"'Tapos hindi kita puwedeng pilitin kapag ayaw mo sa mga bagay-bagay. Sinabi ko na sa iyo na huwag mo akong limitahan tungkol sa sex."
Kinilabutan siya. "Hindi makatarungan 'yon, Marco. Paano kung buong taon kang gaganahan?"
Tumawa ito. "Grabe ka naman. Marunong naman akong magkontrol. Pero 'yon nga lang, may pagkakataon na gusto ko buong araw magbabad sa kama kasama ang babae."
"Hindi mangyayari 'yon dahil sabi mo magkahiwalay ang kuwarto natin."
"No problem, puwede naman sa sala."
Nagtagis ang bagang niya. "Bakit hindi tayo puwedeng lumabas sa araw?"
"Allergic din ako sa sikat ng araw. Madaling masunog ang balat ko."
"Ang dami mong excuses. Isa pa, nakakainsulto 'to, ah. Bakit hindi puwedeng ipagsama ang mga gamit natin? Anong akala mo sa akin, may sakit na nakakahawa?" maktol niya.
Bumungisngis ito. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin."
"Ano? Paki-explain."
"Ang totoo kasi niyan, may mga gamit ako na hindi puwedeng hawakan ng kahit na sino. Kaya ibinili kita ng sarili mong bahay at lupa para doon ka lang titira. Dadalawin lang kita. Alam mo naman ako, bihira umapak sa lupa dahil sa sobrang busy ko," paliwanag nito.
Malapit na siyang mabaliw sa kakaisip. Normal na nilalang ba itong mapapangasawa niya? "Ano pa't papakasalan mo ako kung hindi tayo magsasama sa iisang bahay?"
"Please, don't force me to answer your fucking question. Mas safe ka kung hindi tayo palagi magkasama. Espesyal kang nilalang, Leslie, hindi ka basta napaparisan. Hindi pa ito ang panahon para mas makilala mo ako."
"Damn! Hindi ako magpapakasal sa lalaking puno ng misteryo ang pagkatao!" protesta niya.
"Then quit! May panahon ka pa!" anito.
Naisip na naman niya ang mga magulang niya. "Hindi mangyayari ang kasal hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung anong klase kang nilalang!" giit niya.
"Fine! I'm a vampire!" anito.
Natigagal siya. Kahit maugong ang balita noon tungkol sa mga bampira umano na nangunguha ng mga tao na nailigo sa dagat ay hindi pa rin siya naniniwala. Mahilig siya sa mga vampire novel at movie, pero para sa kanya, mga fictional character lang ang mga iyon at hindi totoong nag-e-exist.
Bigla siyang humagalpak ng tawa. "I can't believe this! Magpapakasal ako sa isang baliw?" aniya.
Tumigil siya sa pagtawa nang biglang nagpatay-sindi ang ilaw. Yumayanig ang mesa nila. Kumurap-kurap siya. Wala na sa harapan niya si Marco.
"M-Marco?" sambit niya.
Naduduling siya dahil sa walang tigil na pagpatay-sindi ng ilaw. Tumayo siya nang hindi pa rin tumitigil sa pag-alog ang mesa. Inalipin na ng kaba ang puso niya. Nawala na si Marco. Lumapit siya sa pinto ngunit hindi niya ito mabuksan.
"Help!" sigaw niya habang kinakalampag ang pinto.
Mamaya ay kumislot siya nang may kamay na humaklit sa balikat niya. "Hump!" bulalas niya nang pagpihit niya paharap ay namataan niya ang bulto ni Marco, ngunit hindi niya masyado maaninag ang mukha nito dahil sa likot ng ilaw. Nang titigan niya maigi ang mukha nito ay nagulat siya nang mapansin na maputla ito at ang mga mata ay wari mata ng pusa na ga-tuldok na lang ang eyeball na kulay pula.
Nagulat siya nang isandal siya nito sa pinto at ikinulong siya sa mga bisig nito. Ipinilig nito ang kanyang ulo saka hinalik-halikan ang leeg niya. Naparalisa siya nang ipaglandas nito ang mainit at mamasa-masang dila na may kahabaan sa kanyang leeg. Pagkuwa'y naramdaman niya ang unti-unting pagbaon ng matutulis nitong ngipin sa balat niya. Nahigit niya ang kanyang paghinga.
"Oh, sorry, hindi pala masarap ang dugo mo, sweetie," mamaya'y sabi nito nang hindi magawang ituloy ang pagkagat sa leeg niya.
Nangatal ang kalamnan niya. Ikinulong nito sa mga palad ang kanyang mukha saka pinagtagpo ang mga mata nila. Hindi pa rin nanumbalik sa normal ang mga mata nito. She was stuck in her nervous, her trembling knees distracted her balance.
"Baka matakot ka sa akin at uurong ka bigla sa kasal. Huwag kang mag-alala, hindi ako mapanakit na bampira," anito.
Pakiwari niya'y hihimatayin siya nang masilip niya ang pangil nito. Pero nakalimutan niya ang takot nang halikan nito ang labi niya. Hindi na niya naramdaman ang matulis nitong pangil. Pero hindi niya magawang tumugon sa halik nito.
Tulalang pinapabayaan lang niya ito kung kailan ito magsasawa sa paghalik sa kanya. Pero unti-unting inaalipin ng bayolenteng init ang katawan niya. Tumulin sa pagtibok ang kanyang puso. Nang dumapo ang isang kamay nito sa isang dibdib niya ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na itulak ito. Lumayo naman ito sa kanya.
Nawala na naman ang bulto ni Marco sa harapan nila. Mamaya'y nanumbalik na sa normal ang ilaw. Nagulat siya nang mamataan si Marco na nakaupo na ulit sa tapat ng mesa nila. Normal naman ang hitsura nito. Kahit na, hindi pa rin niya magawang pakalmahin ang sarili. Nangangatog pa rin ang mga tuhod niya at malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib.
"Halika na rito, sweetie, may pizza pa," yaya nito.
Hindi niya magawang kumilos. Tinubuan na ata siya ng takot kay Marco. Pero sa tuwing nasisilayan niya ang matamis nitong ngiti ay nagiging maginhawa ang pakiramdam niya. Masyado lang siya nawiwindang. Nang humupa ang panginginig ang tuhod niya ay humakbang na siya palapit dito. Umupo siyang muli sa katapat nitong silya.
"I didn't wear mascara to scare you, Leslie. Gusto ko ngayon pa lang malaman mo na kung anong klaseng nilalang ang papakasalan mo. Nasa iyo kung itutuloy mo ang kasal o hindi. Alam ng mga magulang mo ang tungkol sa pagiging bampira ko," anito.
Nagimbal siya. Hindi makapag-isip ng matino dahil sa pagkamangha. Hindi siya makapaniwala. Ni hirap siyang magsalita. She can't help but trying to convince herself to quit this crazy idea. She can't afford to live with a monster. And why her parents decide to entrust her to him?
"Let me tell you the fact about vampires, sweetie," anito.
"Enlighten me, please," hiling niya sa kabila ng pagkagimbal.
"Alam ko hindi ka basta maniniwala, pero may bampirang nag-e-exist sa mundo, pero hindi lang iisang lahi. May mga bampirang mababait at masasama. Siguro maihahanay ko ang sarili ko sa gitna ng dalawang iyon, kasi hanggang ngayon hindi ko pa alam kung saang lahi ng mga bampira ako nagmula. Pero sigurado ako na sa mababait. Siguro dahil mabait na bampira ang nagpalaki sa akin. Noong panahon kasi na kaunti pa lang ang tao sa mundo, naglabasan ang mga bampira dahil nakaamoy sila ng dugo ng tao. Mahabang panahon din na mga karne lang ng hayop ang kinakain namin. Hindi kami tanggap sa lipunan kaya nakikihati lang kami ng karapatan para mabuhay sa mundo. Pero may mga grupo ng bampira na gustong sakupin ang mundo. Gusto nilang maubos ang lahi ng mga tao," kuwento nito, initially.
"Is that real?" hindi makapaniwalang tanong niya.
He nods. Humalukipkip ito. "Kaya bumuo kami ng pangkat na sasalungat sa plano nila at susupil sa kanilang kasamaan," tugon nito, deretso ang tingin sa kanya. "Dati, wala akong pinapanigang pangkat, dahil mas gusto kong mabuhay na normal at payapa kasama ng mga tao, pero noong napunta ako sa kamay ng kaaway, doon ko na-realize na kailangan kong kumilos at makialam sa nangyayari. Naawa kasi ako sa mga taong dinadakip ng mga kaaway at ginagawang specimen para sa mga ekspiremento nila. Maliban sa grupo ng mga bampira na sinasamahan ko, mayroon din akong sariling organisasyon na nagpuprotekta sa ma taong naabuso ng mga bampira. Kasosyo ko ang parlamento ng Middle East sa organisasyon ko at kasama na ang papa mo. Bilang Ambassador, gusto rin daw niya makatulong. Matagal nang alam ng gobyerno ang tungkol sa mga bampira, ngunit hindi lamang nila kaagad naipaalam sa ibang tao baka mamayani ang takot sa halip na lumaban. Pero sana, magtiwala ka pa rin sa akin, katulad ng pagtitiwala ng mga magulang mo sa akin. Hindi naman siguro sila magdedesisyon na ikakapahamak mo," mahabang paliwanag ni Marco.
Pagkatapos na mag-sink ni sa balintataw ni Leslie ang mga sinabi nito ay tuluyang humupa ang takot niya. Kinakabahan siya pero para iyon sa impormasyong sinabi nito tungkol sa pagsakop ng mga bampira sa mundo. Noon lang din niya naisip ang mga sunod-sunod na pagkawala ng mga mag-aaral sa paaralan nila noong college. Ang sabi noon ng mga awtoridad, isang bampira raw ang dumudukot sa mga estudiyante.
"Pero bakit gusto mo akong pakasalan?" usig niya rito pagkuwan.
"Marami akong dahilan. Sa ngayon ay hindi ko pa maipapaliwanag sa iyo dahil hindi ko pa nahanap ang sagot. Gusto lang kitang protektahan. Pero hindi ko ikakaila na nagustuhan kita noong una kitang makita sa birthday party noon ng papa mo. Hindi lang tayo nagkaharap noon. Gandang-ganda kasi talaga ako sa 'yo. Mahilig kasi ako sa magaganda, sa totoo lang."
Uminit ang mukha niya. Sa tagal na panahon kasi ito lang ang nagsabi sa kanya na maganda siya. Karamihan alien ang tawag sa kanya dahil sa kakaibang mga mata niya. His frank appreciation made her proud to herself. His words expressed how special she is that some people couldn't appreciate.
She grinned. "Yes, I could say that you're not human because you appreciate my weirdness," she said with amusement.
He sexily laughed. "Those people said that you're ugly are a an alien," amuse ding sabi nito. Sinipat nito ang relong pambisig na suot nito. "Late na, baka inaantok ka na," pagkuwan ay apela nito. Bumuntng-hininga ito. "So, may problema ka ba sa rules ko?"
Kumibit-balikat siya "I think it's fine," aniya.
"Kung ganoon, matulog ka na. Magkita na lang tayo sa Pilipinas next week. Tinawagan ko na ang kaibigan ko'ng may-ari ng resort sa Talisay Cebu na ipapasundo kayo sa airport para deretso na sa resort," anito.
"Sige."
Sabay na silang tumayo. Nauna na siyang lumabas. Hindi na niya ito nakausap pagdating nila sa sala. Naroon kasi ang papa niya. Dumeretso na lamang siya sa kanyang kuwarto.
KAKAIBANG pananabik ang nadarama ni Leslie habang palapag na sa airport ng Pilipinas ang sinasakyan nilang eroplano. Ang ina niya ang unang naisip niya. Pagdating nila sa arrival area ay nakita kaagad niya ang sign board na 'Harley's Resort'. Iyon daw kasi ang palatandaan ng staff ng resort na magsusundo sa kanila. Iginiya na niya ang mga magulang niya palapit sa lalaki.
May plane ticket na pala sila patungo sa Cebu. Manila lang kasi ang ticket nila. Gusto pa sana niyang tumambay kahit isang araw lang sa Maynila pero hindi pumayag ang mga magulang niya kaya dumeretso na sila sa Cebu. Magkahalo ang kaba at pananabik niya.
Wala pang isang oras ay nakalapag na sila sa Cebu. May sumundo na sa kanila na service ng resort. May tatlong oras pa ang biyahe bago sila nakarating sa resort ng kaibigan ni Marco. Kasama nila si Lolita, ito raw ang makakasama niya hanggang sa maikasal siya at bago sila magsasama ni Marco. Lulubusin na niya ang pagkakataon na makasama ito, dahil babalik din ito sa Jeddah pagkatapos ng kasal niya.
Pagdating nila sa Harley's resort ay sinalubong naman sila ng may-ari na siyang kaibigan ni Marco, si Erron Harley. Nang makita niya ang hitsura nito ay nagduda na siya na posibleng isa rin itong bampira. Binigyan sila nito ng pinakamagarang kuwarto na meron ang resort. Kasama niya sa kuwarto si Lolita, habang hiwalay ang kuwarto ng mga magulang niya.
She loves the ambiance of the hotel, it's classy and modern. From their luxurious hotel suite, she could hear the noise from the sea. Makikita rin mula roon ang beach area, a meters away from the seven-floor hotel. Nag-enjoy rin siya sa international cuisines na inihain sa kanilang hapunan. The staff is friendly.
Nagtataka si Leslie bakit dalawang araw na sila sa resort pero hindi pa rin nagpapakita sa kanila si Marco. Ito lang ang hinihintay nila dahil ito ang mag-aasikaso sa kasal nila. Ang sabi naman ni Erron nang tanungin niya, hindi pa raw nakakarating ng Pilipinas si Marco. Baliktad ata, dapat si Marco ang maghihitay. Masyado namang paimportante ang groom niya. Alam niya naiinip na ang mga magulang niya dahil may naiwang trabaho ang mga ito sa Jeddah.
Linggo ng gabi, nagulat na lang si Leslie nang ipatawag siya ng mga magulang niya. Tapos na ang hapunan. Pagdating niya sa pribadong dining room ay naabutan niya ang mga magulang niya na kasama si Marco sa mahabang mesa na may sari-saring pagkain. Marco wore a gray tuxedo, also wearing his seductive smile while gazing her. Kausap ito ng mga magulang niya. Umupo siya sa tabi ng mama niya.
"This coming Friday will be the official ceremony of the wedding," anunsiyo ni Marco.
"Thank you, Mr. Navas. I think my daughter is prepared," wika naman ng papa niya.
Tumingin sa kanya si Marco. "But she looks stress. Anything wrong, Ms. Leslie?" anito habang nakatitig sa kanya.
Tiningnan naman siya ng mga magulang niya. Nababalisa tuloy siya. Magmula kasi noong dumating sila roon sa resort ay hindi na siya nakakatulog ng maayos. Palagi niyang naiisip si Marco.
"Ahm, don't mind me, I'm fine," sabi lang niya.
Inakbayan siya ng mama niya. "I know how excited you are, my dear. Just relax and enjoy your special day. Everything will be alright," anito.
"I know, Mama."
Nag-uusap ang dalawang lalaki. Maraming habilin at payo ang papa niya kay Marco. Mukhang ibinibigay na talaga siya ng mga ito sa binata. Alam na niya kasi sa sobrang busy ng mga magulang niya, wala na ring panahon ang mga ito sa kanya. Kaya nga hindi na nabiyayaan ng anak ang mga ito. Mas pabor na rin ito sa kanya dahil mabibigyan na siya ng laya. May laya nga ba siya sa kamay ni Marco?
Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon ni Marco na makapag-usap dahil kasama niya ang mga magulang niya. Pinagpahinga na lang siya ng mga ito. Aywan niya, kahit arranged marriage ang mangyayari ay kinakabahan pa rin siya at nasasabik. Kung ano-ano na ang naiisip niya tungkol sa pagsasama nila ni Marco. Hanggang sa panahong iyon ay hindi pa rin siya maka-get-over sa rules ni Marco na magkahiwalay sila ng kuwarto sa bahay. Hindi pa rin niya mahagilap ang sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top