Chapter 20 (Unedited)


PANAY ang tawag ni Luis sa cellphone ni Leslie pero hindi niya sinasagot. Tinawagan naman na niya ang boss nila kaya malamang alam na rin ni Luis kung bakit bigla siyang nag-resign. Tumunog na naman ang cellphone niya kung kailan nasa banyo siya at sana'y maliligo. Pinabayaan na niya iyon.

Makalipas ang halos isang oras niyang paliligo ay natigilan siya nang marinig niya ang tinig ni Marco na may kasap. Pagbukas niya ng pinto ay napamata siya nang mamataan ito na nakahiga sa kama niya habang nakalapat sa kanang tainga nito ang cellphone niya. Bigla na lang siya nilamon ng kaba.

"Excuse me, pare, hindi ko sinasakal ang asawa ko. Masama bang magdesisyon ako na huwag na siyang magtrabaho? May pera ako, kaya ko siyang buhayin kahit hindi siya magtrabaho. At isa pa, ang alam ko wala akong nilalabag na batas. Bakit ba masyado kang nakikialam, sino ka ba sa akala mo? May ebidensiya ka ba na sinasaktan ko ang asawa ko? Para sa kaalaman mo, ni kurot hindi ko ginawa sa asawa ko. Kung umiiyak man siya, iyon ay dahil sa sarap hindi sa hirap. Thank you for complaining anyway, and please, mind your own life. You're talking too much none sense," palatak ni Marco, saka ibinaba ang telepono.

Kilala na niya kung sino ang kausap nito. Kumislot siya nang bigla itong tumayo at inihagis ang cellphone niya sa kama. Panay ang buntong-hininga nito.

"Bakit ganoon kung magsalita ang Luis na iyon? Ano ba ang kinukuwento mo sa kanya? Bakit, minamaltrato ba kita? Kung umasta siya parang ang laki ng ipinaglalaban niya, ah," iritableng sabi nito.

Napalunok siya. "Ano ba kasi ang sinabi mo sa kanya?" aniya.

"Tinanong kasi niya ako kung bakit hindi ka na papasok? Pinagbawalan daw ba kitang pumasok? Ang dami na niyang sinabi. Bakit alam niya ang tungkol sa kasal natin? Ipinapalandakan mo ba sa ibang tao na napilitan ka lang magpakasal sa akin? What's wrong with us, sweetie?"

Hindi siya kaagad nakaimik. "N-nagkuwento lang naman ako sa kanya, pero hindi kita sinisira. Isa pa, bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi ko siya maintindihan bakit ganoon ang reaksiyon at iniisip niya," aniya pagkuwan.

"Dahil interesado siya sa iyo. Akala niya, mabibigyan siya ng chance dahil alam niyang napilitan ka lang na magpakasal sa akin. Ganoon naman ang mga tao, eh. Wala silang pakialam kahit kasal na 'yong tao, basta gusto nila papatusin. Hindi niya iniisip na may nasisira silang relasyon."

"Hindi lahat ganoon, Marco."

"But most of them. Masyadong mapusok ang mga tao at palaging dinadahilan na nagmahal lang sila. Walang mali sa pagmamahal, pero sana sa tamang tao. Kung hindi kita mahal, hindi ako maapektuhan ng ganito. Nakakalalaki siya. Daang taon na akong nabubuhay kasama ng mga tao kaya na-absorb ko ang lifestyle nila at pag-uusali. Pero hindi ko kailan man natutunan ang angkinin ang pag-aari ng iba. Kung matalino siya, dapat naisip niya na mali ang hakbang na gusto niyang gawin."

Nakadama siya ng iritasyon. "Nagmamalasakit lang naman si Luis. Akala kasi niya hindi ako masaya at may problema ako," aniya.

"Then why? Bakit parang inagawa siya kung magsalita? Parang hindi niya matanggap na umalis ka na sa trabaho? Manhid ka? Ang pagmamagandang loob niya sa iyo ay may malalim na kahulugan. Malamang, kinukuha niya ang loob mo, para sakaling naisip mong makipaghiwalay sa akin, hindi ka mag-aalinlangan na tanggapin siya."

"Puwede ba, masyado ka nang paranoid!" hasik niya.

"Why not? I have enough evidence to prove that there's something wrong with us."

"Noon 'yon, Marco! Noon, gusto kong mag-quit pero habang tumatagal natatanggap ko na ang kapalaran ko. Hindi ako napipilitan, kusa ko itong nagugustuhan."

"Pero minsan mo akong minasama."

"I admit. I'm sorry."

Hindi na nagsalita si Marco. Dinampot nito ang baso ng juice nito saka lumabas. Nababag ang damdmain niya dahil sa asal nito. Kung hindi niya ito susuyuin at lalambingin ay magtatagal na naman ang taglamig sa relasyon nila.

Nagtataka na siya sa pagbabago ni Marco. Masyado na itong sinsitibo ngayon. Madaling uminit ang ulo nito at may pagkakataon na parang ayaw siyang makita. Daig pa nito ang naglilihi.

Kinabukasan ng gabi, inihanda na ni Leslie ang mga gamit na dadalhin nila papuntang laguna. Alas-tres kasi ang flight nila papuntang Maynila. Wala pa ma'y excited na siyang makita ang nanay niya. Maya't-maya ang sipat niya sa orasan. Alas-onse na kasi pero hindi pa dumarating si Marco.

Lumabas pa siya ng kuwarto para tingnan kung gising pa si Hannah. Wala nang tao sa sala, pero pagala-gala sa labas ng bahay ang bantay niyang mga bampira. Papasok sana siya sa kusina nang bigla siyang napako sa kinatatayuan niya. Bigla na lang kasing namilipit sa kirot ang puson niya, na wari binubusa ang loob.

"Arg!" daing niya nang sumigid pa ang kirot. Napakapit siya sa gilid ng pinto nang mangatog ang mga tuhod niya.

Mamaya'y lumuwa siya ng dugo. Ang dugong iniluwa niya ay malapot at kulay itim, pero hindi nakakasunog. Umikot ang paningin niya matapos mailuwa ang dugong iyon. Matutumba na sana siya mabuti na lang may sumalo sa likod niya. Binuhat siya nito at inihiga siya sa sofa. Hindi na niya naririnig ang ingay sa paligid at wala siyang maramdaman.

Makalipas ang ilang sandali ay humupa ang pagkahilo niya. Nahimigan niya ang tinig ni Marco na may kausap. Nang tuluyang manumbalik ang diwa niya ay napansin niya si Marco na nakaupo sa paanan niya at may hawak na malaking injection.

Nang mapansing siyang gising ay bumaling ito sa harapan niya. Iginiya siya nito paupo saka siya tinabihan. Hinawakan nito ang kaliwang braso niya.

"A-anong gagawin mo?" tanong niya.

"Dugo ito, sweetie. Binubuksan ng kaaway ang tiyan ng tatay mo kaya ramdam mo sa sarili mo. Lumapot na ang dugo mo kaya kailangan masalinan kahit kaunti. Dugo ito ni Devey. Makakatulong ito para manumbalik sa dati ang dugo mo," anito.

Hindi siya pumalag nang iturok nito ang injection sa braso niya. Damang-dama niya ang pagtulay ng dugo sa mga ugat niya.

"Bakit dugo ni Devey?" takang tanong niya.

"May pagkakatulad kayo ng dugo ni Devey. Pero ang sa kanya, namana niya sa mga ninuno niya. Mas matapang lang ang dugo mo dahil puro."

"Aalis na ba tayo?" tanong niya pagkuwan.

"Kung hindi mo pa kayang bumiyahe, huwag na muna."

"Pero hindi na puwede e-cancel ang flight."

"Okay lang. Ang mahalaga, bumuti ang pakiramdam mo."

"Okay na ako. Wala pa namang isang oras ang biyahe."

"Sigurado ka bang kaya mo?"

Tumango siya.

Mabilis na kumalat ang dugo sa katawan niya kaya baliwala ang mga naramdaman niya kanina. Hinihintay na lang nila ni Marco ang flight. Nakatulog na sa katabi niyang upuan si Marco sa kakahintay. Ang aga kasi nilang pumasok sa departure area.

May kalahating oras pa bago ang alis nila. Puno na naman ang pantog niya kaya tumayo siya at nagtungo sa palikuran. Paglabas niya ay marami nang tao. Habang naglalakad siya pabalik sa puwesto nila ni Marco ay napahinto siya sa paghakbang nang harangin siya ni Marco.

"Magbabanyo ka rin ba?" tanong niya rito.

"Oo. Samahan mo ako," anito.

"Ha? Bakit pa?"

Hindi siya nakahindi nang hawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa palikuran ng mga lalaki, pero hindi sila pumasok. Dinala siya nito sa bahaging wala nang tao.

"Sandali, ano bang ginagawa natin dito? Aalis na tayo," angal niya.

Hindi ito umimik at basta na lang siya isinandal sa dingding. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Hinaplos nito ang pisngi niya saka siya nginitian. Nagtataka na siya sa ikinikilos nito. Kanina lang ay masarap ang tulog nito. O baka naman naaalimpungatan lang ito.

"Hindi na tayo matutuloy," anito.

"Bakit?" aniya.

"Dahil hindi na natin madadatnan ang nanay mo doon."

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Kinuha ko na siya. Ikaw na lang ang kulang, mabubuo na ang pamilya mo."

Kinabahan na siya. Nagduda na siya na hindi si Marco ang kasama niya.

"Umuwi na tayo, sweetie," anito.

Pumiksi siya ngunit ginapos nito ang mga kamay niya at walang habas na hinapuhap ng halik ang labi niya. Hindi niya maintindihan bakit bigla siyang nanghihina. Gusto niya itong itulak pero wala siyang lakas.

"Leslie!"

Nabuhayan siya ng lakas nang marinig niya ang tinig ni Marco. Nagkaroon siya ng lakas upang itulak ang lalaking nasa harapan niya. Saka lamang niya napansin na hindi ito si Marco kundi si Rofeno! Si Marco ay humahakbang patungo sa kanila.

"M-Marco?" bigkas niya. Nawindang siya. Paano nangyari ang lahat na iyon?

"Lumayo ka sa kanya!" sigaw ni Marco.

Ngunit bago pa man siya nakaiwas kay Rofeno ay haklit na nito ang balikat niya. Isinama siya nito sa pag-alis. Parang kidlat ang paglapag nila ni Rofeno sa isang bakanteng lote. Nakasunod pa rin sa kanila si Marco. Akmang susugurin sila nito ngunit umapoy ang daraanan nito.

Kinabahan siya nang maalala na kahinaan ni Marco ang apoy. Pinilit niyang makawala sa kamay ni Rofeno, pero masyado itong malakas. Pinalibutan nan g apoy si Marco kaya bigla itong nanghina.

"Hindi ko lulusawin ang asawa mo kung payapa kang sasama sa akin. Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan. Dadalhin lang kita sa nanay mo," wika ni Rofeno.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako sasama sa 'yo!"

"Hindi ba magkaibigan tayo? Magtiwala ka sa akin. Kapag hindi ka sumama sa akin, lalao kang mapahamak sa piling ng mga bampirang 'yan. Dugo mo lang ang habol nila. Hindi pa ba sapat sa iyo ang tangka nilan gpagpatay sa iyo? Tuso si Dario, wala siyang puso."

"Hindi totoo 'yan!"

"Sige, ipapaputol ko ang daliri ko kung nagsisinungaling ako. Ang nanay mo ang magpapatunay na nagsasabi ako ng totoo."

Bigla siyang nalito, lalo na nang lumabas ang nanay niya mula sa isang magarang sasakyan na nakaparada sa likuran nila.

"Leslie! Huwag kang maniwala sa kanya! Nililinlang ka lang niya!" sigaw ni Marco.

"Tumahimik ka, Marco! Kilala na kita!" apila naman ni Rofeno.

Nabaling ang atensiyon ni Leslie sa kanyang ina na humahakbang palapit sa kanya. Bigla siyang nasabik. Tumanda na ito pero tandang-tanda pa niya ang hitsura nito. Pinalaya siya ni Rofeno. Sinugod niya ng yakap ang nanay niya. Niyakap din siya nito ng mahigpit.

"Anak, sorry," wika lang ng ginang pagkakalas ng yakap. Nangilid na ang mga luha nito.

Hindi niya napigil ang emosyon. "Bakit po kasama n'yo si Rofeno?" tanong niya, habang walang tigil sa pagpatak ang luha niya.

"Siya ang tumulong sa akin noon para matakasan ang tatay mo. Iniligtas niya ako sa kapahamakan. Kaya nang sabihin niya na nasa kamay ka ng mga bampira, nabahala ako. Kamuntik na na raw nilang patayin. Anak, hindi ka dapat sumasama sa kanila."

Lalo lamang siyang nalito. Nang tingnan niya muli si Marco ay nilamon na siya ng guilty. Unti-unti nang nilalamon ng apoy ang asawa niya. Hindi na niya marinig ang boses nito. Naalala na naman niya ang sinabi sa kanya ng isa sa nilalang na kumausap sa kanya sa dark room.

"Hindi maganda ang iyong kapalaran. Mali ang lalaking pinili mo. Kapag ipinagpatuloy mo ang pagmamahal mo sa kanya, iisa lang ang pangyayari, ilalagay mo siya sa masaklap na kamatayan. Kung mahal mo siya, hayaan mo siyang mabuhay pa ng mahabang panahon..."

Nagsikip ang dibdib niya. Hindi niya binanggit kay Marco ang tungkol doon dahil baka lalo lang siya mahihirapan. Oo nga't nangyayari na.

"Sumama ka sa amin, Leslie, bibigyan ko ng pagkakataong mabuhay si Marco," mamaya'y sabi ni Rofeno.

Tumingin siya sa nanay niya. "Sumama ka na sa amin, anak. Mabubuhay tayo ng tahimik. Hindi ba iyon ang pangarap mo?" anang nanay niya.

Dumalas pa ang patak ng luha niya. Hindi siya makapagdesisyon ng maayos. Pero hindi kaya ng konsensiya niya na nakikitang nagdurusa ang lalaking mahal niya. Nang makita niyang nakabulagta na sa lupa si Marco ay biglang nabuo ang desisyon niya.

"Sige, sasama ko, pero ipangako mo na iiwan mong ligtas si Marco," sabi niya kay Rofeno.

"May isang salita ako, Leslie." Pagkuwa'y pinatay na ni Rofeno ang apoy.

May dumating na dalawang lalaki at iginiya siya papasok sa sasakyan kasama ang nanay niya. Tinigasan niya ang puso habang nililisan nila ang lugar. Hindi siya tumingin sa labas. Subalit habang naiisip niya ang anak niya ay lumalakas ang loob niya. Naniniwala siyang magiging maayos din ang lahat. Pero kahit ganoon ang desisyon niya ay pumapanig pa rin ang puso niya sa kanyang asawa.

Habang nakapikit siya ay walang ibang laman ang isip niya kundi si Marco. Kahit anong aliw niya sa sarili ay sadyang kumikirot ang puso niya. Hindi na humupa sa pagpatak ang luha niya. Pagdating nila sa isang tatlong palapag na bahay ay kaagad siyang iginiya ng nanay niya sa magarang kuwarto.

"Ito ang magiging kuwarto mo, anak. Bahay ko ito kaya wala ka dapat ikatakot," ani Trinidad.

"Nasaan na po si Rofeno?" aniya.

"Marami siyang inaasikaso kaya huwag mo na siyang intindihin. Matagal ko nang hiniling sa kanya na dalhin ka sa akin. Mabait siya. Alam mo bang ilang beses na niya akong niligtas sa kamay ng mga bampirang gustong dumakip sa akin?"

Hindi niya malaman kung dapat ba siyang maniwala sa nanay niya, pero mukhang nagsasabi naman ito ng totoo.

"Matulog ka na anak. May gagawin lang ako sa labas," ani Trinidad saka siya iniwan.

Hindi pa rin madalaw-dalaw ng antok si Leslie kaya pagkalipas ng isang oras ay muli siyang bumangon at lumabas ng kuwarto. May isa pang kuwarto sa tabi niya pero naka-lock. Mabuti na lang nadala niya ang bag niya. Kinuha niya ang cellphone niya at sinubukang tawagan si Hannah.

"Hello, Ma'am?" sagot naman ni Hannah.

"H-Hannah, s-si Marco..." kinakabahang sabi niya.

"Ano po ba ang nangyari? Bakit umuwi si Sir Marco na mag-isa? Hinatid ka lang ba niya?"

Nawindang siya. Paanong nakauwi kaagad si Marco? Hihingi sana siya ng tulong para makuha si Marco.

"N-Nariyan na ba siya? A-anong ginagawa niya?" balisang tanong niya.

"Masama ata ang pakiramdam niya kaya sinalubong ko siya kanina at dinala sa kuwarto niya. Nagbabad siya sa aquarium niya. Nasaan na po ba kayo? Nagkita na po ba kayo ng nanay n'yo?"

"O-oo. Ahm, pakibalitaan ako kapag nagising na siya."

"Nasaan po ba kayo?"

"N-Nandito ako sa bahay ng nanay ko. Pakisabi sa kanya, huwag na siyang mag-alala, okay lang ako."

"Opo. Pe—"

Hindi na niya pinatapos magsalita si Hannah. Pinutol na kaagad niya ang linya. Hindi niya maintindihan, ang bilis naman atang naka-recover ni Marco. Pero okay na rin iyon nang hindi na siya mag-alala. Mas mainam na munang ganoon sila nang wala nang mapahamak pa.

ISANG linggo nang nasa bahay ng nanay niya si Leslie, pero hindi pa rin siya komportable. Pakiramdam niya'y may mali. Mabait si Rofeno sa nanay niya, pero nagduda na siya nang minsang makita niyang may itinuturok si Rofeno sa braso ng nanay niya. Na-curious siya kaya nang umalis si Rofeno ay pumasok siya sa kuwarto kung saan nito tinuturukan ang nanay niya.

Pagdating niya sa isang malamig na kuwarto ay nawindang siya nang mamataan ang katawan ng isang lalaki na nakahimlay sa loob ng malaking salaming aquarium na kinakabitan ng maraming hose. Kinilabutan siya nang mapansing butas ang bituka ng lalaki. May magandang mukha ang lalaki kung hindi lamang ito maputla. Pero aywan niya bakit ganoon na lang ang pagkislot ng puso niya habang tinititigan ang lalaki.

Nagulat siya nang biglang bumukas at dagli ding sumara ang pinto. Paglingon niya'y ang nanay niya. Humakbang ito palapit sa kanya.

"Siya ang tatay mo, anak," bigla'y sabi nito.

Nagimbal siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top