Chapter 13 (Unedited)
KINAKABAHAN si Leslie pagpasok niya sa kuwarto. Ngayon lang siya kinabahan ng husto, siguro dahil ngayon lang niya nakitang nanggagalaiti sa galit si Marco. Inilapag ni Marco ang dalawang baso ng red juice sa bed side table, saka ito umupo sa gilid ng kama.
"Umupo ka sa tabi ko," utos nito sa matigas na tinig.
Sumunod naman siya pero may isang dipa ang pagitan niya rito. Kinuha nito ang isang baso ng juice saka ibinigay sa kanya. Pagkatanggap niya sa naturang inumin ay inamoy kaagad niya. May naaamoy siyang alak at malansang tila dugo.
"Ano 'to?" tanong niya na napapalayo ang mukha sa bunganga ng baso.
"Isa 'yang red wine na may thiamine hydrochloride at ferrous sulfate. Unti-unti na kasing kumakalat sa dugo mo ang dugo ng tatay mo. Makakatulong 'yan para palakasin ang dugo mo. Pero hindi 'yan katulad ng nabibiling iron supliment, may sangkap 'yang fresh blood from royal blood."
Hindi niya natuloy ang pagsimsim sa kanyang inumin pagkarinig niya sa dugo na sangkap ng inumin. "Anong akala mo sa akin, bampira?" aniya.
"May dugong bampira ang tatay mo, Leslie. Sandali, mamaya na tayo mag-usap tungkol sa dugo na 'yan. May kasalanan ka sa akin kaya inumin mo na ang juice," anito.
Tumapang ang anyo niya. Namimilog ang mga matang tinitigan niya ito. "Kapag ininom koi to, anong mangyayari sa akin?" aniya.
"Mabubusog ka," pilosopong sagot nito.
Tinirikan niya ito ng mga mata. Pakiramdam niya'y pinagluluko lang siya nito. Paano naman nito nasabing bampira ang tatay niya?
"Inumin mo na iyan pagkatapos ay magpapaliwanag ako," sabi nito pagkuwan.
Tinitigan niya ang inumin. Amoy pa lang isinusuka na ng sikmura niya. "Hindi ko kaya."
"You can. Ipikit mo ang mga mata mo."
Iniisip niya ang ipagtatapat ni Marco. Matagal na panahon na rin niyang inaasam na magkaroon ng impormasyon tungkol sa tatay niya. Pumikit siya saka bumuntong-hininga. Pagkuwa'y pinigil niya ang paghinga saka deretsong nilagok ang laman ng baso niya. Wala siyang ibang nalasahan kundi red wine na may kaunting lansa ng dugo. Nang maubos niya ang inumin ay saka naman nagbabadyang bumaliktad ang sikmura niya. Subalit bago pa man niya tuluyang iluwa ang inumin ay siniil na ni Marco ng halik ang labi niya. Nalunok na lang niya ang likidong gustong iluwa ng bibig niya.
Inihiga siya ni Marco sa kama habang hindi nito nilulubayan ng halik ang labi niya. Ayaw niyang tumugon ngunit masyadong makapangyarihan ang bibig at dila nito at napilitang bumuka ang bibig niya. Unti-unting binabalot ng bayolenteng init ang katawan niya bagay na hindi na niya mapigil ang sarili na tumugon sa halik nito. Naging mitsa iyon upang magsimulang maglakbay ang mga kamay ni Marco sa kanyang katawan.
Inalis nito ang baso sa kamay niya saka ito biglang umupo at lumayo sa kanya. Mistula siyang binuhusan ng malamig na tubig nang sapilitan nitong putulin ang tagpong iyon.
"Wala akong lakas ngayon, next time na lang," sabi nito nang makaupo sa silya sa tabi ng mesa.
Umupo naman siya. Inabutan siya nito ng tissue paper. Pinahid niya ang nagkalat na lipstick sa labi niya. Bumuntong-hininga siya. Hindi pa rin kasi humuhupa ang panginginig ng katawan niya. kung kailan naman kasi handa na ang katawan niya ay saka naman titigil ang mokong. Tinitigan niya ito nang mag-di kuwatro ito at humalukipkip at nakatitig din sa kanya.
"So, how do you feel?" tanong nito.
Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Unang wala siyang nararamdamang pagbabago. Mamaya'y tila tambol na pinapalo ang dibdib niya. May kung anong dumadaloy sa mga ugat niya.
"Bakit ganito?" walang puwang na tanong niya.
"Dahil may dugo kang bampira, sweetie. Kailangan ng katawan mo ng sariwang dugo."
Bumalikwas siya ng tayo. "Hindi totoo 'yan!" hasik niya.
"Hindi ko kilala ang nanay mo maging ang tatay mo, pero kilala ko ang lola mo. Isa siyang tao na ginawang eksperiment ng isang baliw na scientist. Gusto niyang makalikha ng malakas na halimaw na may pinaghalong apat na uri ng cells at dugo. Ang naging bonga ng eksperimento ay ang tatay mo, pero hindi siya napalaki ng maayos kaya siya naging mapangahas. Marami nanag napahamak dahil sa kakaibang kapangyarihan niya. At base sa pagsisiyasat ng mga kasama kong eksperto sa larangan ng mga bampira, ang sibling ng nilalang na iyon ay nagkaroon ng late development dahil sa environment na kinalakhan niya. Ikaw ang tinutukoy kong anak ng halimaw na iyon, Leslie. Thirty years mula sa kapanganakan mo, tuluyang magiging ganap ang pagiging halimaw mo, katulad ng iyong ama. Noong bata pa ang tatay mo ay para lang siyang ordinaryong tao, subalit noong nagkakaedad na siya ay lmalabas na ang mga abilidad niya. Mayroon siyang flammable aura na nakakasunog sa mga bagay na madaling masunog. Nagsimula din iyon sa dugo niya, katulad mo na kapag nakakadama ng tensiyon at sobrang init na temparatura ay kumukulo ang dugo. Kailangan bago umabot sa thirty ang edad mo ay mgkaanak ka na upang maibahagi mo sa iyong anak ang cells at dugo mo. Makakatulong iyon upang mabawasan ang init sa mga cells mo na siyang nakakasunog. Kapag hindi ito naagapan, magiging katulad ka ng tatay mo na maaring magpahamak sa maraming tao.
Pinakasalan kita dahil akala ko mas mapapagaan ang plano ko na magkaanak sa 'iyo, pero agkamali ako. Mahirap ka na ngang mabuntis, napakailap mo pa sa akin. Kung makikiisa ka sa akin, mas madali ka naming matulungan. Aaamin na ako para kahit papano maibsan ang inis mo sa akin. Interesado talaga ako sa dugo mo, hindi sa katawan mo—noon, pero since natikman ko na ang katawan mo, nakombinsi ako na angkinin ang lahat sa iyo. Pero totoong crush na kita noong una pa lang kitang makita. Kahit hindi mo pa ako kilala, gusto na kitang makilala ng personal. Busy kasi ang parents mo kaya hindi ko sila makausap." Sandaling tumigil sa pagpaliwanag si Marco para lang ilabas ang hagikgik.
Ang landi ng dating nito sa kanya, pero namangha siya nang mapansin ang panandaliang pamumula ng mukha nito. Marunong din pala itong mag-blush. Para namang kinikiliti ang puso niya nang masilayan ang reaksiyon nitong iyon. Napawi ang pagkawindang niya. Uminit ang mukha niya nang kagatin nito ang ibabang labi nito. Napaka-seductive ng aura nito ngayon.
"Pero palagay ko mahal na kita, sweetie," bigla'y sabi nito.
Napamata siya. Hindi niya maibuka ang bibig.
Umayos sa pagkakaupo si Marco. Nag-abala pa itong abutin ang kaliwang kamay niya saka iyon ginawaran ng pinong halik. "Inalis mo pati 'yong plastic na singsing," sabi nito pagkabitiw sa kamay niya.
Bumuntong-hininga siya. "Huwag mong ibahin ang usapan. Patunayan mo sa akin na totoo an mga sinasabi mo," aniya.
"Alin? 'yong mahal kita?"
"H-Hindi. Ang tungkol sa tatay ko."
"Ah, hindi ko pa alam kung paano. Hindi pa namin nahuhuli ang tatay mo. Mas makakatulong sana kung matagpuan natin ang nanay mo."
Aywan niya bakit naiisip niya ang sinabi nitong mahal na siya nito. "Patunayan mo rin ang huling inamin mo," aniya.
"Ha?" maang nito.
"Ang sinabi mo."
"Alin?"
Ngumuso siya. Ngumuso din ito.
"Hahalikan kita?" tanong pa nito.
Inirapan niya ito.
"Ano?" natatawang sabi nito. Bigla itong tumayo at bumaling sa tabi niya. Inakbayan siya nito.
Bumaluktot ang likod niya dahil sa bigat ng braso nito. Napatingin siya sa mukha nito nang hawakan nito ang baba niya. May ga-daliri na lamang ang pagitan ng mga labi nila.
"Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko. Hindi ako gumagawa ng kuwento. Gusto kitang tulungan kaya ko ito ginagawa. Sa totoo lang, ito ang pinakamahirap na problemang pinasok ko, pero alam kong malalampasan ko ito—kung makipagtulungan ka sa akin," halos pabulong na sabi nito.
"Paano naman ako makakatulong?" tanong niya.
"Tanggapin mo lang ako ng buong puso at dapat palaban ka kapag nasa kama tayo. Tuturuan kita kung paano lumaban. Ako rin ang magiging teacher mo sa defense and tactics subject, kaya habang hindi pa nagsisimula ang klase ay itu-tutor na kita," nakangiting sabi nito.
"Fuck you!" Itinulak niya ang dibdib nito.
"Fuck you too! Bakit, kaya mo ako?" hamon nito at bigla na lang binaklas ang manipis niyang damit. Nahiwa iyon sa gitna.
Tatakpan pa sana niya ng kamay ang nahantad niyang dibdib pero nahawakan nito ang kamay niya. Itinulak siya nito pahiga sa kama saka ito pumangko sa puson niya, habang gapos ang mga kamay niya.
"Kahit pagod ako mabubuhay ang sandata ko dahil may dugo siyang bampira. Nangangagat ito kahit tulog," pilyong sabi nito.
"Tumigil ka nga, Marco! May pasok ako bukas at pagod na pagod ako ngayon!" angal niya.
"Hinahamon mo ako, eh. Nagpaluto ako ng hapunan kay Hannah, sa gutom ko, kinain ko lahat dahil masarap. Kung luto mo 'yon, kahit anong gutom ko, magtitiis ako."
"Ang yabang mo!" Naiinis na naman siya sa Hannah na iyon.
"Sa paraang ito mo lang ako nabubusog, sweetie. Pero dahil busog na ako, next time na lang. Ayaw mo naman." Tumayo na ito.
Hinubad na lang niya ang sinira nitong damit niya. Kabibili pa lang niya ng damit na iyon.
"Magpahinga ka na. Huwag mo masyadong intindihin ang mga sinabi ko, magagawan ko 'yon ng paraan. Gusto ko ng pizza pie sa almusal bukas, ah?" anito.
"Hindi ako masarap magluto ng kahit na ano," aniya.
"Sinabi ko bang ikaw ang magluto? Pero okay lang. Kahit hindi masarap an gluto mo kakainin ko basta luto mo. E, for effort." Kinindatan siya nito. Binitbit na nito ang baso ng juice nito saka lumabas.
Umismid siya. Pumasok na lamang siya sa banyo at naligo.
KINABUKASAN... alas-kuwatro pa lamang ng umaga ay nagising na si Leslie at nag-research kung paano magluto ng pizza pie. Wala namang sinabi si Marco na siya ang magluluto pero gusto niya siya ang magluluto.
Pagdating niya sa kusina ay naroon na si Hannah at nagmamasa ng harena. "Para saan 'yan?" tanong niya rito.
"Nagpapaluto po kasi ng pizza pie si Sir Marco," anito.
"Hindi, ako ang magluluto." Pinalitan niya ito sa puwesto nito.
Tumabi naman si Hannah. "Marunong po kayo?" tanong nito.
"O-oo, nag-research ako sa internet," aniya habang ipinagpatuloy ang pagmamasa sa harena.
"Timplado na po 'yang dough, sause at topping na lang ang gagawin ninyo."
"Sige, alam ko na 'to. Pakidiligan na lang ang mga halaman sa labas," aniya.
"Sige po." Tumalima naman ang dalaga.
Mas iniintindi ni Leslie ang oras kaya hindi na niya hiniwa ang dough. Inilagay na niya iyon sa baking dish at inilagay muna sa chiller. Nagluto naman siya ng tomato sause na ibinase niya sa kodego niya.
Pagkaluto ng sause ay inilabas niya ulit ang dough na nilapad saka pinahid sa ibabaw niyon ang sause. Pagkuwa'y isa-isa na niyang inilatag sa ibabaw niyon ang mga inihanda niyang toppings. Pinainit na niya ang oven. Nang handa na ang pizza pie niya ay isinalang na niya ito sa mainit na oven.
Pagkalipas ng halos isang oras ay inilabas na niya sa oven ang pizza pie. Kamuntik pang masunog. Nagulat siya pagkakita niya sa pizza ay may isang dangkal ang kapal nito. Umalsa ng husto. Bigla siyang kinabahan.
Sumikat na ang araw, wala na siyang oras para ulitin ang ginawa niya. Mamaya'y dumating si Hannah. Nagulat din ito sa pizza pie niya. "Bakit po ganyan?" tanong nito.
"Ganyan na siya nang maluto, eh. Sinunod ko naman ang procedure," aniya.
"Inubos n'yo po ba lahat ng dough? Pinaalsa n'yo po ba?"
"Ha? Akala ko pinaalsa mo na 'yon? Inubos ko na lahat."
Kumagat-labi si Hannah. "Half kilo po kasi 'yong flour. Good for four pizza na may regular size poi yon."
"Hindi mo naman kasi sinabi."
"Hindi po kasi kayo nagtanong."
Naudlot na ang diskusyon nila nang dumating si Marco na tila kagigising. Titig na titig ito sa pizza pie. Napalapit ito bigla sa mesa. "Sino ang nagluto nitong pizza pie? Bakit isang dangkal ang kapal ng dough?" tanong nito.
Nagkaitnginan sila ni Hannah. "Si Ma'am Leslie po," sagot naman ni Hannah.
"Nako, kinakabahan na ako," ani Marco.
Nairita siya sa reaksiyon nito na parang asiwang-asiwa sa luto niya. "Hindi ba sabi mo kahit hindi masarap luto ko kakainin mo basta luto ko? E for effort?" buwelta niya.
"Kung nakakain lang ba ang effort. Puwede bang ikaw na lang si Hannah?" iritableng sabi nito.
Tuluyan siyang napikon rito. Binato niya ng mahayap na tingin si Hannah. "E 'di sana siya na lang ang pinakasalan mo!" aniya.
Kumilos si Hannah. "Ahm, excuse me po," anito saka dahandahang lumabas ng kusina.
Pagkaalis ni Hannah ay siya namang lapit sa kanya ni Marco. Akmang hahawakan nito ang braso niya ngunit iniwaksi niya ang kamay nito.
"Sorry na. Mapipikon ka naman agad. Alam ko trying hard ka, pero sana sulitin mo ang effort mo. Kaya nga hindi kita inutusang magluto ng pizza pie dahil alam kong hindi mo kaya. Sabi ko nga, kakainin ko itong luto mo kahit alam kong hindi masarap," anito sa naglalambing na tinig.
Tumaas na ang presyon niya. Ipapamukha pa talaga nito sa kanya na ito lang ang nakakatiyaga sa luto niya. Hindi siya nakakibo nang yakapin siya nito buhat sa likuran. Hinalikhalikan nito ang batok niya.
"Huwag ka kasing insecure kay Hannah. Mabait ang batang iyon. Alam ko insecurity ang nag-udyok sa iyo kaya nagpumilit kang magluto," sabi pa nito.
Siniko niya ito sa tagiliran.
"Aw! Tinamaan mo ang kidney ko!" sigaw nito.
"Sira! May kidney ba riyan? Kainin mo na 'yan! Maliligo pa ako," aniya saka lumapit sa pinto.
"Sandali, oy! Hintayin mo ako!" anito.
Nilakihan niya ang hakbang pero naabutan pa rin siya nito sa hagdan. Nakipag-unahan pa itong pumasok sa kuwarto niya. Walanghiya, nauna na ito sa banyo. Parang bata na nagtatampisaw ito sa tubig na nagmumula sa shower, habang hubo't-hubad ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top