Chapter 11
TINANGKA ni Marco na sundan sa kuwarto nito si Leslie pero pinagsarhan na siya nito ng pinto. Kumatok siya pero hindi siya pinagbuksan. Hindi siya umalis sa tapat ng pinto. Maya't-maya ang katok niya.
"Sweetie, alam ko gising ka pa, pakibukas naman, oh," hindi natimping samo niya.
Wala siyang narinig na sagot. Kumatok ulit siya. Mamaya'y may lumusot na papel sa siwang ng pinto sa ibaba. Napaatras siya saka dinampot ang papel na may nakasulat na malalaking litra na nagsasabing... "PLESE DO NOT DISTURB"
Napamura siya. "May asawa bang ganoon? Leslie! Bubuksan mo ang pinto o hindi?! Papasukin na kita!" sigaw niya.
Mamaya'y bumukas na ang pinto pero kalahati lang ng mukha nito ang nakasilip sa makitid na siwang. "Bakit ba? Matutulog na ako!" inis na sabi nito.
"Wala bang good night kiss diyan?" nakataas ang isang kilay na sabi niya.
"Ihalik mo na lang sa hangin!" Isasara na naman sana nito ang pinto pero itinulak niya iyon dahilan upang lumaki ang bukas ng pinto.
Nang mahuli ng kamay niya ang braso nito ay isinandal niya ito sa dingding at hinapuhap ng halik ang labi nito. Hindi niya ininda ang pangungurot nito sa dibdib niya.
"Bakit ba suplada ka na ngayon sa akin, ha? Napapaligaya naman kita," aniya makalipas na pakawalan niya ito.
Umakto itong sasampalin siya pero tila may kung anong pumigil rito. "O, subukan mong sampalin ako, patitirikin ko ulit 'yang mga mata mo," banta niya.
Kumawala ito ng malalim na hininga. "Get out," mahinahong pagtataboy nito.
Hindi siya kumilos, sa halip ikinulong niya ito sa magkabilang bisig niya, habang nakadikit pa rin ang likod nito sa dingding. "Alam mo, kung talagang ayaw mo sa akin, dapat gumagawa ka ng paraan para hindi kita mahawakan. Ano pa't ibinubuka mo ang hita mo para angkinin kita? Sorry, kung walang preno ang bibig ko. Nakakalalaki ka kasi. Umamin ka, gusto mo lang ang romansa ko ano?"
Napansin niya ang mapupula ng mga mata ni Lelie. Gusto talaga niyang makitang dumadaloy ang dugo sa ilong nito.
"Sa totoo lang, wala kang trill katalik. Hindi ka man lang makapag-release sa sarili mong sikap. Pasalamat ka nga't may katulad kong nagka-interes sa iyo. Ni hindi ka marunong magluto, maglaba at maglinis ng bahay," palatak niya.
"Then, it's simple, let's file the annulment. Handa akong maglabas ng pera," napipikong tugon nito.
Bigla na lang siya nilamon ng kaba. Mas makunat pa pala sa balat ng kalabaw ang pride ng babaeng ito. Baka hindi magtatagal matutuyuan siya ng dugo sa kakahili rito para lang umamo.
"Ganyan ka ba kadesidido na ibasura ang kasal natin? Wala ba talaga akong puwang kahit kaunti sa buhay mo?" aniya.
Hindi ito sumagot. Itinulak siya nito. Pinalaya naman niya ito. "Lumabas ka na pakiusap," anito saka sumampa sa kama.
"Okay. Dapat alas-singko pa lang gising ka na para bago sumikat ang araw ay naroon na tayo sa CDO," aniya saka lumabas.
KINABUKASAN pagdating nila sa mansiyon ay nadatnan nila roon si Trivor na nagle-lecture kina Jero at Erman. Pinasingit na ni Marco si Leslie sa tutorial ni Trivor. Hindi naman ito tumanggi. Tinawag lang niya ito para makuhaan ito ng dugo.
Habang hinihintay niya ang result ng pagsusuri sa dugo ni Leslie ay sumilip siya sa study room kung saan niya iniwan ang asawa kasama si Trivor at dalawang binatilyo. Walang anu-ano'y biglang uminit ang bunbunan niya nang mamataan na si Trivor at Leslie na lang ang naroon sa loob. Hawak ni Trivor ang kamay ni Leslie, habang magkatabing nakaupo ang mga ito sa sofa. HInahaplos ni Trivor ang palad ng kanyang asawa, na tila hinuhulaan ang kapalaran nito. Iba ang kahulugan niyon sa kanya. At ang nakakainis pa, nagagawang ngumiti ni Leslie sa harap ni Trivor, samantalang ang alam niya bihira naglalabas ng emosyon si Trivor.
Naudyok siyang sipain ang pakalat-kalat na basyo ng tubig sa paanan niya papasok sa kuwarto. Lumayo kaagad siya sa nakabukas na pinto. Hindi na siya nakabalik nang tawagin siya ni Zyrus. Nakalimutan niya ang inis nang sabihin ni Zyrus ang resulta ng pagsusuri.
"Positive. Nag-match ang dugo ni Leslie sa blood stain na nakuha natin. Ibig sabihin, iisa ang dugong dumadaloy sa mga ugat nila," wika ni Zyrus.
Kumabog ang dibdib niya sa isiping tatay ni Leslie ang halimaw na pakalat-kalat at nagiging sanhi ng sunod-sunod na kaso ng sunog sa bayan.
"Paano natin siya mahuhuli?" aniya.
"We will work for this as soon as possible," tugon naman ni Dario. Silang tatlo lang ang nasa loob ng laboratory.
"Magtawag tayo ng meeting para sa lahat," ani Zyrus.
"Good idea." Si Dario.
Makalipas ang isang oras na hindi pa dumarating ang iba nilang kasama ay binalikan muna ni Marco si Leslie, pero wala na ito sa study room. Si Trivor na lang ang naroon at may isinusulat sa libro nito. Pumasok siya at umupo sa katapat nitong sofa.
"Tapos na ang tutorial ninyo?" pukaw niya rito.
"Oo," tipid nitong sagot habang hindi maawat sa ginagawa.
"Kamusta naman ang asawa ko?"
"Okay lang. Interesado naman siyang matuto."
"Paano hindi magkaka-interes 'yon e guwapo ang guro?"
"Mas guwapo ka sa akin."
"Eh mukhang mas type ka niya."
"Hindi ko siya masisi."
Isinampa niya ang kanang kamay sa librong sinusulatan ni Trivor upang makuha niya ang tingin nito. Naibaling naman nito ang tingin sa kanya. "Ano naman ang problema mo riyan?" inis na tanong nito.
"Trivor, baby, lawyer ka siguro alam mo kung anong kaso ang isasampa sa iyo sakaling inakit mo ang asawa ko," seryosong wika niya.
Tinabig nito ang kamay niya. "Huwag kang paranoid. Hindi mo pa kasing aminin na kinakarma ka na. Ngayon alam mo na na hindi lahat ng babae ma-love at first sight sa iyo," buwelta nito.
Binawi niya ang seryosong mukha at nginitian ang kausap. "Hey! Binibiro lang kita sineryoso mo naman. Alam ko namang si Karen lang ang kilala ng puso mo," aniya.
Tumaas ang isang kilay ni Trivor. "Guilty?" anito.
"Hindi naman. Nainis lang ako kasi napapangiti mo ang asawa ko samantalang sa akin palaging matulis ang nguso. Pa-share naman ng hipnotismo mo."
"Akala ko ba may hipnotismo ang halik mo, bakit hindi mo maakit ang sarili mong asawa?"
Tumikwas ang kilay niya. "Ano kasi, masyado lang siyang pakipot. Off topic, may meeting tayo," aniya sabay pag-iiba sa usapan.
"Susunod lang ako," ani Trivor at nagpatuloy sa pagsusulat.
Tumayo na siya. "Working hard para sa pangalawang anak? Ang bilis mo pala?" aniya.
Hindi na nagsalita si Trivor. Iniwan na lang niya ito.
HINDI na nakisawsaw sa meeting ng mga bampira si Leslie. Tumugtog na lang siya ng piano habang naghihintay. Mamaya'y may pumasok na babae. Tumigil siya sa pagtugtog.
"Ikaw ba si Leslie?" tanong nito.
Nagagandahan siya sa aura ng babae. Matikas kasi ito. Tumayo naman siya saka ito hinarap. "Oo," tipid niyang sagot.
Hindi naman ito mukhang bampira. "Ako nga pala si Melody, asawa ni Riegen," pakilala nito.
Naalala niya si Engr. Franco. "Ah, ganun ba? Nice to meet you!" Siya pa ang nag-alok ng kamay. Dinaop naman nito ang palad niya.
"Naroon ako kahapon sa ginagawang gusali ng asawa ko. Malapit na palang matapos. Gusto ko anang kumuha rin ng puwesto sa gusali na iyon para sa business ng kapatid ko," anito.
"No problem. Marami namang bakante."
"Salamat. Ahm, kumain ka na ba?"
"H-hindi pa nga. Ang tagal kasing matapos ang meeting nila."
"Nako, huwag mo na silang hintayin. Hindi uso ang kumain sa tamang oras ang mga iyon. Hali ka na sa kusina, naroon ang mga babae."
Iginiya siya nito sa kusina kung saan may tatlong kababaihan na naghahanda ng pagkain. May natuunan niya ng pansin ang magandang babae na batang-bata, na siyang nagluluto. Ang dalawang naghahanda ng mga kobyertos sa mesa ay mukhang kaedaran lang niya.
"Sina Olive at Patres. Si Hannah naman ang nagluluto. Kararating lang nila mula Middle East," pakilala ni Melody sa tatlong babae.
Nginitian lang siya ng dalawa, pero napansin niya na ilag ang tingin sa kanya ni Hannah. Hindi man lang ito ngumiti. Umupo na sila ni Melody sa harap ng hapag at hinintay na maihain ang pagkain.
"Ang sarap ng ulam!" komento ni Melody, matapos tikman ang niluto ni Hannah na ulam na may snagkap na beef at sari-saring gulay.
Wala siyang alam sa pagluluto kaya hindi niya kilala ang pagkaing nakahain. Humanga siya sa dalaga nang matikman niya ang pagkain.
"Mahusay po talaga magluto si Hannah. Sampung taon pa lang siya ay marunong na siyang magluto," sabi ni Olive.
"Ang galing!" puri ni Melody.
Tahimik naman si Hannah, habang ipinagpapatuloy ang niluluto. Nakikinig lang siya sa kuwento ni Olive tungkol kay Hannah.
"Eighteen pa lang po ngayon si Hannah. Maaga kasing pumanaw ang mga magulang niya kaya kinuha siya ni Sir Dario at pinag-aral. Habang nag-aaral siya ay nagtatrabaho siya sa organisasyon ni Sir Marco. Siya rin ang taga-luto namin doon sa Jeddah. Gustong-gusto nga po ni Sir Marco ang luto niya," ani Olive.
Pumanteng ang tainga ni Leslie. Bigla tuloy siya nilamon ng insecurity. Maya't-maya ang sipat niya kay Hannah, pero ilag pa rin ito sa kanya.
Tamang-tama pagkatapos nilang kumain ay tapos na rin ang meeting ng mga bampira. Hindi na siya nakiusyoso. Bumalik siya sa music room kung saan nakita niya si Devey na naglalampaso ng sahig. Napatingin siya sa sahig na may mantsa ng dugo, na siyang pinapahiran ni Devey ng basahan.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"May pumasok kasi ritong asong bundok kanina kaya nilapa ni Tito Leon," anito.
"Paano nakapasok ang aso?"
"Messenger po iyon ng mga kaaway. Malamang dinala siya rito ng pang-amoy niya. Narito malamang ang target niya." Nakangiting tinitigan siya ni Devey.
Napalunok siya. May laman ang tingin na iyon ni Devey. Pagkuwa'y bumaling ang tingin nito sa likuran niya. Pumihit rin siya sa likuran niya. Nakatayo roon si Marco.
"Kumain ka na pala, pinaghanda pa naman kita ng pagkain," anito.
"Niyaya kasi ako ni Melody."
"Okay ka lang ba dito?"
Tumango lamang siya.
"May ginawang salad si Hannah, gusto mo ba?"
Naisip na naman niya si Hannah. "Busog na ako."
"Magpapabalot na lang ako para iuwi natin mamaya. Na-miss ko ang luto ni Hannah kaya magbabaon ako para hindi ka na magluto mamaya."
Hindi siya nakaimik. Aywan niya bakit biglang bumigat ang loob niya sa Hannah na iyon.
"Hindi na ako kakain mamayang gabi," pagkuwa'y sabi niya.
"Walang problema."
Nainis siya lalo sa sagot nito. Tinalikuran na siya nito.
"Akala ko naman nagbago na ang taste ni Tito Marco sa pagkain, luto pa rin pala ni Hannah ang panalo," bigla'y nawika ni Devey.
Umiinit na ang tainga niya sa kakabanggit ng iba sa pangalan ni Hannah. E ano ngayon? Tinalikuran niya si Devey. Lumabas siya ng mansiyon at naglakadlakad sa paligid habang tirik ang araw. Buhat sa kinatatayuan niya ay natatanaw niya ang bayan ng CDO. Masyado na palang matarik ang kinatitirikan ng mansiyon na iyon. Naisip niya, mas maganda siguro ang view sa gabi.
Nakarinig siya ng yabag kaya napapihit siya sa likuran. Namataan niya si Hannah na humahakbang palabas ng mansiyon. Nagulat siya, akala niya bampira ito. Hindi nito nasusunog sa araw, ibig sabihin tao ito. Gusto niyang kunin ang atensiyon nito pero may pumipigil sa kanya. Nakakadama pa rin siya ng insecurity rito.
Mamaya'y lumabas din si Devey at sinundan si Hannah. Tumigil ang mga ito sa lilim ng malaking puno na hindi namumunga. Hindi na naalis ang tingin niya sa mga ito. Kakaiba ang closeness ng mga ito kaya napag-isipan niya'ng may relasyon ang mga ito. Makalipas ang ilang sandali ay tila sasabog ang ulo niya sa init. Nagbabadya nang maglabas ng dugo ang ilong niya. Tumakbo siya sa loob ng mansiyon at nagtungo sa kusina. Mabuti na lang may mnalamig na tubig. Inihilamos niya iyon sa mukha niya. Kalauna'y kumalma rin ang init na nadarama niya.
Paglabas niya ng kusina ay sinalubong siya ni Marco. Hindi pa niya naayos ang buhok niya at mamasa-masa pa ang mukha niya. Wala kasi siyang mahagilap na tissue paper.
"Bakit?" balisang tanong ni Marco.
"Dumugo na naman ang ilong ko," aniya.
Natatarantang iginiya siya nito sa isang kuwarto sa ikalawang palapag. Pinahiga siya nito sa kama. Hindi niya maintindihan bakit ito natataranta.
"Dito ka lang, huwag kang lalabas kahit anong mangyari," habilin nito habang nasa bukana ng pinto.
Hindi siya umimik hanggang sa makaalis ito. Guminhawa ang pakiramdam niya nang tuluyang akupahin ng malamig na hanging ibinubuga ng air-condition ang buong silid. Bumangon siya at pumasok sa banyo. Nang tingnan niya ang mukha niya sa salamin ay nagulat siya nang mapansin ang mga mata niya na animo mata ng pusa na lumiit ang eyeballs. Kumurap-kurap siya pero hindi nagbago ang hitsura niya.
Tumalikod siya sa salamin saka lumabas. Lumapit siya sa salaming bintana at sumilip sa labas. Nakatuon pala sa likuran ng bahay ang kuwartong iyon. Naibaling niya ang tingin sa malaking asong kulay abo na nakatayo sa lilim ng niyog. Gumagala sa paligid ang paningin ng aso. Niisip niya na baka alaga lang ng mga bampira ang aso na iyon.
Nang masentro sa kanya ang tingin ng aso ay mistulang kidlat ang tumama sa kanyang katawan nang magtama ang mga mata nila. Napaatras siya. Ganoon na lang ang agarang pagdaloy ng dugo buhat sa ilong niya. Umapoy pagbagsak sa sahig ang dugo niya pero agad din niyang pinahid ng palad. Bumalikwas siya ng tayo nang biglang bumukas ang pinto. Naramdaman niya ang presensiya ni Marco, pero hindi siya lumingon sa pinto. Pumasok lamang siya sa banyo at naghilamos hanggang sa tumigil sa paglabas ng dugo ang ilong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top