Chapter 16 (Unedited)


PINAGMAMASDAN ni Leslie si Marco, habang tumutulong sa pagpala ng buhangin. Swimming pool na lang ang ginagawa sa likod ng katatapos na commercial building. Inaasikaso na ni Trivor ang permit ng gusali para puwede na iyong buksan ano manga raw. Alas-onse na ng gabi pero hindi pa sila umuuwi.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nagpapakahirap si Marco?"

Kumislot siya nang biglang may nagsalita sa tabi niya. Paglingon niya sa kaliwa niya ay namataan niya si Riegen. May nakaipit na ball pen sa tainga nito.

"Hindi ko alam kung ano ang nakain niya," sabi lamang niya.

"Gusto niyang ma-empress ka."

Ngumisis siya. "Hm! Hindi bagay sa kanya maging construction worker. Masyado siyang mabango."

"Aba, parang gusto mong sabihin na mababaho ang construction workers."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Siguro dahil nakilala ko siyang desente at mukhang mayaman kaya nakakaasiwang tingnan na nagpapala siya ng buhangin."

Mamaya'y binitawan ni Marco ang pala saka lumapit sa kanila. Basang-basa ng pawis ang puting kamesita nito. Nakalimutan niya ang ibang nais sabihin nang biglang maghubad ng damit si Marco. Nahantad ang kumikintab sa pawis nitong katawan. Butil butil din ang pawis nito sa noo at pisngi.

"Baka gusto mong punasan ang pawis ko, sweetie," sabi nito sa kanya nang isang dangkal na lang ang pagitan nito sa kanya.

Kahit pawisan ito ay nasasamyo pa rin niya ang pabangong ginamit nito. Lalong uminit ang sex appeal nito. Wala siyang dalang panyo kaya hindi siya kumikilos. Nagulat siya nang abutan siya ni Riegen ng panyo.

"Ito gamitin mo," ani Riegen.

Tinanggap naman niya ang panyo saka pinunasan ang mukha ng kanyang asawa. Pagkatapos ay ang katawan naman nito.

"Malamang basa rin ang singit niyan," wika ni Riegen.

Hindi lamang siya umimik.

"Sa bahay na niya pupunasan ang singit, masyado ka," ani Marco.

"Sus, bakit sa bahay pa, puwede naman dito."

"Shut up! Isama mo ang araw ko sa payroll ng mga tao mo, ah? Isang oras din akong nagpapala."

"Gago, sinabi ko bang magpala ka? Naniwala ka naman sa sinabi ko na madadagdagan ang sex appeal mo kung nagpapawis ka."

"Loko, malakas na talaga ang sex appeal ko kahit hindi ako pinagpapawisan. Hindi ba sweetie?"

Sa halip na sagutin at tinalikuran ni Leslie ang asawa. Bigla kasing humangin ng malakas.

"Oh, disagree pala ang misis mo, eh," ani Riegen.

Hindi alam ni Leslie na nakabuntot pala sa kanya si Marco. Nang bigla siyang huminto ay bumalya ang katawan nito sa kanya. Kamuntik pa siyang madapa kung hindi lang siya nito niyakap buhat sa likuran.

"Ano ba?!" hasik niya sabay pihit paharap rito.

"Sorry. Ano, uuwi na ba tayo?" anito.

"Dapat nga kanina pa."

"Oh, inaantok na ba ang baby ko?"

Bigla siyang kinilabutan. Inakbayan siya nito at sabay na silang naglakad patungo sa garahe. Maya't-maya ang halik nito sa noo niya. Sawa na siya sa kakasaway rito na huwag siya masyadong e-spoiled dahil naiirita na siya, pero mas makulit pa ito sa limang taong gulang na bata. Pero minsan ay ito ang mabisang stress reliever niya. Hindi na siya nito pinipilit magluto, sa halip ito na ang nagluluto para sa kanya. Kahit alam niyang busy ito, palagi itong may oras sa pagsundo sa kanya at tinutulungan siya sa paglaba.

"May pagbabago na raw sa mga cells natin," batid ni Marco, nang lulan na sila ng kotse pauwi sa bahay nila.

Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi pa rin siya kombinsido na maganda ang ideya ng mga bampira na mabubuo ang anak nila ni Marco gamit ang siyensiya. Bagaman napatunayan na ang ganoong proseso, nababahala pa rin siya nab aka paasahin lang sila. Oo, umaasa na siyang magkakaanak sila ni Marco.

"Effective pa rin ba ang incubator para sa pagbuhay ng sanggol?"

"Oo naman. Pero may iba pang proseso ang mga bampira sa pagbuo ng sanggol."

"Bakit hindi na lang idinerekta sa satawan ko? May matres naman ako."

Bumungisngis si Marco. "Okay, ganito kasi 'yon, 50% na mabubuo ang sanggol sa sinampupunan mo dahil una, mabilis mamatay ang cells ko dahil sa sobrang init ng temparatura ng cells mo, hindi sila magsasabid kaagad. Ilang beses na tayong sumubok pero hindi tayo nakakabuo dahil ganoon nga ang nangyayari. So nag-suggest si Dario na gawin na lang ang prosesong mas mabilis. At least ngayon nabawasan na ang init ng cells mo dahil palagi tayong nagtutuos. At kapag nabuhay ang cells natin, made-develop sa loob ng katawan ng sanggol ang nakuhang cells sa iyo. Kapag nagsanib na ang mga cells natin, magiging mabilis ang development niyon. Hindi aabutin ng nine months, mabubuhay na ang sanggol. Mabilis siyang lalaki pero late ang development ng isip niya. Bukas pa malalaman kung talagang nagsanib ang mga cells natin," paliwanag nito.

"Huwag ka munang umasa," aniya.

"Bakit ikaw, hindi ka ba umaasa? Masarap maging magulang, sweetie."

"Masakit umasa, Marco."

Ginagap nito ang kamay niya. "If you believe in your God, trust him. He will always give you the best gift. Being a mother was the greatest gift for every woman. At habang ikaw ang pinakamaligayang ina, ako naman ang magiging pinakamaligayang ama at asawa mo. Wala akong Panginoon, pero humihiling ako ng regalo, iyon ay ang maging ama at mabuting asawa. I never lied once in my life, Leslie, I always defend what is right. I want to make my life complete, and you alone who make my dreams come true."

Hindi niya napigil ang sarili na titigan ang seryosong asawa na nagmamaneho. Ang mga salita nitong naglalaman ng sagradong pagmamahal ay tumatagos sa puso niya. Hindi niya gugustuhing itapon ang sakripisyo nito para sa kanya.

"Thank you," tanging nawika niya.

Sandali siya nitong tiningnan at nginitian. "I love you," anito.

"I-I love you too?"

Nanlalaki ang mga matang napatingin muli sa kanya si Marco. "That is for real, sweetie? O baka naman masyado na akong nagpapantasya?" hindi makapaniwalang sabi nito.

Nagulat din siya sa sinabi niya. Bigla na lang nanulas sa bibig niya ang katagang iyon.

"Ahm, inaantok lang siguro ako," aniya.

Kumislot siya nang pisilin nito ang kamay niya. "Come on, hindi biro ang sinabi mo. Kung tutuusin puwede kong basahin ang laman ng puso mo pero mas gusto ko 'yong ginugulat ako. Okay, para mas may trill, magsimula tayo sa pormal na proseso. Simula bukas, hindi na ako matutulog sa bahay mo. Magkikita na lang tayo sa academy at dadalaw lang ako sa iyo para manligaw."

Mariing kumunot ang noo niya. "Ano 'to lokohan?"

"Hindi. Kasi kung tutuusin, wala talagang trill ang pagsasama nating mag-asawa dahil hindi tayo dumaan sa ligawan at step by step procedure. Kunwari ngayon lang tayo nagkakilala tapos liligawan kita."

"Paano kung hindi kita sasagutin?"

"Ay, huwag naman ganun, masyadong masakit ang ending."

"Baliw ka ba? Wala na akong panahon makipaglokohan sa 'yo."

Tumawa ito ng pagak. "Hey! Hindi ito lokohan, sweetie, seryoso ako. Handa akong magbaliw-baliwan para lang mapasaya kita."

"Hindi ko gusto ang ideya mo, Marco."

Biglang inihinto ni Marco ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Fine! Mahalin mo na ako. Ipadama mo sa akin na gusto mo na ako at wala kang balak iwan ako. Ginagawa ko alang lahat para yakapin mo rin ang arrange married na ito, Leslie! Sorry kung sinira ko ang pangarap mo dahil lang sa kagustuhan ko. But please, don't too much hurting my ego, in a way of telling the other na sapilitan ka lang nagpakasal sa akin. Parang gusto mong isampal sa akin palagi na winasak ko ang magandang pangarap mo. Am I make your life miserable, sweetie?"

Nawindang siya sa biglaang pag-angat ng boses ni Marco. May nababakas sa anyo nito ang kubling sakit na naroon sa puso nito. May kung anong kumukurot sa puso niya habang hinihimay-himay ng isip niya ang mga katagang binitawan nito. Madyaso iyong mabigat sa dibdib, dahilan upang lamunin siya ng konsensiya niya.

"You choose it so wait for the right time if there's a time for us. You're not in my situation, Marco. Hindi ko ito pinaghandaan, pero hindi ibig sabihin hindi ako masaya. Oo, inaamin kong mahirap pero pinapasaya mo ako. Masaya ako sa piling mo, Marco. I secretly appreciated all your efforts. Nahihirapan lang talaga akong maglabas ng feelings ko. Hinubog ng sama ng loo bang puso dahil sa pag-iwan sa akin ng nanay ko kaya mas gusto kong mawalan na lang ng pakiramdam. Pero unti-unti mong ibinabalik ang emosyong kinalimutan ko na. Sorry kung matalim ang ilang salita ko. You deserve my affection, anyway," buwelta niya, habang tinitimpi ang silakbo ng damdamin niya.

Umaliwalas ang mukha ni Marco. "Malambot lang ang puso ko, Leslie, kaya umiiwas ako sa masasakit na salita, lalo na sa babaeng mahal ko. I need your heart's answer, please..." samo nito.

Matamang tinitigan niya ito sa mga mata. Nababasa niya ang sinseridad sa mga mata nito. "You never asked me a question," sarkastikang sabi niya.

"Fine. Do you love me?" anito.

"If I say yes, what will happen to us?" aniya.

"Wel will have our forever, sweetie."

"Forever wasn't enough, Marco."

"Sige, magpakagat ka sa akin nang makamit mo ang immortal love."

"Hindi ko tatalikuran ang normal na mundo ko."

"Okay, kapag namatay ka, magpapakamatay na rin ako para magkasama pa rin tayo."

"Masyado ka nang brutal. Alam kong sapat na sa iyo ang I love you."

Ngumisi ang mokong. "Mahal mo ako?"

"Arg! Puwede bang huwag ko nang sabihin?"

"Okay lang, pero malaki pa rin ang epekto niyon."

Napangiti siya bigla nang humaba ang nguso nito. Hinila niya ang braso nito dahilan nang paglapit nito sa kanya. Inilapit niya ang bibig sa bibig nito saka bumulong. "I love you, Marco," aniya at walang abog na siniil ng halik ang labi nito.

Ganoon na lang ang agarang pamulupot ng braso nito sa katawan niya. Pinaghinang nito ng matagal ang mga labi nila. Nang kapwa kapusin ng hininga ay lumayo kaagad siya rito. Kinikilabutan pa rin siya matapos ang lahat.

"Baka bukas ko pa mararamdaman ang epekto ng mga sinabi mo. Parang naminhid ako bigla," anito habang binubuhay muli ang makina ng sasakyan.

Napangiti siya. Ngayon lang siya nakadama ng hiya kay Marco. Hindi siya nakapagsalita hanggang sa makarating sila sa bahay. Hinatid pa siya nito sa kuwarto.

"Doon na ako matutulog sa kuwarto ko. Maaga kasi akong aalis bukas baka maistorbo ang tulog mo," anito.

Tumango lamang siya.

"Good night!" sabi nito saka siya ginawaran ng mabilis na halik sa labi.

Hindi man lang nito hinintay ang sasabihin niya. Umalis na ito. Pagkasara niya sa pinto ay niyon lang nagtatalon ang puso niya. Para siyang binunutan ng tinik sa dibdib matapos niyang sabihin kay Marco ang bumabarang damdamin sa puso niya.

Nakapag-shower na siya at nakahanda na sa pagtulog ngunit bigla na lang siya atakihin ng insomnia. Hindi na siya madalaw-dalaw ng antok. Mamaya'y tumunog ang speaker na nakakonekta sa kuwarto ni Marco. Narinig niya ang boses nito.

"Dear Heart; thank you for giving me a chance to fall in love with her. She's unexpected. I never expect to have her in my life. But her voice, her smile, her touch... oh, how so refreshing. Sa totoo lang, siya lang ang babaeng nagpahirap sa damdamin ko. Natatakot ako nab aka isang araw ay bigla na lang niya ako iiwan. Ang alam ko kasi, bihira ang lumiligaya sa arrange married, lalo na sa part ng isang babae. Kaya kahit nagmumukha akong engot, ibinibigay ko pa rin ang effort ko para makuha ang loob niya. Pinagtatawanan na ako ni Leon, kasi isa raw akong malaking duwag, kasi sa dami nang babaeng kusang lumalapit sa akin, wala daw akong sineryoso. Mas pinagtitiyagaan ko raw ang babaeng alam kong magbibigay sa akin ng pasakit at maglalagay sa akin sa bingit ng kamatayan. I admit, duwag ako, duwag ako sa sakit na puso ko ang mahahamak. Natatakot akong mawala sa akin ang babaeng ito. Why? Because I'm dying without her. She's the reason why I keep moving. Hindi ko masabi ng harapan sa kanya kung gaano ako kasaya, dahil walang sapat na salita upang maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pero alam kong ramdam niya ito. I love you, sweetie..."

Naantig ang damdamin niya. Hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang luha niya. "I love you too, Marco. Thank you!" wika niya, habang tuwid ang higa at nakatitig sa kesame kung saan nakadikit ang speaker.

HINALIKAN ni Marco ang microphone. Parang sira na pinaabot niya hanggang tuhod ang yelo sa loob ng aquarium niya. Humiga siya sa ibabaw ng snow habang hubo't-hubad. Mamaya'y narinig niyang bumukas ang pinto sa main door ng kuwarto niya. Hindi pa siya nakakabangon ay may kumatok na sa pinto ng secret room niya kung saan siya natutulog.

"Marco?"

Pumanting ang tainga niya nang marinig ang tinig ni Leslie.

"Ah, sweetie?" sagot niya.

"Anong ginagawa mo?"

"N-nakahiga?"

"Puwede ba akong pumasok?"

"Patay!" Bumalikwas siya ng bangon at dagling pinagtatago ang mga collection niya ng sex toys.

Bago pa man niya maitago ang half body na manikin niya ay nakapasok na si Leslie. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa karga niyang manikin.

"Ano 'yan?" tanong nito. Iginala nito ang paningin sa paligid.

"Ah, ano, mga laruan ko."

"Laruan?"

"Kuwan, ito 'yong mga sex toy ko." Napaamin siya bigla.

"How dare you? Manyak ka ba?"

"Hindi, ah! May time kasi na gustong kong mag-kuwan pero hindi ka puwede kaya bumili ako ng mga ito. Ngayon lang naman ako nahilig sa mga ito dahil palagi mo akong binibitin noon. Ah, sorry kung medyo nakaka-disappoint," balisang sabi niya.

"Nakaka-disappoint talaga."

"Pero base sa study, hindi naman daw masama gumamit ng mga sex toys basta safe lang gamitin. Ang masama, 'yong mga nagbabayad ng babae para gawing sex slave. Kaya huwag kang magalit sa akin," aniya at denipensahan ang sarili.

"Hindi ako nagagalit, naaasiwa lang akong isipin na ipinagpalit ako ng asawa ko sa isang manikin. Itapon mo na ang mga iyan, hindi mo na sila kailangan."

"Okay. Ikaw na ang nagsabi. Bukas din ibabasura ko ang mga ito."

Natigilan siya nang lapitan siya nito at inagaw ang manikin sa kamay niya. Itinapon nito iyon sa sulok. Bigla siya nitong itinulak. Napaupo siya sa nagyeyelong sahig. Pagkuwa'y umupo ito sa mga hita niya. Ikinawit nito ang mga kamay sa leeg niya.

"Can I sleep with you?" tanong nito.

"Ha? Baka manigas ka rito."

"Bawasan mo lang ang yelo."

"Pero sa loob ng aquarium ako natutulog."

"Okay lang. Gusto kong maranasan."

"Bahala ka."

Niyakap niya ito saka siya tumayo. Pinaghinang niya ang mga labi nila, habang papasok sila sa loob ng aquarium na ga-tuhod ang yelo. Hindi puwedeng matutulog na sila, gayung sakal ng kamay nito ang pagkalalaki niya. Umupo siya sa yelo saka isa-isang pinag-aalis ang saplot nito sa katawan.

Baliwala ang ginaw nang magsimulang dumaiti ang mga katawan nila. Nag-aapura itong angkinin niya kaya pumasok siya rito habang ito'y nasa ibabaw niya. Humiga lang siya at hinayaan niya itong gumalaw. Mamaya na siya gaganti kapag nagsawa na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top