Chapter 22 (Unedited)
KINAKABAHAN si Leslie, habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga magulang na nag-uusap. Maya't-maya ang sipat sa kanya ng tatay niya. Mamaya'y humiga muli si Hajed. Humahakbang na palapit sa kanya si Trinidad. Tumayo siya.
"Ano po ang sabi niya, 'nay?" nababahalang tanong niya.
"Hindi pa niya ako masyadong naiintindihan. Kulang pa ang mga araw para tuluyang gumagana ang mga organs niya sa katawan, pero may naisip na akong paraan. Hindi ba nakausap mo ang kaibigan mong bampira? Ganito na lang ang gagawin natin, sabihin mo sa kanya na sunduin tayo rito sa araw na isagawa natin ang pagtakas, nang ligtas nating mailabas ang tatay mo. Tuturukan ko siya ng pampatulog para malaya siyang mailabas. Kausapin mo na si Rofeno," ani Trinidad.
Inalipin na siya ng kaba. Hindi kasi siya sigurado kung magagawa niya ng tama ang plano nila. "Kinakabahan ako, 'nay. Paano kung pumalpak ako, baka mapatay tayo pareho ni Rofeno?" aniya.
"Naisip ko na 'yon, kaya sa halip na injection ang gagamitin mo, gamitan mo idaan mo na lang sa inumin. Mahina ang sense of taste ni Rofeno at pang-amoy, kapag nahalo sa isang likido ang isang lason. Pero ang masama niyan, maraming antidotes ang katawan niya kaya maaring minuto lang ang epekto ng lason sa katawan niya. Mas malakas ang pandamdam niya. May itinuro sa akin si Morgan noon, kung paano kontrahin ang hipnotismo ng isang nilalang. May kakayahan si Rofeno na bumasa ng galaw ng tao. May kakayahan din siyang gumaya ng imahe ng ibang tao."
"Masyado pong mapanganib kung sa inumin, baka makakahalata pa rin siya. Kailangan may plan B tayo. Paano kung hindi niya iinumin ang tea?"
"Gamitin mo na ang karayom. Pero dapat maingat ka sa paggamit dahil baka ikaw ang matusok. Segundo lang ang bilis ng epekto niyon, pero kahit gaano kalakas ang lason niyon, kaya pa rin 'yong labanan ng antidotes ni Rofeno. Mas mainam iyon dahil mas matagal siyang mawawalan ng malay."
"Sige po. Pag-aaralan kong gamitin ang karayom. Pero paano si itay, okay na ba siya?" aniya.
"Hindi pa normal ang lakas niya. Kailangan pa niyang magpahinga. Tawagan mo na ang kaibigan mo at sabihin ang plano natin."
Tumango lamang siya.
Mamaya'y iniwan na siya ng ginang. Aalis na sana siya nang marinig niya na nagsalita ang tatay niya. Inalipin siya nang galak nang mamataan itong nakaupo at nakatingin sa kanya. Humakbang siya palapit rito. Wala itong emosyon sa mukha, basta nakatitig lang ito sa kanya.
Ginagap niya ang kanang kamay nito saka iyon hinaplos. Nagulat siya nang kusang kumilos ang kamay nitong iyon patungo sa pisngi niya. Marahang hinaplos nito ang makinis niyang pisngi.
"How are you?" tanong nito sa buong-buo na tinig.
"I'm not feeling better. I need you," aniya.
"I-I want us to become one. You deserve to live."
"Thank you. Please, get will."
Ngumiti lang ito. Pagkuwa'y inalalayan niya itong makahiga. Nang makatulog na ito ay lumabas kaagad siya. Pumasok siya sa kuwarto saka tinawagan si Trivor. Mabuti na lang mas madali niya itong lapitan. Sinabi niya ang plano nila. Pero nababag ang damdamin niya nang sabihin ni Trivor na hindi na nagpapakita sa mga ito si Marco.
Nang tawagan naman niya si Hannah ay sinabing hindi na rin daw umuuwi sa bahay nila si Marco. Tumutulo ang luha niya habang kausap si Hannah.
"Kung alam mo lang kung ano ang sakripisyo ni Marco para lang makasama ka, Ma'am, baka isumpa mo ang sarili mo. Hindi ka pa isinisilang ay pinuprotektahan ka na niya. Kung merong pinakatangang babae sa mundo, ikaw 'yon, kasi hindi mo ginagamit ang utak mo. Maraming nagmamahal kay Marco, at isa na ako doon! Nasasaktan ako habang nakikita siyang lumuluha habang pinipilit niyang kainin ang luto ko. Alam mo bang lahat na pagkaing hinahain ko sa kanya ay nauubos niya? Pero ngayon, ni ayaw niyang galawin, mas gusto niya ang luto mong walang lasa. Ganoon ka niya kamahal! How dare you do this to him, huh? Matagal ko na isyang kilala, pero ngayon ko lang siya nakitang lumuluha. Ngayon ko lang siya nakikitang nahihirapan at nagdurusa. Sana kung talagang hindi mo siya mahal, sana noon pa lang iniwan mo na siya para hindi siya nasasaktan ng sobra. Mahirap bang gawin 'yon? Makasarili ka kasi! Maswerte ka nga, dahil sa dami ng babaeng nagmamahal sa kanya, ikaw lang ang minahal niya ng sobra! Kami, ako, alam mo bang handang magpaalipin makuha lang ang atensiyon niya? Mabuti naman at nakapag-isip pa si Marco. Marami na siyang sinayang na panahon at effort, wala rin palang silbi.Sorry not sorry, ma'am. I'm just worried to him. Please, don't call me again," mahabang sintimeyinto ni Hannah, na siyang dumurog nang husto sa puso niya.
Nilamon na ng guilty ang puso niya. Hindi niya napigil ang sarili na humagulgol.
KINABUKASAN ng gabi...
Nilabanan ni Leslie ang kaba habang hinihintay ang pagkakataon na maisakatuparan ang plano nila. Ipinagkatiwala na niya sa nanay niya ang galaw sa labas, habang siya ay gagawin ang lahat para lang mapatulog si Rofeno. Dinala niya sa kuwarto niya ang dalawang baso ng juice. Red wine ang sa kanya, habang green tea naman kay Rofeno. Nagpa-seat up kasi ito ng dinner sa loob ng kuwarto niya, pero ang sabi pagkatapos na sila kakain.
Nakaligo na pala ito at naghihintay na lang sa kanya sa kama habang walang ano mang saplot sa katawan. Hindi nalalayo kay Marco ang ganda ng hubog ng katawan nito, pero kahit dilat ang mata niya ay katawan pa rin ng kanyang asawa ang nakikita niya. Ibinigay niya rito ang baso ng tea nito. Kinabahan siya nang amuyin nito iyon.
"Mamaya ko na ito iinumin," pagkuwa'y sabi nito saka inilapag sa ibabaw ng mesa ang baso.
Kumabog na ang dibdib niya. Tumayo ito at humakbang palapit sa kanya. Nakatusok sa mansanas ang karayom na itutusok niya rito. Kumislot siya nang mamulupot ang isang kamay nito sa baywang niya. Hinawi ng isang kamay nito ang buhok niya upang mahantad ang leeg niya. Nilabanan niya ang sensasyong dulot ng mainit nitong bibig na humahalik sa likod ng tainga niya pababa sa leeg niya. Iyon talaga ang kahinaan niya. Lalo siyang nanlambot nang damhin ng isang kamay nito ang isang dibdib niya. Tanging roba lang kasi ang suot niya at isang hila lang nito ay mahahantad na ang katawan niya.
"Mamaya ka na kumain," anito sabay gagap sa kamay niya na dadamputin sana ang manas.
Tumigas ang panga niya nang mabitawan niya ang mansanas. Hindi siya nakapalag nang mabilis nitong hubaran ang katawan niya. Pero hindi siya umalis sa harapan ng munting dining table. Nang maging abala na ang mga kamay nito sa paghubog sa maseselang parte ng katawan niya ay ikinapit niya kunwari ang mga kamay sa gilid ng kama, habang pasimpleng binubunot ang karayom sa mansanas.
Nang mapasakamay na niya ang karayom ay hinintay niyang hubugin ng kamay nito muli ang dibdib niya. Mamaya'y dumapo na nga ang kaliwang kamay nito sa dibdib niya. Hindi na niya sinayang ang pagkakataon. Mabilis na itinurok niya ang karayom sa braso nito.
"Arg!" daing nito nang siguro'y masaktan.
Hindi pa siya nito kaagad nabitawan. Makalipas ang ilang segundo ay kumalas ito sa kanya. Napaupo ito bigla sa kama at nagpupumilit na hugutin ang karayom sa balat nito. Nagsisimula nang mangatal ang katawan nito.
"How dare you!" nagawa pa nitong sabihin.
"Only Marco can touch my body, Rofeno," matapang na wika niya, habang nagsusuot ng damit.
"H-hindi pa tayo tapos, Leslie! Magbabayad ka!" anito bago tuluyang manigas ang katawan nito.
Kasabay sa pagbagsak nito sa kama ay bumukas ang pinto at iniluwa ang nanay niya kasama si Trivor. Akmang lalapitan ni Trivor si Rofeno, ngunit hinarang niya ito. Ramdam niya ang bagsik ni Trivor kaya alam niyang balak nitong patayin si Rofeno.
"Don't kill him, Trivor. Ayaw kong may mamatay pa," aniya.
"He deserves to die!" ani Trivor.
"Please..." samo niya.
Hindi na kumibo si Trivor, nagtiuna na lang itong lumabas. May kasama itong dalawang bampirang lalaki, na siyang bumuhat sa tatay niya. Ginabayan naman sila nito patungo sa mas ligtas na lugar. Bago sumikat ang araw ay nakarating na sila sa mansiyon ni Dario.
Hindi na nakatulog si Leslie pagdating nila sa mansiyon. Matapos asikasuhin ni Zyrus ang tatay niya ay nagdesisyon ito na kailangan ipag-isa sila ng tatay niya kapag nagising na ito. Kinakabahan siya. Wala siyang ideya kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos. Mabuti na lang nakiisa sa kanila ang nanay niya, kahit alam niyang may galit ito kay Dario. Hawak pala ng nanay niya ang pendant ng lola niya na iniwan sa tatay niya. Isa pala iyong life support ng tatay niya. Makakatulong iyon upang magilang ligtas ang pag-iisa nila ng tatay niya.
Dalawang oras lang ang naitulog ni Leslie. Nang malaman niyang nagising na ang tatay niya ay humingi kaagad siya ng payo kay Zyrus, kung ano bang preperasyon ang gagawin niya. Binigyan siya ni Zyrus ng dalawang oras na pahinga bago gagawin ang proseso.
Habang nagpapalipas ng oras, nakiusap siya kay Zyrus na kung maari ay dadalawin muna niya ang anak niya, kahit pa ipinagbabawal ang maraming bisita sa laboratory kung saan ang anak niya. Pagpasok niya sa laboratory ay nagulat siya nang mamataan si Hannah na hinahaplos ang salaming kinalalagyan ng anak niya. Pero mas nagulat siya nang mapansin na malaki na ang anak niya. Binatilyo na itong tingnan.
Hindi niya napigil ang pangingilid ng luha niya buhat sa hindi maipaliwanag na galak. Huminto siya sa paghakbang nang bigla siyang harapin ni Hannah. Bakas rin sa mukha nito ang pagkasurpresa, pero dagli ring nahalinhan ng tapang ang anyo nito.
"Mabuti naman naisipan mo pang dalawin ang anak mo," anito.
"Hindi mo ako naiintindihan, Hannah. Hindi madali para sa akin ang desisyon ko."
"Oh, talaga? Wala ka bang tiwala kay Marco? Kung talagang wala kang balak saktan siya, sana hindi ka gumawa ng hakbang na alam mong masasaktan siya. Kahit anong paliwanag mo, wala na iyong silbi, sinaktan mo na siya!"
Hindi siya nakakibo nang biglang bumukas ang pinto. Nagkasabay pa sila ni Hannah na lingunin kung sino ang pumasok. Ganoon na lang ang tahip ng dibdib niya nang mamataan si Marco. May kung anong tumutusok-tusok sa puso niya nang mapansin ang pagbagsak ng katawan nito. Parang tumanda ito ng ilang taon, pumayat, namutla at mukhang hindi na natutulog. Nahumpak ang pisngi nito at yumabong ang balbas at bigute.
Nagmamadali naman sa paglabas si Hannah. Lalong kumabog ang dibdib niya nang silang dalawa na lang ang naroon.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" dagli'y tanong nito.
"M-Marco, sorry. Ayaw ko nang mahirapan ka pa kaya—"
"Kaya ka sumama kay Rofeno? Ano man ang dahilan mo, hindi 'yon nakakatulong!"
"Ginawa ko 'yon dahil ayaw kong mapahamak ka pa! Hindi ko gustong saktan ka, Marco."
"Pero sinaktan mo ako, nangyari na at wala ka nang magagawa. So ngayon, ano pang ginagawa mo rito? Iniinsulto mo ba ako? May lakas na loob ka pang puntahan ang anak ko? Hindi ka nararapat maging ina niya, Leslie! Ipapahamak mo rin siya ng mga maling desisyon mo!"
Pakiramdam niya'y may taglay na libulibong punyal ang mga katagang binitawan ni Marco. Labis na kumikirot ang puso niya. "Bakit ba hindi mo ako maiintindihan. Papatayin ka ni Rofeno, sa palagay mo, hahayaan kong mangyari 'yon? Mahal kita kaya pinili kong sumama sa kanya kaysa patayin ka niya!"
"Tama na! Sinira mo na ang tiwala ko! Sinagad mo ako, Leslie! Bakit, hindi ba kita kayang protektahan? E ano kung mamatay ako? Wala kong pakialam. At least kahit mamatay ako, alam kong nagawa ko ang tungkulin ko sa 'yo. Eh, ikaw, bago ka ba nagdesisyon naisip mo na maaring mapapahamak din ako kahit sumama ka pa kay Rofeno? Paano kung pinatay nga niya ako?"
Nablanko na ang isip niya. Lalo lamang siya nilamon ng konsensiya niya nang masaksihan niya ang pangingilid ng luha sa magkabilang pisngi ni Marco. Damang-dama niya ang himagsik sa mukha nito.
"I trusted you once, Leslie. May isang salita ako. Alam mo namang mahina ang puso ko 'di ba? You lose me now and I don't want to see you here again. Leave us now."
Naalarma na siya. "M-Marco, please no... I'm back with my father. Hindi ba ito ang gusto mo, ang ipag-isa kami? Hindi ko isinuko ang sarili ko sa ibang lalaki alang-alang sa kaligtasan mo at kaligtasan ko. I'm sorry...please..." samo niya sabay luhod sa harapan nito. Yumakap siya sa kaliwang binti nito.
Hindi man lang ito kumikilos. Matapang pa rin itong nakatingin sa kanya. "Siguro naisiwalat na rin ni Rofeno ang tungkol sa akin. Ngayon alam mo na kung anong klasing nilalang ang pinakasalan mo. I won't blame you if you decide to leave me. It's my fault. I desire you, without thinking of consequences. Siguro sa lahat na naging desisyon ko sa buhay, ito lang ang pinakamalaking mali. Ngayon lang ako naging tanga at ibinaba ang sarili ko. Gusto kitang tanggapin ulit, pero hindi madali. Gusto kitang pakawalan pero mahal kita. Itinutulak ka ng isip ko, pero pumipigil ang puso ko. Pero siguro kapag hindi kita nakikita ng matagal ay makakalimutan din kita. Siguro din kung hindi ko na-adapt ang ugali ng mga tao, hindi ko matutunan magpatawad. Gusto ko ng sapat pang panahon para mag-isip at mag-move on. I want my life back in normal, noong hindi ka pa dumating sa buhay ko. Noong wala pa akong iniisip kundi tumulong sa mga tao. Noong wala pa akong pakialam sa pag-ibig. Noong gusto ko lang mag-enjoy bilang tagapangalaga ng karagatan. Gawin mo lang ang plano mo, wala na akong pakialam. Just leave us alone, we both have peace of mind," anito saka sapilitang lumayo sa kanya.
Pansamantalang namanhid ang katawan niya. Hindi niya inaasahan ang tagpong iyon. Umaasa siya na maiintindihan siya ni Marco at mapapatawad, pero isang malaking dagok pala ang kakaharapin niya. Nawindang siya. Ang galit ni Marco ay tila sumpa na alam niyang habang buhay na uusig sa pagkatao niya.
Nang mahimasmasa'y tumayo siya at ipinagpilitan pa rin ang gusto. Sinugod niya si Marco at niyakap ito buhat sa likuran. "One more chance, Marco, please...don't do this to me. Gagawin ko ang lahat, babawi ako. Kahit ano, kahit ano, Marco..." samo niya.
Nagulat siya nang marahas nitong kalasin ang pagkakayakap ng mga kamay niya sa katawan nito. "Don't just say that fucking promises to me, Leslie, just do it. I don't need words, I need your moves. If you want my trust back, then leave me now."
Sapat ang mga salitang iyon upang tuluyan niya itong iwan. Pero pinanghawakan niya ang mga sinabi nito. Kailangan lang niyang mag-isip ng epektibong hakbang. Walang imik siyang lumabas. Hinayaan niyang tumagistis ang luha niya nang sa gayun ay maibsan kahit papano ang paninikip ng dibdib niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top