Chapter 18 (Unedited)
ALAS-ONSE na ng gabi nakauwi sa bahay nila sina Leslie at Marco. Dumeretso kaagad sa kuwarto nito si Marco na hindi man lang sila nakapag-usap matapos ang kaganapan sa academy. Kanina pa hindi ngumingiti si Marco. Pinag-iisipan pa niya kung pupuntahan niya o ito o hahayaan na muna. Nang hindi pa rin siya madalaw-dalaw ng antok ay lumabas siya at nagtungo sa kuwarto ni Marco.
Hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto kaya pumasok siya, pero wala sa kama nito si Marco. Naisip niya baka nasa secret room nito ang lalaki. Sa malaking freezer. Kinatok niya ang pinto. Walang bumubukas pero nang pihitin niya ang seradura ay hindi iyon naka-lock. Binuksan niya ang pinto saka sumilip.
"Come in, sweetie," narinig niyang sabi ni Marco, pero hindi niya ito nakikita.
Pumasok siya at dagling isinara ang pinto. Iginala niya ang paningin sa paligid. Wala naman ito roon.
"Pumasok ka sa aquarium, sweetie," muli'y sabi ni Marco.
Lilinga-linga siya sa paligid. Nag-iisa lang naman siya roon. "Nasaan ka ba?" naiinip na tanong niya.
"Nandito ako sa loob ng aquarium," tugon nito.
Wala naman siyang nakikita sa loob ng malaking aquarium kundi nakaupong snow man. "Pinagloloko mo ba ako?" aniya.
"Hindi. Pumasok ka na kasi, nandito ako sa loob."
"Maginaw. Bawasan mo ang yelo."
"Okay."
Nang malusaw ang yelo sa paligid ng kuwarto ay pumasok na siya sa aquarium. Hanggang sakong lang niya ang kapal ng snow. Hinipo niya ang ulo ng snowman. Pagtingin niya sa bandang hita ng snow man ay may nakausling mahaba sa pagitan ng mga iyon na parang ari ng lalaki. Gumagalaw ang bahagi ng mata ng snowman kaya natukso siyang sundutin ng hintuturo ng isang mata nito.
"Aray!" sigaw ni Marco.
Nawindang siya. Bigla na lang gumalaw ang snow man at tumayo. Walanghiya, asawa pala niya ito na hubo't hubad. Mabilis na nalusaw ang snow at nahantad ang kabuuan ni Marco. Hindi nito maimulat ang mata.
"Anak ng pating naman, oh! Bubulagin mo ba ako?" anito.
Nataranta siya. Iniupo niya ito sa sahig at pilit binubuksan ang kaliwang mata nito na sinundot niya ng daliri. Hinipan niya ito.
"Itigil mo nga 'yan! Hindi matatangay ng ihip mo ang puwing na kasing laki ng daliri mo!" masungit na sabi nito.
Itinigil naman niya ang ginagawa. "Masakit ba?" nagawa pa niyang itanong.
"Nako, sweetie, hindi siya masakit. Ang sarap nga sa pakiramdam, naalis ang init ng ulo ko," sarkastikong sagot nito.
"Sorry na. Ikaw kasi, malay ko bang ikaw ang snowman?"
"Kaya ba basta mo na lang tutusukin ang mata ko? Pilayin mo na ako huwag mo lang akong bulagin. Masakit sa kaluluwa na hindi ko nakikita ang maganda kong asawa," seryoso pa ring sabi nito.
Umismid siya. "Sorry na nga."
"Oh, halikan mo na lang pala ang mata ko."
Napangiti siya nang ipikit din nito ang isang mata at naghihintay na halkan niya. Ang cute nitong tingnan, habang namumuti ang buhok nito dahil sa snow na naiwan roon. Hinaplos niya ang malamig nitong pisngi saka masuyong hinagkan ang mata nitong natusok niya.
"Ibaba mo na sa labi," utos pa nito.
Pagkuwa'y tungki naman ng ilong nito ang hinalikan niya. Isinunod na niya ang labi nito. Ang halik sa labi ay matagal. Ibinuka naman nito ang bibig at tumugon sa kanyang halik. Nagsisimula na namang tumulay ang alab na likha ng mga labi nila sa kanyang mga ugat.
Pero bago pa man humantong na naman sa malubhang bakbakan ang tagpong iyon ay niyakap na siya ni Marco at isinama siya sa paghiga. Nasagi ng hita niya ang nakatayong sandata nito na nanigas ata buhat sa yelo.
"Anong nangyari sa buntot mo?" pabirong tanong niya, habang kinakapa ang nanigas na alaga nito.
"Huwag mong gagalawin baka magising. Pinatigas ko talaga 'yan para hindi manuklaw. Gusto mo ng ganyan katigas?"
"Ayaw. Parang bato, eh."
"Ganyan nga dapat para walang sabit."
Kinurot niya ang dunggot nito. "Shit! Sige pa!" anito.
"Gago!" tinampal niya ang dibdib nito.
"Hm. Ayaw ko ng salitang 'yan."
"Walang papatol sa parang batong sandata mo," aniya.
"Kunwari ka pa, hindi mo nga ininda ito noong tumigas nang ganito."
Tiningnan niya ang mukha nito. Wala naman siyang naramdaman na ganoon. "Hindi kaya."
"Hindi mo ramdam kasi sarap na sarap ka. Kung tutuusin nga, mas masakit kung kulang sa tigas kasi sumasayad."
Bigla na lang siya kinilabutan nang mamalayan kung ano ang topic nila. "Ahm, tungkol nga pala sa dark room, ano ba talaga ang gagawin namin doon?" pag-iiba niya sa usapan.
Humagikgik si Marco. "Ang layo ng itinalon ng topic, ah. Well, katulad ng sinabi ni Dario, ilalabas ng Panginoon namin ang nakatagong lakas at kapangyarihan ninyo. Isa-isa kayong papasok at dadaan sa pisikal na pagsusuri. Wala kayong makikita sa loob dahil may piring ang mga mata ninyo. Wala rin kayong maririnig. Makakadama lang kayo."
"Masakit ba?"
"Ang alin?"
"Ang pagpasok."
"Masakit kapag first time mo, pero kapag matagal ka nang naroon sa loob. Magiging komportable ka na."
Bigla na namang nalihis ang isip niya. Bumalik siya sa mahalay na isipin. Pero hindi na niya inintindi iyon. "May gagalaw basa akin doon sa loob?" tanong na lamang niya.
"Meron, pero mga elemento sila na hindi nakikita at nahahawagan."
"Parang hangin?"
"Yap. Pero may iba-ibang temparatura sila."
"Hindi mo ba ako puwedeng samahan sa loob?"
"Hindi puwede. Kailangan mag-isa ka lang."
"Natatakot ako."
"Huwag kang matakot. Hindi ka mapapahamak. Isipin mo lang ako kapag natatakot ka para papasok ako sa puso mo at papawiin ang takot mo."
"Hay!" Umunan siya sa matipunong dibdib nito. Giniginaw na kasi siya.
Inilingkis naman nito ang braso sa baywang niya at banayad na hinahaplos ang mahaba niyang buhok. Naisip tuloy niya ang kakaibang katangian ng kanyang asawa.
"Sweetie, hindi ba puwedeng hindi ka lulubog sa yelo kapag natutulog?" hindi natimping tanong niya.
Kumislot siya nang ipitin siya nito sa mga braso nito. "Ayay! Tawagin mo pa akong sweetie! Ganito ba kiligin, huh?" anito.
Nagulat siya sa reaksiyon nito. Daig pa siya nito kung kiligin. Natawa na lang siya. "Oo, sweetie. Saguti mo na ang tanong ko."
"Naman! Sarap naman!" Hinalik-halikan nito ang tungki ng ilong niya. "Okay. Ganito kasi 'yon; kapag matagal akong hindi nakakalubog sa yelo ay nanghihina ako, lalo na kapag mainit ang temparatura sa paligid ko. At kapag sobrang init na ng ulo ko o kaya'y nagagalit ako, kinakapos na ako ng hininga kaya kailangan kong lumubog sa yelo," paliwanag nito pagkuwan.
"Nagalit ka ba kanina?"
"Hindi naman as in nagalit. Nainis lang talaga ako kay Amborja dahil sa ginawa niya sa iyo. Pinagalitan ko rin si Hannah dahil dinala ka niya sa blood bank. Stress pa naman ako dahil sa dami ng problema sa kompanya. Pero okay na ako ngayon," anito.
"Ano ba ang nangyari sa inyo ni Amborja?" hindi natimping usisa niya.
"Ah... gusto kasi niya ikasal kami sa ilalim ng batas ng angkan niya. Kabilang kasi siya sa angkan ng maharlikang bampira, kung saan may mahigpit na batas. Pinilit niya akong mag-donate ng sampung sanggol na lalaki na mula sa tao. Iyon kasi ang dore na tinatawag nila kapag ikinakasal ang mga anak na babae. Bilang isang bampira na nagmamasakit sa mga tao, isa iyong mortal na kasalan para sa akin, ang kumitil ng buhay ng inosenteng tao, na dapat binibigyan ng karapatang masilayan ang ganda ng mundo. Tinalikuran ko ang pangako kong kasal kay Amborja, nang ma-realize ko na hindi niya kayang talikuran ang angkan niya para sa akin," kuwento nito.
Nakadama siya ng munting kirot sa puso niya nang ma-realize na minahal din ni Marco si Amborja. "Paano ba kayo nagkakilala?" kaswal na tanong niya, na hindi pinapahalatang apektado siya sa nakaraan nito at ni Amborja.
"Ipinakilala siya sa akin ni Zyrus. Naging estudiyante kasi siya ni Zyrus sa Medicina. Naging meyembro din siya ng organisasyon ko. Nagsimula lang naman kami sa friendship, hanggang sa magkatuksuhan at pumasok sa relayon, pero isang taon lang ang itinagal ng relasyon namin."
"Pero minahal mo siya? Hindi mo naman siguro siya aalukin ng kasal kung hindi mo siya mahal," labas sa ilong na sabi niya.
"I admit. Natutunan ko siyang mahalin dahil sa maraming bagay na pinagkakasunduan namin. Kahit alam kong nahihirapan siyang pakisamahan ako, gumagawa siya ng hakbang para magkasundo kami."
"Mukhang mahal ka pa rin naman niya."
"Alam ko, pero ayaw ko na. Nainis din ako noong palagi niyang iginigiit na kaya ako nakikipaglapit sa pamilya mo dahil sa iyo."
"Bagaman totoo?" usig niya.
"O sige na, totoo."
"E bakit hindi mo maamin 'yon sa kanya?"
"Noong nagduda kasi siya, bata ka pa noon kaya nainis ako na pati bata pagseselosan niya. Pero guilty din ako noong makita kita ulit na dalaga ka na. Doon ko naramdaman na nagugustuhan na kita."
"So, matagal mo na pala akong kilala?"
"As a doughter of your parents, yes, pero dugo mo lang ang habol ko noon kaya nakipag-ugnayan ako sa mga magulang mo."
"Paano mo naman nalaman ang tungkol sa dugo ko?"
"Hinanap ko kasi ang kaibigan ko noon na pinag-iwanan ko sa lola mo. Ang sabi niya, namatay na raw sa pagpanganak. Kaya ang tatay mo naman ang hinanap ko, kaso ang sabi, matagal na raw lumayas ang tatay mo matapos niyang pagsamantalahan ang nanay mo, na noo'y katulong ng kaibigan kong Arabiana. Lumayas na rind aw ang nanay mo at umuwi ng Pilipinas. Pangalan lang ng nanay mo ang sinabi sa akin kaya hinanap ko. Pagdating ko naman sa Pilipinas para hanapin ang nanay mo ay nalaman ko na nagtatrabaho na siya sa Jeddah bilang kasambahay. Bumalik ulit ako sa Jeddah at hinanap ang nanay mo. Ilang taon pa ang lumipas bago ko siya mahanap, at doon ko nga siya natagpuan sa kinalakihan mong magulang, pero minalas ako dahil noong pupuntahan ko na sana siya ay siya namang alis niya pauwi ng Pilipinas. Hindi ko pa alam noon na ikaw pala ang anak niya, nalaman ko lang noong sinabi sa akin ng daddy mo na wala silang anak at ampon ka lang nila. Iniwan ka lang daw ng nanay mo sa kanila. Na-curious ako kaya inutusan ko ang private nurse ng pamilya ninyo na kuhaan ka ng dugo. Binayaran ko siya para gawin iyon. Doon ko nalaman na anak ka nga ni Trinidad, matapos namin ma-examine ang dugo mo," mahabang kuwento ni Marco.
Natigagal si Leslie. Ang akala niya wala talagang alam si Marco tungkol sa pinagmulan niya. Wala pala itong ginawa sa buong buhay nito kundi pag-aralan ang buhay niya. Mabuti pa ito kilala ang tatay niya. Hindi na niya masyadong maalala ang mga nangyari noong bata siya, pero masaya na siya ngayon dahil kahit papano ay hindi na siya parang bulag na isinilang. May lilingunin na siyang pinagmulan niya.
Habang nagkukuwento si Marco, hindi na namamalayan ni Leslie ang paligid. Tuluyan na siyang nilamon ng antok.
KINABUKASAN ng gabi...
Hindi pa man nakakapasok sa dark room si Leslie ay nangangatog na ang tuhod niya sa takot. Malapit na siyang tawagin pero hindi pa niya nakikita si Marco, matapos sila e-lecture kanina. Katabi niya sa bench ang anak ni Trivor na si Natassa. Parang wala itong pakialam sa susunod na mangyayari sa kanina. Si Hannah naman ay nauna na sa kanya.
Nang tinawag na si Natassa ay kinabahan pa siya lalo. Siya na ang susunod rito. Mga babae kasi ang inuuna kaya kulang siya sa preperasyon. Maya't-maya ang linga niya sa paligid pero hindi niya makita ang bulto ni Marco. Panay ang buntong-hininga niya.
Pagkalipas ang dalawang oras na paghihintay ay narinig na niya ang pangalan sa ilalim ng tinig ng guwardiyang lalaki. Tumayo kaagad siya at lumapit sa dalawang lalaki. Iginiya siya ng mga ito sa hagdang pababa kung saan madilim na at nakakabingi ang katahimikan. Iniwan siya ng mga ito sa labas ng pintong napakalaki matapos lagyan ng piring ang mga mata niya. Sasagiin lang daw niya ana pinto at kusa na iyong bubukas.
Humugot siya ng malalim na hininga bago inilapat ang kanang palad sa pinto. Mamaya'y narinig niyang bumukas ang pinto. May narinig siyang bumulong sa tainga niya.
Come in... anang boses lalaki na animo nasa ilalim ng hukay.
Humakbang siya papasok. Kumislot siya nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Umalsa ang balahibo niya sa katawan nang dampian ng mala-yelo sa ginaw na hangin ang katawan niya. Tumahip ng husto ang dibdib niya. May nariirnig siyang mga kaluskus at pagaspas ng hangin sa kung anong bagay.
Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lang may namulupot sa katawan niya at bigla siyang iniangat sa ere. Pagkalapag ng katawan niya sa malamig na bagay ay bigla na lang siya nakalimot.
KINABAHAN si Marco nang malaman ang nangyari kay Leslie sa loob ng dark room. Hinanap kaagad niya si Dario.
"Bakit hindi n'yo pa siya ilabas?" balisang tanong niya kay Dario, nang datnan niya ito sa laboratory.
"Ayaw siyang iluwa ng machine," sabi lang ni Dario.
"Fuck! So what are you waiting for? She's in danger!" hasik niya.
"Marc, alam ng Panginoon kung hanggang saan niya kayang himukin ang katawan ng isang halimaw. Alam nong hindi ordinaryong bampira o halimaw ang asawa mo. Nailabas ng Panginoon ang tunay niyang katangian. Mas dilekado kung palalabasin natin siya na hindi pa hinog ang pagpukaw sa kapangyariha niya. Nararamdaman ng tatay niya ngayon ang aura niya kaya lalo iyong maghahasik ng karahasan. Baka hindi ka rin makikilala ng asawa mo paglabas niya. Hintayin natin ang tamang oras. Nakaabang ang mga tao ko sa labas ng dark room para kunin si Leslie. Siya lang ang tumagal ng halos apat na oras sa loob," paliwanag ni Dario.
"Pero sabi mo, kapag hindi napigil ng Panginoon ang bangis ng katawan niya, maaring papatayin niya pansamantala ang katawan. Nag-iisip ka ba, Dario?"
Napatayo si Dario. "Hindi mo ako naintindihan, Marco, si Leslie ay may dugong bampira kaya kahit mamatay man siya, kaya siyang buhayin ng dugo niya."
"But in the way of reincarnation?! What do you want?"
"I don't have any choices. I need her for the sake of million lives," sabi lang ni Dario.
"Fuck you! Ang lupit mo kahit kailan, Dario!" singhal niya.
Tiningnan lang siya ni Dario.
Lalo siyang nanggalaiti nang wala itong sinabi. Hindi niya inaasahan na ganoon ang mangyayari. Gustong-gusto na niyang suntukin si Dario dahil sa hindi nito pag-inform sa kanya na may mangyayari palang hindi maganda sa asawa niya.
"I'm sorry, Marc. Ito lang ang paraan para madakip natin ang tatay ni Leslie, na milyong tao na ang pinatay at bilyong ari-arian ang winasak. Ito lang ang tanging paraan para manahimik na siya at mailigtas si Leslie," ani Dario.
Hindi siya nakatiis, pinalipad niya ana kamao sa pisngi ni Dario, na hindi naman nito ininda. "Kapag may nangyari sa asawa ko, I'll quit this fucking mission!" aniya sabay bira ng talikod.
"Marc!" awat ni Dario, ngunit hindi niya ito nilingon. Nagpatuloy siya sa pag-alis.
Sumugod si Marco sa dark room pero kahit anong gawin niya sa pinto ay ayaw bumukas. Walang nakakaawat sa kanya.
"Agr! Open the door!" sigaw niya habang tinadyakan ang pinto. Wala siyang pakialam kahit unti-unti nang nagyeyelo ang paligid.
Mamaya'y nasa likuran na niya si Leandro at Trivor.
"Calm down, Marco, nagyeyelo na ang buong paligid!" awat sa kanya ni Leandro, habang gapos ang kanang braso niya.
Marahal niya itong hinarap. Iniwaksi niya ang kamay nito. "I don't care, Leon! Bakit, kasama ka ba sa planong ito ni Dario? Huh!" aniya.
Hindi nakaimik si Leandro. Wala ring naging komento si Trivor.
"Damn you all!" Dahil sa hindi mapigil na galit ay nagpakawala siya ng ga-higanteng yelo na nagbabadyang sumira sa buong academy.
Pero bago tuluyang balutin ng yelo ang paligid ay nakialam si Devey at hinigop ng apoy nito ang makakapal na yelo. Bigla siyang naghina buhat sa sobrang init ng paligid.
"Everything will be alright, Tito Marco," narinig niyang sabi ni Devey, bago pa tuluyang magdilim ang paligid niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top