Chapter 17 (Unedited)SPG
"AAAHHH...dalasan mo pa, sweetie! I like that!" hibang na utos ni Marco kay Leslie, habang slow-motion itong gumigiling sa ibabaw ng mga hita niya. Parang kinikiliti pati kaluluwa niya.
Hinawakan niya ang dalawang malulusog nitong dibdib saka minasahe. Aliw na aliw siya sa mga iyon dahil sa tamang laki at tirik na tirik. Namumula ang mga dunggot ng mga ito. Nasabik siyang kubkubin ng bibig ang matigas nitong dunggot at parang bata na sabik sa gatas. Tumatalbog iyon kaya hinahabol ng bibig niya.
"Uhhhmmmm.... Aaahh...!" sigaw ni Leslie, habang walang lubay sa pag-angat-baba sa kanya.
Dumakot siya ng snow saka ipinahid sa dibdib ng kanyang asawa. "Shit! Wilder please! Mababaon na tayo sa yelo, sweetie!" aniya.
Nakatingin lang sa kanya si Leslie habang kagat ang ibabang labi. Puno ng pagnanasa ang mga mata nito. Lumapad ang atay niya nang mabatid na may pagnanasa din ito sa kanya. Mamaya'y nanigas ang katawan nito, hudyat ng pagkamit nito ng sarili nitong orgasmo.
Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat saka sabay silang tumayo. Tinaasan niya hanggang hita niya ang yelo sa kabilang dulo ng aquarium saka niya iniupo roon si Leslie. Iniangat niya ang kaliwang paa nito saka siya pumagitan sa mga iyon. Namangha siya, hindi naninigas ang orgasmo nito nang haplusin niya ang puwerta nito. Ginalugad ng kamay niya ang kaloob-looban niyon.
"Kahit anong gawin ko pala hindi ka titigas sa yelo. Lalong umiinit ang dugo mo," aniya, habang dinadalasan ang paglalabas-masok ng daliri niya rito.
"Ahh!" sigaw nito. Napapaangat ito nang riinan niya ng hinlalaki ang kuntil nito.
"Kainis, lalo akong nasasabik, sweetie. Grab my pet...oh yeah!" aniya. Nanginginig siya hindi sa lamig kundi sa pagnanasa.
Ang masunurin niyang asawa ay sinakal ang alaga niya. Alam niyang malapit na siya kaya gusto na niyang magbabad ulit sa loob ng kapareha. Nang bitawan nito ang sandata niya ay dagli niya iyong itinulos sa kaselanan nito at walang espasyong inurung-sulong.
Lalo siyang nasasabik habang palakas nang palakas ang halinghing ng kanyang asawa. Nakaaklimutan niyang may bukas pa.
"Say my name, sweetie!" utos niya.
"Ooohh... Oh, Marco... uhmmm..."
"Yeah! Ooh... here I come, baby! I'm fucking coming! Oohh! Ooh!" Umugong ang tinig niya sa ere matapos niyang salubungin ang nakakahibang na init.
Tinabihan niya si Leslie. Yumapos ito sa kanya habang hindi maibaba ang isang paa. "Ikaw ang pasimuno nitong sex in the aquarium, sweetie. Gusto mo pang umulit?" aniya.
"Ayaw ko na."
"Sigurado ka?"
"Bakit—bakit mo kina—palan ang yelo?" nanginginig ang tinig na sabi nito.
"Intense na kasi masyado ang nararamdaman ko. Ikaw kasi, gusto mo dito talaga. Doon na nga tayo sa labas matulog," aniya saka tumayo.
Ayaw nang kumalas sa kanya ni Leslie. Nanginginig ang katawan nito. Binuhat na lang niya ito hanggang sa kama niya. Pagkalapag niya rito sa kama ay tinabihan niya ito saka niyakap. Ikiniskis niya ang dalawang palad niya para uminit saka inihaplos niya sa katawan ni Leslie. Mamaya'y nakatulog na ito. Kinumutan na lang niya ang mga katawan nila.
PAGGISING ni Leslie kinabukasan ay nasa kama na niya siya nakahiga. Wala na si Marco. Alas-sais na ng umaga kaya bumangon na siya at naligo. May hearing pa naman siya mamaya. Hindi n asana siya mag-aalmusal pero hinarang siya ni Hannah sa sala.
"Mag-almusal daw po muna kayo sabi ni Sir. Marco. Nagluto po siya ng almusal ninyo at babaunin ninyo. Huwag na daw po kayo kakain sa labas mamaya," anito.
"Pero male-late na ako," aniya.
"Isasama ko na po sa baunan ninyo ang almusal ninyo para doon na kayo kakain sa opisina. Sasama din daw po ako sa inyo hanggang sa opisina."
"Ano? Hindi ka puwede doon."
"Hindi naman po ako papasok. Sa labas lang po ako at magmamasid."
"Hay! Oh sige na, pakibilisan," aniya saka nagtiuna na sa garahe.
Siya na ang nagmaneho ng kotse. Pinayagan na siya ni Marco na mag-drive para daw wala nang lalaking magmagandang loob na ihatid siya. Pati si Jero ay inatasan nitong magsundo sa kanya kapag wala ito. Daig pa niya ang anak ng hari.
Apat na oras ang itinagal ni Leslie sa korte. Unang kaso iyon na hinawakan niya kaya kinabahan siya. Mabuti na lang nariyan si Luis para gabayan siya. Nakatulong ang payo nito para maibsan ang kaba niya. At sa kabutihang palad, naipanalo niya ang kaso.
"Let's celebrate, Les!" sabi ni Luis pagkalabas nila sa korte.
"Hindi puwede, baka nariyan na ang sundo ko," aniya.
"Hindi ba may sasakyan ka? Bakit may susundo pa sa iyo?'
"Iyon kasi ang gusto ng asawa ko."
"Grabe naman siya. Bakit sobrang paranoid naman niya. Alam naman ng lahat na kasal ka na."
"Wala akong magagawa."
"Bakit ka ba pumapayag na sakalin niya? Hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon mo? Parang gusto niya sa kanya lang umikot ang mundo mo, samantalang arrange married lang naman kayo."
Hindi na lamang siya nagkomento. Pagdating sa garahe ay natatanaw na niya si Hannah at Jero na naroon sa kabilang kalye at nakasandal sa harapan ng kotse. Sa kanya nakatuon ang paningin ng mga ito.
"Nasaan ang sundo mo?" tanong ni Luis.
Tumingin siya sa direksiyon nila Jero. Napatingin din si Luis sa mga iyon. "Sila ba?" anito.
"Oo. Mga kasama namin sila sa bahay."
"Talaga? E parang minor de edad lang sila."
"Eighteen pataas na ang edad nila. Ang babae, siya ang madalas kong kasama kahit saan ako magpunta. Ang lalaki naman ay estudiyante ng asawa ko."
"Ah. Naku-curious tuloy ako sa asawa mo. Mukha naman siyang mabait. Ang akala ko noong una nasa fifty something na ang edad niya, halos magkasing gulang lang pala kami."
Ngumiti lamang siya. Kung alam lang ni Luis kung ilang taon na ang asawa niya. Pagkuwa'y nagpaalam na siya rito. Hindi kasi siya nilulubayan ng tingin ng dalawa.
Dumeretso na sila sa CDO kung saan ang Academy. Ngayong gabi na kasi ang orientation nila para sa pagsisimula ng klase bukas ng gabi. Bukas na rin magaganap ang pagsalang nila sa dark room. Kinakabahan siya pagpasok nila sa Academy. Parang munting kuweba lang ang entrance ng academy na isang tao lang ang kasya at kailangan nakayuko kung papasok. Pero pagpasok nila ay parang palasyo na may maluwag na espasyo. Sinalubong na sila ng guwardiya at iginiya sa pababang hagdan na may biyenteng baiting.
Pagdating sa baba ay may nakahilirang mga pinto na may nakasulat kung para saan ang mga kuwarto. Pumasok sila sa class room. Nagulat siya nang bumungad sa kanila ang maraming kapwa nila mag-aaral. Naroon si Dario, na siyang mag-o-orient sa kanila. Umupo na sila sa bakanteng upuan sa likuran. Tamang-tama lang pala ang dating nila.
"Good afternoon!" bati ni Dario.
"Good afternoon, Doc!" halos panabay nilang bati.
Hindi mapakali si Leslie. Isa-isa niyang tinitingnan ang mga kaklase niya. Kung hindi lang mga guwapo at magaganda ang mga ito ay hindi na siya tutuloy. Lahat ng mga kaklase niya ay mga bampira. Mabuti na lang din at kilala na niya ang iba sa mga ito. Naroon din si Erman at Devey. Kasama din ang anak ni Trivor na dalaga na si Natassa. Si Jero at Hannah naman ang katabi niya.
Marami nang sinabi si Dario, pero wala siyang inintindi. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa kasong naipanalo niya. Awang-awa kasi siya sa babaeng pinagtaksilan ng asawa tapos ninakawan pa. Kaya siya kinuha ang kursong iyon ay para ipaglaban ang karapatan ng kapwa niya babae. Gusto niang mag-celebrate kaya lang wala na ang mga katrabaho niya. Pero may plano siya para bukas.
"Bukas bago kayo isa-isang papasok sa dark room ay ile-lecture muna kayo ni Marco. Ituturo din niya sa inyo kung paano labanan ang mga suliraning dadanasin ninyo sa loob ng dark room. Maging bukas lang ang isip ninyo at huwag kayong matakot," sabi ni Dario.
Naituon niya ang atensiyon sa pakikinig. Wala pa ma'y kinakabahan na siya. Sa pagkakataong ito niya kailangan si Marco. May tiwala naman siya sa asawa niya.
Pagkatapos ng halos dalawang oras na orientation ay sinamahan siya ni Hannah sa pag-ikot sa buong academy. Namangha siya sa sobrang luwag ng espasyo. Hindi niya iniisip na nasa ilalim sila ng lupa. Napakahusay ng ideyang iyon.
Pagdating nila sa kuwartong walang pangalan ay bigla siyang nailang pumasok nang madatnan nila roon ang naggagandahang babae na nag-aasikaso sa mga dugong pina-proces ng makena. Kinilabutan siya nang makita ang namumulang paligid. Iginiya siya ni Hannah sa machine na kamukha ng pangkaraniwang coffe machine pero purong salamin kaya kitang-kita ang laman. Kumuha ng dalawang baso si Hannah saka isinahod sa gripo kung saan lumalabas ang sariwang dugo. Ibinigay nito sa kanya ang isa.
"Ayaw ko," mariing tanggi niya.
"Isa ka ring bampira kaya dapat pag-aralan mo na ring uminom ng dugo, dahil darating ang araw, hindi na tatanggap ng kahit anong inumin ang katawan mo maliban sa dugo," ani Hannah.
"Are you kidding?" mataray na sabi niya.
"No. She's not kidding."
Napalingon siya sa kanyang likuran kung saan narinig niya ang nagsalitang babae. Mariing kumunot ang noo niya pagkakita sa matangkad na babaeng puti ang kasuutan maging ang coat nito. May disposable gloves na suot ang mga kamay nito.
"Good evening, doc!" bati ni Hannah sa babae.
Ngumiti lang ang babae. Sino ba ito? Sa isip-isip niya.
"Anyway, I'm Dra. Amborja Suji, a former fiancée ni Marco, but our relationship doesn't work beacause of a girl who stole his arrogant heart. Anyway, I'm grad to meet you in person, Leslie. You're name made noise in vampire world so I search a lot about you," anito sabay alok ng kanang kamay sa kanya.
Ayaw pa sana niyang daupin ang palad nito pero siniko siya ni Hannah. Napilitan siyang kamayan ito. May riin ang pagpisil nito sa palad niya. Pagkuwa'y kinuha nito ang baso ng dugo na inaalok sa kanya ni Hannah saka ibinigay sa kanya.
"Drink it," anito.
Ayaw talaga niyang tanggapin ang inumin.
"Hindi ka ba tinuruan ni Marco na uminom ng dugo? Baka naman masyado ka na niyang in-spoiled kaya parang mas sunod-sunuran siya sa iyo? Alam mo bang bossy kind of man si Marco? Wala pang sumusuway sa mga utos niya. Everyone in his surrounding treating him like a king. Inumin mo ito, to prove to me na hindi siya under the saya sa iyo," giit nito.
Bigla na lang uminit ang bunbunan niya. Sino ba ang babaing ito para pilitin siyang uminom ng dugo, e ayaw nga niya? Nang tingnan niya si Hannah ay matalim ang titig nito kay Amborja. Halatang may kinikimkim din itong inis sa babae.
Para wala nang gulo, tinanggap na alng niya ang baso ng dugo saka deretsong nilagok na parang tubig lang. Tiniis niya ang nagwawalang sikmura niya. Walang imik na tinalikuran niya si Amborja. Lumabas siya ng laboratoryong iyon saka naghanap ng malapit na palikuran. Hindi niya namalayan na nakasunod pala sa kanya si Hannah.
"Huwag n'yo pong iluwa!" pigil sa kanya ni Hannah.
Hindi siya nakinig rito. Pagpasok niya sa palikuran ay isinara kaagad niya ang pinto. Iniluwa niya ang laman ng sikmura niya. Purong dugo kasi ang inumin kaya kahit siguro si Marco ang magppainom sa kanya ay iluluwa din niya.
"Go to hell, Amborja!" gigil na wika niya nang wala na isyang maisuka. Inis na inis siya sa babae'ng bigla na lang umeksena.
"E ano kung former fiancée siya ni Marco? Past is past. Buwisit siya!" aniya habang naghihilamos ng mukha.
Paglabas niya ng palikuran ay nagulat siya nang mabungaran si Marco na nakatayo sa labas at kausap si Hannah. Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang makita siya. Akmang lalapitan siya nito pero iniwasan niya ito. Deretso ang lakad niya hanggang sa makarating siya sa isang silid na walang laman. Mga tuyong dahon lang ang nakakalat sa sahig. Akala niya iyon ang daan patungo sa bulwagan. Naliligaw na ata siya.
Narinig niyang bumukas ang pinto. Paglingon niya'y si Marco. "What's wrong?" tanong nito.
"Wala," tipid niyang sagot.
"Anong wala? May sinasbai si Hannah?"
"E bakit nagtanong ka pa nasabi na pala ni Hannah?"
"Hindi ko naintindihan, eh. May ginawa ba si Amborja?"
"Yap, you're ex. Pinilit lang naman niya akong uminom ng dugo. Matino ba siyang nilalang?"
"Okay. Kalimutan mo na 'yon. Pero kasi, sweetie, kailangan talaga magsanay ka nang uminom ng dugo. Hindi ba pinainom na kita dati?" anito.
"May halong wine iyon, pero kanina, purong dugo iyon, Marco. Kung ipipilit mo sa akin ang bagay na iyan, let's end this!" aniya saka lumabas muli.
Sinundan pa rin siya nito. Napigil siya nito sa braso. Napilitan siyang harapin ito.
"Fine. Fine. Masusunod ang gusto mo. Pero huwag ka naman ganyan na maliit na bagay lang may tatapusin na kaagad tayo? Relax. I can manage the situation," ani Marco.
Hindi niya natuloy ang sasabihin nang biglang sumulpot sa likuran ni Marco si Amborja. "What happened to you, Marco? Bakit ikaw na ngayon ang sunod-sunuran sa babae? Ganyan ka na ba kaganid sa kapangyarihan? For the sake of her precious blood, tinalikuran mo ang high profile mo. Hindi baa lam ng asawa mo na pinakasalan mo siya dahil lang sa dugo niya?" sabad ni Amborja.
Inis na hinarap ni Marco ang babae. "Yes, she knows. Alam mo namang hindi ako nagtatago ng lihim sa minamahal ko, 'di ba? And I think ten year was enough to move on, so please, keep moving on. I'm married now and I want to spend my whole life with her. Let's be friend and work together for the success of our mission. Excuse me," buwelta ni Marco, saka siya isinama sa pag-alis.
Nagawa pang lingunin ni Leslie si Amborja, habang paaplayo sila ni Marco. Namumula ang mga mata ng babae, malamang dahil sa inis. Ikinatuwa naman ng kaluluwa niya ang hakbang na iyon ni Marco. At leat ngayon alam na niya na ligtas ang pag-ibig niya kay Marco. Kahit papano'y naibsan ang inis niya.
Hindi na niya magawang magalit nang silang dalawa na lang ni Marco ang magkasama sa mini sala ng paaralan. Gumawa pa ito ng ice cream na strawberry flavor para sa kanya. Makakatulong daw iyon para lumamig ang ulo niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top