Chapter 23 (SPG) Unedited
BUMALIK si Leslie sa academy para sa nalalapit na pag-iisa nila ng tatay niya. Doon kasi sa dark room isasagawa ang proseso. Hindi na niya ulit nakita si Marco, magbuhat noong huli silang nag-usap. Ipinapakita niya sa iba na malakas siya, pero walang gabi na hindi siya lumuluha. Nagakaroon pa rin siya ng pagkakataon na masubaybayan ang paglaki ng anak niya, ngunit hindi niya maipkita sa iba ang galak niya, gayung sa bibig mismo ni Marco nagmula na hindi siya nararapat maging ina.
Pumatak na naman ang luha niya habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa dugo niya. Nag-iisa siyang nakaupo sa bench sa labas ng laboratory. Narinig niya ang papalapit na yabag pero hindi siya nag-abalang tingnan kung sino ang humahakbang palapit sa kanya.
"Bakit hindi mo subukang suyuin si Marco?"
Napatingin siya bigla sa gawing kaliwa niya. Namataan niya si Leandro na nakaupo sa dulo ng bench. "Suyuin?" aniya.
"Oo. Hindi ba kapag ang isang lalaki gustong makuha ang loob ng babae ay sinusuyo niya? Ilagay mo ang sarili mo ngayon sa sitwasyon ng lalaki. Hindi nakakahiyang gawin 'yon."
"P-pero..."
"Huwag kang matakot. Mas makapangyarihan ang pagmamahal kumpara sa galit. Ngayon lang nasaktan ng sobra si Marco kaya hindi pa iyon matanggap ng sestema niya, pero alam ko lilipas din ang galit niya."
"Pero itinataboy na niya ako," aniya.
"E kasi nagpapataboy ka. Kung didisido kang tanggapin ka niya, kahit sipain ka niya palayo, bumalik ka at suyuin siya. Ganoon ang mabisang paraan. Kahit sinong may galit sa kapwa niya, lumalambot kapag nakikita nilang disidido ang nagkasala sa kanila."
"Hindi pa ba sapat ang paliwanag at pagluhod ko sa harapan niya?"
"Marco wasn't believed in words and promises. Ipadama mo sa kanya hindi lang sa isang pagkakataon. Kumilos ka."
Humugot siya ng malalim ng hininga. Sa ngayon ay hindi pa siya makapag-isip ng maayos. Mamayang gabi na ang pag-iisa nila ng tatay niya, at iyon na ang huling pagkakataong masilayan niya ang tunay niyang ama. Naghahalo na ang emosyon sa puso niya.
"Good luck mamaya. Wala rin akong ideya kung ano ang kalalabasan ng pag-iisa ninyo ng ama mo," ani Leandro.
"Bakit, may magbabago ba?" manghang tanong niya.
"Malaki ang magbabago, Leslie. Maliban sa magiging imortal ka, maa-adapt mo ang ugali ng tatay mo. Ang masama niyan, if emotionless siya, makakaapekto iyon sa emotion mo."
"Ibig sabihin mawawalan din ako ng emosyon?"
"Hindi naman siguro mawawalan, may magbabago lang sa feeling mo."
Bigla siyang kinabahan. Paano na ang feelings niya kay Marco?
"Huwag kang mag-alala, hindi mabubura ang laman ng puso mo. Kaya kung nakalista diyan ang kaibigan ko, nariyan lang siya."
Mabuti na lang pala.
Mamaya'y lumabas na si Zyrus. Nagkasabay pa sila ni Leandro na tumayo. "Magpahinga ka muna, Leslie, ipapatawag na lang kita kapag handa na ang dark room," sabi ni Zyrus.
"Sige. Salamat," aniya. Nagpaalam na siya sa mga ito.
Sa mansiyon pa rin ni Dario si Leslie kasama ang nanay niya. Hindi na siya pinayagan ng mga ito na lumabas. Naisip din niya na baka nagpaplano na si Rofeno ng paghihiganti sa kanya. Papasok sana siya sa laboratory kung saan ang anak niya ngunit napako ang paa niya sa bukana ng pinto nang mamataan niya si Marco at Amborja na nag-uusap sa harap ng anak niya. Pakiramdam niya'y wari may libolibong punyal na tumutulos sa puso niya habang maiging nakikinig sa sinasbai ni Amborja kay Marco.
"I warn you twice but you didn't mind me. She's nobody. You just waste your time for almost a couple of decade. Hindi na masama, nagbunga naman ang efforts mo. Natupad ang pangarap mong magkaanak sa day walker na may mixed blood. Pero hindi kaya masyadong mapanganib itong anak mo?" wika ni Amborja kay Marco.
"Ako ang magsasanay sa anak ko. Aalagaan ko siya," ani Marco.
"You alone? Baka gusto mo ng kaagapay sa pag-alaga sa kanya? Let's work together again. Nakapagdesisyon na ako, Marco. I'll spend my whole life with you."
Lalong sumigid ang kirot sa puso ni Leslie. Hindi na ata kakayanin ng puso niya ang isasagot ni Marco.
"I don't need enybody. Tama na si Leslie. Galit ako dahil sa ginawa niya pero tama ang pasya niyang iyon para sa sarili niyang kapakanan," pagkuwa'y sabi ni Marco.
Natutuwa si Leslie dahil kahit papano, naiisip pa rin siya ni Marco, pero nasasaktan siya sa isiping iginigiit pa rin nito na sarili lang niya ang iniisip niya.
"Natutuwa ka pa dahil sa pagkamakasarili ng asawa mo? Bigyan mo naman ng hustisya ang sarili mo, Marco. Sinaktan ka niya, wala ka bang gagawin para ibalik sa kanya ang sakit na nararamdaman mo?" usig ni Amborja kay Marco.
"Hindi ako tao pero hindi ako sakim. Hindi ko ugali ang maghiganti. I didn't believe that revenge was enough to give justice. I want peace of mind. Please, leave me alone?" naiirita nang sabi ni Marco.
"Fine! Bumaba na talaga ang kalidad ng utak mo!"
Nang kumilos si Amborja ay dagling umalis si Leslie. Patakbong umakyat siya ng hagdan at pumasok sa pinakamalapit na kuwarto sa takot na mahuli siya ni Amborja. Ni-lock niya ang pinto. Sobrang ginaw sa kuwartong iyon kaya hinanap niya ang remote ng air-condition pero hindi niya mahagilap.
Mamaya'y gumalaw ang seradura ng pinto. Humakbang siya palapit sa pinto at pinakiramdaman kung may tao sa labas. Wala naman siyang naririnig na ingay. Parang gustong sirain ang seradura sa kagustuhang mabuksan. Aywan niya bakit siya kinakabahan. Wala siyang ideya kung kaninong kuwarto ang pinasok niya. Wala namang kagamit-gamit roon, maliban sa kama na walang kobre.
Gumagalaw pa rin ang seradura. Nagbilang siya ng tatlo sabay bukas bigla sa pinto. Para siyang tinadyakan nang biglang matulak ang lakas niya. Nagulat siya nang bigla siyang lamunin ng buong katawan ni Marco. Hindi niya kinaya ang bigat nito dahilan upang bumagsak silang dalawa sa sahig.
Sandaling nanilim ang paningin niya nang bahagyang mabagok ang ulo niya sa sementadong sahig. Pero ganoon din ang agarang panunumbalik ng diwa niya nang madama niya ang kamay ni Marco na nakalapat sa isang dibdib niya at ang labi nito'y nakahalik sa noo niya.
Bigla itong bumangon. Ni hindi man lang siya inalalayang makatayo. Naiinis siya at sa sobrang inis ay nakaisip siya na magdrama.
Dahandahan siyang umupo habang hawak ang ulo niya. "Argh..." daing niya, kunwari sobrang kirot ng ulo niya.
Nakatingin lang sa kanya si Marco. Subalit ang pagdadrama niya ay tila naging makatotohanan. Bigla na lang tumulo ang dugo buhat sa kanyang ilong. Nagulat na lang siya nang bigla siyang lapitan ni Marco at binuhat. Dinala siya nito sa banyo at ito pa mismo ang naghilamos ng tubig sa mukha niya.
Natigilan siya nang mapansin ang isang kamay nito na nakapulupot pa rin sa baywang niya. At least ngayon alam niya'ng may halaga pa rin siya rito. Nang tumigil na sa pagdurugo ang ilong niya ay nag-abala pa itong punasan ng tuwalya ang mukha niya. Inayos pa nito ang nagulo niyang buhok.
"Lumabas ka na," anito pagkatapos.
Naudlot ang pagdidiwang ng puso niya. Hindi pa pala bumabalik si Marco. Nagtiuna na itong lumabas ng banyo. Pagkuwa'y sumunod siya. Huminto siya sa paghakbang nang biglang maghubad ng kamesita si Marco. Kahit pumayat ito ay hubog pa rin ang mga kalamnan nito sa likod, lalo na sa dibdib nang humarap ito sa kanya.
"What are you waiting for?" masungit na sabi nito.
Napalunok siya. May nagdidikta sa isip niya.
Akitin mo ang asawa mo, Leslie, anang tinig sa likod ng isip niya.
Sa halip na humakbang palabas ay humakbang siya palapit sa kanyang asawa.
HINDI naituloy ni Marco ang paghuhubad nang pantalon nang biglang namulupot ang mga kamay ni Leslie sa leeg niya. Nagulat siya sa hakbang nito.
"Please, Marco, kahit ngayon lang, ituring mo ulit akong asawa mo. I'm sorry for a million times. I love you. Baka hindi ko na ito magagawa pagkatapos na maging isa kami ng tatay ko. Baka hindi na kita mahahawakan at mahahalikan. Baka paggising ko, hindi na ikaw ang lalaking mahal ko. Please, kahit ngayon lang," samo nito.
Ganoon na lang ang pagsikip ng dibdib niya habang iniisip ang pinagsasabi nito. Ang kapiranggot na galit niya para kay Leslie ay nahalinhan ng hindi mawaring galak. Oo nga't sa babae lang na ito siya tinubuan ng pride. Isang pride na hindi niya kayang panghawakan habang buhay. Heart never lies nga naman. Hindi niya maawat ang pagsisilakbo ng puso niya. Gusto niyang murahin ang sarili niya dahil hindi niya mapanindigan ang desisyon niya.
Wala siyang nagawa nang pangunahan siya nitong halikan. Hindi siya tumutugon pero hindi naman niya ito magawang pigilan, sa halip ipinangko niya ito saka siya umupo sa gilid ng kama. Baka sakaling kapag nakaraos siya sa lalambot na ulit ang puso niya.
Shit! napamura ang diwa niya nang sakmalin ni Leslie si title Marco. Nagulat siya sa agarang pagtayo nito, na mas excited pa sa kanya. Ang bilis naman ng asawa niya. Nagja-jack in poy pa ang isip niya'y kagat na nito ang pambato niya.
Pinagmamasdan lang niya si Leslie habang umaangat-ibaba ang ulo nito sa pagitan ng mga hita niya. Kakaibang effort ang ginagawa nito, taliwas sa iniisip niya. Alam na ata nito ang kahinaan niya. Well, hindi na masama.
Pero may point si Leslie, kapag naging isa na ito at ang tatay nito, may posibilidad na magbabago ito. Bigla siyang nababahala. Sa ngayon ay ibibigay niya ang luho ng mga katawan nila. Wala munang personalan.
Hindi kinaya ng sestema niya ang sensasyong nililikha ng bibig nito sa tuktok ng kanyang pagkalalaki. Medyo nagtayuan ang balahibo niya sa katawan. Hindi pa kasi iyon nagawa ni Leslie ni minsan na nagtalik sila. Para itong batang uhaw sa ice cream.
"Uhhhmmmm... oohhh..." Napapaangat siya sa tuwing simsimin ng bibig nito ang tugatog ng sandata niya. Nagbabadya siyang mag-release sa pagkakataong iyon, ngunit ayaw muna niyang matapos ang sandaling iyon.
Siya na mismo ang pumigil rito. Kinabig niya ang baywang nito saka pinaupo sa kanyang mga hita. Pagkuwa'y inangkin niya ito. Ganoon naman ang agarang pag-indayog ng katawan nito. Na-achieve nito ang bilis na gusto niya, ang seductive nitong mukha ay lalong nagpainit sa kanyang buong sestema.
"Aaahh... More, Sweetie!" pangahas na utos niya rito. Na-miss niya ang alindog ng katawan nito, ang malulusog nitong dibdib na madalas niyang nilalaro. Hinalikhalikan niya ang bawat tuktok ng dibdib nito na malakas ang pag-alog. Hinawakan pa niya ang puno niyon upang hindi makawala sa bibig niya.
"Aaahhh... aaahh... Oh, Marco! I missed you!" wika nito habang hibang nang sumasayaw sa ibabaw niya.
"Paano ako maniniwala na ako lang ang lalaking umaangkin sa iyo, huh? Imposibleng hindi ka pinilit ni Rofeno na makipagtalik sa kanya. Uhaw siya sa dugo mo," hindi natimping usig niya rito.
Bahagyang bumagal ang kilos ni Leslie. "Kung hindi kita iniisip, hindi ako susugal ng buhay para lang hindi niya ako maangkin. Kahit halik, hindi ko ibinigay sa kanya," anito.
"Oh? Kahit halik? E ano naman ang eksenang nakita ko sa airport na hinahalikan ka niya?"
"Dahil nagpanggap siya na ikaw. Nilinlang niya ako. Bakit ba hindi ka naniniwalang hindi kita kayang pagtaksilan?" Bigla itong tumigil sa pagkilos.
"Shit! Stop talking! Ituloy mo!" balisang utos niya.
"You make a move too, sweetie," hamon nito. Hindi na ito kumikilos.
"Fuck! Alam mong ayaw kong nabibitin," aniya saka ito pinalitan sa puwesto.
Inihiga niya ito, habang nanatiling angkin nila ang isa't-isa. Itinaas pa niya an gmga hita nito upang malaya siyang makakilos. Hindi na muna niya ito kinausap. Pero habang umuulos siya rito ay napalingon siya sa pinto. Napamura ang isip iniya nang makita niya itong nakabukas.
Iniisip pa lang niya ay may kumatok na sa pinto. Pagtingin niya ulit ay nakasilip na roon si Leandro. Tinakpan niya ang mga mata ni Leslie, baka bigla itong ma-ditract.
"ituloy mo lang 'yan, pagatapos ihatid mo si Leslie sa dark room. Fuck you, pakipot ka rin, eh," ani Leandro saka isinara ang pinto bago umalis.
"Sino 'yon, Marco?" tanong ni Leslie, sa ilalim na kinakabahang tinig.
"Wala, guniguni mo lang." Nagpatuloy siya sa pagkilos hanggang sa abutan siya ng tag-init.
Walanghiya, naunahan na naman siya ng asawa niya sa finish line.
Hindi na niya pinagpahinga si Leslie, nag-utos na lang siya ng iba para ihatid ito sa academy. Guilty kasi siya. Isa pa, ayaw niyang masaksihan ang unti-unting pagbabago nito baka lalo lang siya masasaktan. Pero habang isinasagawa ang proseso sa pag-iisa ni Leslie at ng tatay nito ay hindi naman siya mapakali. Sumugod pa rin siya sa academy pero hindi na siya pinapasok sa dark room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top