Chapter 19 (Unedited)


NANG maramdaman ni Marco ang presensiya ng paligid ay bumalikwas siya ng bangon. Nasa loob siya ng malaking aquarium na nagyeyelo. Dagli siyang lumabas at naghagilap ng maisusuot. Hindi niya alam kung nasaan siya, pero nasisiguro niya na nasa lugar siya ng mga bampira.

Paglabas niya ng kuwarto ay namataan niya sa labas si Leandro na nakaupo sa bench habang nakadikuwatro. Namuo na naman ang galit sa puso niya nang maalala ang kaganapan. Galit siya sa lahat ng kaibigan niya na alam ang plano ni Dario pero hindi sinabi sa kanya.

Nilapitan niya si Leandro at mahinahon itong kinausap. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito, Leon? Kilala mo ako, 'di ba?" usig niya rito.

Tiningnan lang siya ni Leandro.

"Sagutin mo ako, Leon!" Nagtaas na siya ng tinig.

Tumayo si Leandro. "Kilala mo si Dario, hindi siya napipigilan kapag nagdesisyon," anito.

"Alam ko, pero sana man lang sinabi n'yo sa akin nang malaman ko ang gagawin. Sige, nga, kung sa iyo ito gagawin, hindi ka ba magagalit?"

"Nagtiwala kami kay Dario, na maayos niya ito pagkatapos."

"Paano niya aayusin? Kapag nawala ba ang asawa ko kaya niyang ibalik sa dati na walang nagbago? I want my wife back in normal. I don't need her changes. Hindi ba nahirapan ka rin noong ginawa mo ang dark reincarnation kay Jhen? Bakit hindi mo inisip ang mararamdaman ko? Ano ba ako rito? Palamuti? Ano lang naman na sabihin n'yo sa akin ang totoo? Pinaasa n'yo ako na magiging madali kapag pinasok sa dark room si Leslie, 'yon pala may balak kayong patayin siya?!" Hindi niya napigil ang paglandas ng maninipis na luha sa magkabilang pisngi niya.

Nang wala siyang marinig mula kay Leandro ay iniwan na niya ito. Pagdating niya sa malawak na bulwagan ay saka lamang niya nalaman na nasa mansiyon siya ni Dario. Dinala siya ng mga paa niya sa laboratory kung saan naka-incubate ang cells nila ni Leslie. Napawi ang himagsik niya ang makita ang namumuong dugo sa pinagsamang specimen nila ni Leslie, senyales iyon na unti-unti nang nabubuo ang anak nila.

Tuluyang tumagistis ang luha niya habang hinahaplos ang kuwadtradong salamin kung saan binubuo ang anak niya. Ang pangarap niyang imposible ay unti-unti nang nabibigyan ng katuparan. Unti-unti ring gumagaan ang galit niya kay Dario. Kung hindi dahil sa talino ni Dario at Zyrus ay hindi mangyayaru ang pangarap niyang magkaanak. Utang pa rin niya ang lahat kay Dario.

Mabilis niyang pinahid ang luha nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Hindi na siya nag-abalang lingunin kung sino dahil ramdam na niya ang aura ni Dario.

"Mabilis ang development niya. Kamuntik na siyang mamatay noong isang gabi, mabuti na lang inagapan namin ni Zyrus. Isa siyang himala, Marco," wika ni Dario, na nahimigan niyang nasa likuran niya.

Hindi lamang siya kumibo. May atraso pa rin ito sa kanya.

"Nailabas na namin sa dark room si Leslie, pero hindi pa siya nagigising," pagkuwa'y sabi nito.

Hinarap niya ito. "Anong nangyari?" aniya.

"She's fine. Nagising siya habang isinasagawa ang reincarnation. Hindi siya namamatay, Marco, dahil iisa ang buhay nila ng tatay niya. Pero magbabago iyon kapag pumayag siya sa reincarnation process," anito.

"No! Ang sabi n'yo makakatulong kapag nagkaanak siya."

"Hindi sa sinampupunan niya nabuo ang sanggol kaya sorry."

"Ano pa bang reincarnation ang gagawin ninyo? May dugo siyang bampira!"

"Pero may hangganan ang buhay niya. Kapag may pumatay sa tatay niya, awtomatikong iyon na rin ang katapusan niya. I have a plan B. If her father cooperate with us, maari nating isasagawa ang life transfusion kung saan ipag-isa na lang ang buhay nila. Pero hindi madali dahil ni anino ng tatay niya, hindi nakikita. Ang plan A ko ay patayin ng pansamantala si Leslie, nang makuha natin ang tatay niya, pero sa pagkakataong isinasagawa ang pagpatay kay Leslie ay kontrol ng tatay niya ang buhay niya kaya nagising siya bigla at nagwawala. Nasunog ang buong dark room kagabi dahil sa kanya. May limang tauha akong naisama sa pagsunog. Kung okay lang sa iyo ang plan A, ako mismo ang magsasagawa niyon."

"Hindi okay, Dario. Sino ba ang matinong papayag na patayin ang mahal niya?"

"Hindi ko ito ginagawa para sa sarili kong kapakanan o nakararami, Marco. Iniisip rin kita at si Leslie. Masyado nang naaabala ang ibang misyon dahil rito. Baka nga hindi pa natin alam, nagtagumpay na si Dr. Dreel sa mga plano niya. Hindi puwedeng mag-focus lang tayo sa iisang problema. Kung hindi mo gusto ang plano ko, then, find the other way without consulting us. Hindi ko na nga naasikaso ang pamilya ko dahil sa kaliwa't-kanang problema," ani Dario. Pumalatak na ito.

Hindi na siya nakaimik. Mamaya'y dumating na rin si Zyrus, dala ang isang set ng test tube na may lamang dugo.

"Na-detect ni Jegs ang aura ng tatay ni Leslie malapit sa academy. Sa kasalukuyan pa nila iyong hinahanap," batid ni Zyrus.

Nagkatinginan sila ni Dario. "Nasaan si Leslie?" tanong niya.

"Nandoon siya sa Academy pero hindi pa nagigising. Huwag kang mag-alala, ligtas siya roon," ani Zyrus.

"Kailangan ko siyang puntahan," aniya saka tumalma.

Pagdating niya sa academy ay tahimik na sa loob. Wala na ring mga estudiyante. Sinalubong naman siya ni Trivor at Erron.

"Anong nangyari?" tanong niya sa mga ito.

"Naunahan tayo ng tauhan ni Dr. Dreel. Nadakip nila ang tatay ni Leslie," ani Erron.

"Ano? Paano nangyari 'yon? Paano nila natunton ang lugar na ito?" nababahalang saad niya.

"Sa palagay ko mayroong koneksiyon si Rofeno rito sa loob?" apila ni Erron.

"Bakit si Rofeno?"

"Si Rofeno ang nakadakip sa tatay ni Leslie, dahil taglay din ni Rofeno ang mainit na dugo. Matagal na iyang hina-hunting ang tatay ni Leslie, kaya malamang planado na ang pagdakip," si Trivor.

Inalipin na siya ng kaba. Paano pa magagawa ni Dario ang plan A at plan B nito kung naunahan na sila ng kakaban. Ano mang oras mula ngayon ay maaring patayin ni Dr. Dreel ang tatay ni Leslie, na magiging sanhi din ng pagkawala ng asawa niya. Biglang nanginig ang laman niya.

Iniwan na niya ang dalawa at nagtungo siya sa kuwartong kinaroroonan ni Leslie. Hindi pa ito nagkakamalay. Tamang-tama pag-upo niya sa paanan nito at biglang gumalaw ang kamay nito. Dagling bumaling siya ng upo sa silya pumuwesto sa uluhan nito. Ginagap niya ang kamay nito. Pagmulat ng mga mata nito ay sinugod kaagad niya ng halik ang labi nito.

Itinigil niya ang paghalik rito nang maramdaman niya na wala itong tugon. Umiwas ito ng tingin sa kanya. Nababahala siya na baka naghinanakit ito sa kanya dahil sa nangyari.

"Sorry. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari," aniya.

Tiningnan siya nito ng mabigat. "Sabihin mo sa akin, Marco, tama ba ang landas na tinatahak ko? Bakit gusto nila akong patayin?" may hinanakit na usig nito.

Nababag ang damdamin niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito ngunit marahas nitong iniwaksi ang kamay niya.

"Hindi ako nagpakasal para maging halad sa kung anong Panginoon meron kayo, Marco! Kitang-kita ko kung paano nila badyang babawiin ang buhay ko! Mahal mo ba talaga ako?" Dumaloy ang luha nito buhat sa mga mata.

Tuluyang nagsikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Damang-dama niya ang malaking pagkadismaya ni Leslie. Hindi rin niya malaman kung sino ang dapat niyang sisihin, ang mga kasama ba niya o ang sarili niya.

"Sorry. Hindi ko alam na ganito ang plano ni Dario, pero may malalim siyang dahilan. Gusto lang nitayong tulungan," aniya.

Umupo si Leslie at inilahad sa kanya ang kaliwang palad nito na may bakas ng laslas ng patalim. Wari dinudurog ang puso niya nang masaksihan iyon.

"May humiwa sa kamay ko at ramdam ko na kinuhaan nila ako ng maraming dugo. Gusto talaga nila akong patayin, Marco! Bakit, huh?" Humagulgol na ito ng iyak.

Bumaling siya ng upo sa tabi nito at ikinulong ito sa kanyang mga bisig. Hindi naman ito nagpumiglas. Nabuhay nang muli ang inis niya kay Dario, pero sa tuwing naiisip niya ang anak niya ay lumalambot ang puso niya.

"Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa iyo, baka hindi mo rin ako maintindihan. Ginagawa ni Dario ang lahat para matulungan ka," sabi na lang niya.

Kumalas ito sa yakap niya. "Pagtulong ba ang ginagawa niya? Gusto niya akong ipapatay, okay lang sa iyo?" anito.

"Siyempre hindi. Nahihirapan din ako, Leslie. Nadakip ng mga kaaway namin ang tatay mo. Kapag pinatay nila ang tatay mo, mawawala ka rin."

PANSAMANTALANG tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Leslie buhat sa sinabi ni Marco. Ganoon ang narinig niya'ng sabi ng boses lalaki habang naroon siya sa dark room. Iisa daw ang buhay nila ng tatay niya kaya kapag namatay siya, mamamatay rin ang tatay niya. Bagaman sinabi ng lalaki na maari siyang mabuhay muli pero pansamantalang mabubura ang memorya niya at magiging ganap na siyang bampira, ay hindi pa rin siya pabor sa ideyang iyon. Totoo pala talaga 'yon.

"Pero bakit sinabi ng lalaki na puwede kaming maging isa ng tatay ko?" tanong niya kay Marco.

"May prosesong ginagawa ang mga eksperto kung paano ipag-isa ang dalawang buhay. Kaya ginagawa ni Dario ang lahat para mahuli ang tatay mo para ganoon na lang sana ang gagawin niya, kaso masyadong mailap ang tatay mo. Sinadya niyang saktan ka para maramdaman ng tatay mo ang aura mo. Nandito ang tatay mo kanina kaso naunahan kami ng kaaway na madakip siya. Ang plan B ni Dario ay patayin ka para maputol ang koneksiyon mo sa tatay mo. Mabubuhay ka muli makalipas ang ilang buwan, pero maraming magbabago. Kung hindi man mamamatay ang tatay mo sa paraang iyon, mababawasan ang taglay niyang kapangyarihan at hindi na siya ganoon kamabalasik. At kung tuloy-tuloy na ang suwerte natin, maari mo na ring isalin sa anak natin ang meron sa dugo mo," anito.

Napaisip siya sa huling sinabi nito. "Anong tuloy-tuloy?" nalilitong tanong niya.

"Nabuo na ang anak natin, Sweetie. Mabilis daw ang development niya," nagagalak na wika nito.

Nahalinhan ng hindi mawaring galak ang galit niya. Hindi niya maisalin sa salitaa ng kaligayahang nadarama niya. Napayakap na lang siya ng mahigpit sa kanyang asawa.

Kinagabihan ay pinilit ni Leslie si Marco na puntahan nila ang anak nila kahit hindi pa siya halos makalakad. Dinalan naman siya nito roon. Hindi niya maintindihan ang laman ng tila malaking aquarium na maraming nakakabit na malalaking hose at may tubig sa loob kung saan nakalutang ang namumuong dugo.

"Ang kulay pula na iyan ang anak natin. Ang sabi ni Zyrus, araw lang daw ang bilis ng pagbuo ng sanggol, pero kahit buo na siya at kompleto na, hindi pa rin siya puwedeng ilabas. Diyan siya sa loob lalaki. Ilalabas lang daw siya kapag binata na siyang tingnan. Ang problema lang, late ang development ng isip niya kaya asahan natin na paglabas niya ay parang sanggol lang siya na wala pang muang sa mundo," pahayag ni Marco.

"Bakit kailangan dito siya lalaki?" takang tanong niya.

"Mas mabilis kasi ang pag-develop ng katawan niya kaysa sa isip niya. Hindi siya katulad ng tao na nine months talaga o mababa pa ang pagbuo ng sanggol. Ang proseso sa anak natin ay parang sa hayop na mabilis ang development ng fetus. Ganito ang ginawa nila ni Dario para daw makaiwas sa pagbabago ng klema. May posibilidad kasi na mag-stop ang development ng fetus kapag inabutan ito ng climate change o kaya'y pagkakaroon ng lunar or solar eclipse. Maaring hindi na siya mabubuo. Kaya pinabilis nila ang proseso, pero ang isip niya ay normal ang development katulad sa tao base sa paglipas ng edad at sa environment na kagigisnan niya," paliwanag nito.

Namangha siya. Tinitigan niyang maiigi ang anak niya. Nagbabago ang hugis at laki nito. Ibig-sabihin, minuto lang ang paglaki nito. Lalo siyang nasasabik. Gusto na niyang masilayan ang mukha ng anak niya.

Nagkasabay sila ni Marco na lumingin sa pinto nang bumkas iyon. Naudlot ang galak niya nang makita niya si Dario. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ganoon kabigat ang galit niya rito. Baka kung hindi niya nalaman ang tungkol sa anak niya ay sisinghalan kaagad niya ito.

Ayaw muna niya itong kausapin. Hinayaan na niya si Marco na kumausap rito. Ibinalik na lang niya ang atensiyon sa anak niya. Naniniwala siya na matutupad pa rin ang pangarap niya na masayang pamilya.

Pagkatapos ng pribadong pag-uusap nina Marco at Dario ay binalikan siya ni Marco at niyayang maghapunan. Nilapatan muna ni Zyrus ng gamot ang sugat niya sa braso. Naghain din ng masarap na hapunan si Serron para sa kanilang lahat, pero mas pinili niyang sa kuwarto na lang kumain kasama si Marco. Hindi pa niya kayang makihalubilo sa mga kasama ni Marco, matapos ang mga naganap.

"Gustong humingi ng tawad ni Dario sa iyo ng personal, pero hindi ko siya pinayagang malapitan ka," wika ni Marco, nang magkasalo na silang naghahapunan sa mini dining table sa loob ng kuwartong inakupa nila.

Hindi lamang siya kumibo. Dinamdam niya ang matinding gutom kaya mas gusto na lang niya sumubo, pero nakikinig lang siya sa sinasabi ng kanyang asawa.

"May meeting kami mamaya para sa susunod naming hakbang. Nakarating sa amin ang balitang hindi gagalawin ng kaaway namin ang tatay mo kapag hindi ka nadadakip. Hindi namin inaasahan na pareho sa plano ni Dario ang plano nila. Gusto rin nilang ipag-isa kayo ng tatay mo pero sa masamang paraan. Gusto nilang gamitin ang dugo ninyo para sa isang ekspiremento. Tuso ang mga iyon, hanggat may isinisilang na kakaibang nilalang, hindi sila titigil sa paglikha ng mabalasik na halimaw. Kaya magmula ngayon, e-give up mo na ang trabaho mo," patuloy ni Marco.

Marahas niya itong tiningnan. "Para ano? Para magpakaburo rito sa madilim ninyong lugar?" aniya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Tapos na ang office mo at naayos na rin ni Trivor ang papeles. Puwede kang magtrabaho pero limitahan mo ang paglabas mo. Bibigyan ka ni Dario ng proteksiyon para hindi madaling masagap ng kaaway ang aura mo, at siyempre, palagi mo akong kasama kahit saan ka magpunta. Magpaaptuloy ang pag-aaral mo. Wala ring choice ang mga kaaway kundi mag-isip ng mas mainam na plano kung paano ka nila makukuha sa amin. May sinabi pa pala si Jegs, ang nanay mo ang hinahabol ng tatay mo dahil may bagay itong gustong makuha. Noong malaman niya ang tungkol sa iyo, ibinaling naman niya ang stensiyon sa paghahanap sa iyo. Kaya sa susunod na linggo, pupuntahan na tin ang nanay mo. Makakatulong siya sa atin."

Nagagalak siya sa plano ni Marco. Ngayon pang may ideya na siya kung nasaan ang nanay niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top