Chapter 2


ANG bagal ng oras. Gusto nang kausapin ni Jhen si Dr. Vivanco tungkol sa zoo nang malaman niya kung ano ang kanyang dapat gawin. Hindi pa rin siya maka-get over sa natuklasan. Paanong ang bata pa ni Leandro Vivanco? Eh, binata pa noon ang lolo niya na nag-aral ng college. Hindi pa ipinanganak ang mama niya noon. Tantiya niya'y nasa thirty something pa lang ang edad ng lalaki, base sa pisikal nitong mukha. Eh kahit pa nagpa-retoke ito, imposible pa rin. Kahit ang katawan ay ang bata pa.

Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Naroon lang siya sa inuukupa niyang kuwarto at nagpapalipas ng oras. Lumalabas lang siya kapag kakain. Ang mamahal pa ng pagkain sa restaurant. Inilabas niya sa maleta ang kanyang mga gamit lalo na ang mga damit para hindi magusot.

Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay lumabas ng kuwarto ang dalaga. Naisip niyang dalawin naman ang mga hayop, lalo na ang alaga niyang tigre na si Rambo. Dinala niya ang susi na itinago niya. May susi siya ng kulungan ni Rambo. Baka hindi pa napalitan ang padlock ng cage. Miss na miss na niya ang alaga niya.

Pagpasok niya sa zoo ay kaagad niyang hinagilap ang kulungan ni Rambo. Pero nahirapan siya dahil nadagdagan ang tigre, ang dating tatlo ay naging lima na. At nagkaroon na pala ng lion. Mailap noon para sa lolo niya na makapag-alaga ng lion, dahil bihira raw nakakapasok ang ganoong hayop sa bansa.

Ang pinakahuling kulungan ang nakilala niya dahil naroon pa sa loob ang nakadilit na litrato niya habang yakap si Rambo, noong dose anyos siya at maliit pa si Rambo. Napaluha siya nang makita ang tigre na nakaupo sa sahig. Si Rambo nga ito dahil suot pa nito ang kuwintas na may pendant na bilog at nasa loob niyon ang litrato niya.

Kumislot siya nang biglang tumayo si Rambo ay sinunggaban siya. Mukhang hindi na siya nito kilala. Napansin niya na ganoon pa rin ang padlock ng kulungan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kulungan hanggang sa abot-kamay na lang niya si Rambo.

"Rambo, it's me, I'm Jhen," pakilala niya. Sinanay kasi niya ito sa wikang Englis.

Umungol si Rambo, tila naguguluhan at nag-iisip.

"Rambo... look at me," aniya saka pinagdikit ang mga palad na tila magdadasal. Mamaya'y dahan-dahan siyang pumalakpak sabay sa pagkanta.

"Rawr... rawr... rawr... wipe my tears with your hand... touch me with your heart and take me to your world..." awit niya kasabay sa pagdaloy ng kanyang luha. Nalala niya ang sandaling umiiyak siya dahil naalala niya ang papa niya sa kantang iyon. Nilapitan siya noon ng munting si Rambo at dinilaan ang luha sa pisngi niya.

Nang mapansin niya'ng hindi na nagagalit si Rambo ay dinukot niya sa bulsa ng pants niya ang kumpol ng susi at dahan-dahan niyang ipinasok ang susi sa padlock. Maingat niyang binuksan ang rehas na pinto. Hindi siya tumigil sa pagkanta. Subalit pagbukas niya ng pinto ay bigla naman siya sinalakay ni Rambo.

Akmang sasakmalin siya nito ngunit may kung anong tumama rito at unti-unti itong nanghina hanggang sa bumagsak ito sa lupa.

"Nice move!" narinig niyang sabi ng boses lalaki na tila naroon lang sa paligid niya.

Mamaya ay may dalawang caretaker na lumapit sa kanya saka siya inalalayang makatayo. Pinagtulungan naman ng mga ito si Rambo at ibinalik sa kulungan nito.

"Anong nangyari sa kanya?" nababahalang tanong niya sa dalawang lalaki. Hindi siya sinagot ng mga ito.

"Don't worry, pinatulog ko lang siya."

Hinanap niya ang nagsalitang iyon. Pagpihit niya sa kanyang likuran ay isang modern version ni Robin Hood ang nakikita niya. Isang matangkad na lalaking may isang-dangkal ang haba ng abuhing buhok. Nakahabi palikod lahat ng hibla ng buhok nito. Maaliwalas ang mukha nito, obvious na may dugo itong banyaga, Latino or Spanish. Guwapo ito, matangkad at matikas. He wore black turtle neck long sleeve shirt, fitted to his masculine body, and black faded jeans. He also wore black boots. May bitbit itong pellet gun na ang bala ay injection. Iyon na marahil ang ginamit nito kay Rambo.

"You're so brave, lady. But how dare you open the cage? Where did you get the key? Whatever happen to you, the zoo was not responsible for you," kastigo ng lalaki sa matigas na tinig.

Umalab ang bunbunan niya. Akmang sasagutin niya ito ngunit biglang sumulpot sa pagitan nila si Mang Gustin. Hinarap nito ang lalaki.

"I apologize, Sir. Hindi niya sinasadya ang nangyari," ani Mang Gustin.

"Kilala mo siya?" pagkuwa'y tanong ng lalaki.

"Ah, p-pamangkin ko siya," pagsisinungalin ni Mang Gustin.

Tumawa nang pagak ang lalaki, sinipat siya nito. "Mabuti nagkaroon ka ng mala-diyosa sa gandang pamangkin," nakangising sabi nito.

Kinabahan si Jhen nang lapitan siya ng lalaki. Hinawakan nito ang baba niya saka bahagyang iniangat ang kanyang mukha upang magtama ang mga mata nila. Nanatili siyang walang kibo.

"Next time if you have plan to visit here again, use your sentido comon. Sayang ang ganda mo kung tigre lang ang makikinabang sa iyo," anito saka siya tinalikuran.

Nahigit ni Jhen ang kanyang paghinga. Humupa ang inis niya habang pinagmamasdan ang papalayong pegura ng mayabang na lalaki. Nang makaalis na ang dalawang caretaker ay hinarap niya ulit si Rambo. Tulog pa rin ito. May kung anong bumubusa sa dibdib niya habang iniisip na hindi na siya kilala ni Rambo.

Kumislot siya nang may kamay na sumampa sa balikat niyan, si Mang Gustin. "Matagal ka kasing nawala kaya siguro nakalimutan ka na ni Rambo," anito.

"Pero napaamo ko siya kanina habang kumakanta ako," giit niya.

"Baka naninibago lang siya. Siguro maaalala ka rin niya kapag palagi ka niyang nakikita. Pasensiya ka na sa nangyari,".

Hinarap niya ito. "Sino po ba ang lalaking iyon dito at parang kung sino kung umasta?" pagkuwan ay tanong niya.

"Iyon ang anak ni boss na nag-iisa, si Zack. Siya ang nagma-manage ng resort."

Tumatak kaagad sa isip niya ang pangalan ng lalaki. "Siguro kasing yabang din niya ang tatay niya," komento niya.

Anak pala ni Dr. Vivanco, kaya naman pala mayabang, may pinagmanahan. Naguguluhan na naman siya, Parang kaedad lang ni Zack ang ama nito. Curious talaga siya sa kaibigan ng lolo niya. Ano kaya ang ginawa niyon sa katawa at parang hindi tumatanda? Baka naman imortal. Napangisi siya sa kanyang naisip.

"Huwag mo na siyang intindihin, masasanay ka rin kay sir Zack," ani Mang Gustin. "Mamaya pala makakausap mo na si boss. Ihanda mo na ang sarili mo para sa interview," paalala nito sa kanya.

"Opo." Pagkuwa'y sumabay na siya rito pabalik sa hotel.

KINAGABIHAN, maagang naghapunan si Jhen at pinaghandaan ang paghaharap nila ni Mr. Vivanco. Alas-sais pa lamang ng gabi ay nakaabang na siya sa lobby ng resort. Nagsuot siya ng itim na blouse with collar na hapit sa kanya at hapit ding black jeans. Gabi naman kaya hindi kailangang mag-ayos nang bongga. Nagpahid lang siya ng face powder sa kanyang mukha at pink lipstick sa kanyang mga labi. Para mas stunning siyang tingnan, nagsuot siya ng two inches sandals.

Naabutan siya ni Anna na nakaupo sa couch. "Jhen, ang aga mo ata. Hindi ko pa nakikita si boss," sabi nito.

"Hindi pa ba siya dumating?"

"Uhm, hindi naman ata siya umalis kasi nariyan ang kotse niya sa garahe. Baka nasa mansyon lang."

"Paano ko malalaman kung nasa ospisina na siya?"

"Ah, wait, tatawag ako sa office niya para malaman kung naroon siya."

Tumango lang siya.

Lumapit si Anna sa front desk at nakitawag sa telepono. Ang tagal nitong naghintay, naka-ilang dial din. Mamaya ay may kausap na ito pero saglit lamang. Nakangiting bumalik ito sa kanya.

"Nasa opisina na niya si boss. Ihatid na kita," anito.

Tumayo naman siya. Nagsisimula na siyang kabahan. Bakatatlong pindot sa red button si Anna sa may gilid ng pinto ng opisina. Mamaya ay bumukas ang pinto. Lalong kumabog ang dibdib ni Jhen.

Walang taong nagbukas ng pinto, d-remote ata. Pagpasok nila ni Anna ay namataan niya ang lalaking nakatalikod, nakasilip sa bintana. Nakasuot ito ng itim na long sleeve polo na naka-tuck-in sa itim nitong denim. Tindig pa lang, hunk na hunk na. Hindi talaga siya nakukumbinsi na ito si Dr. Leandro Vivanco na kaibigan ng lolo niya. She was imagining an old man with white hair, wrinkled face like his grandfather.

"Buenas noches, seňior!" bati ni Anna.

Humarap naman sa kanila ang lalaki. Awtomatikong nahagip siya ng paningin nito. Ang talim nitong tumingin, in a natural way. Ang laki ng katawan nito, halatang batak sa trabahong kailangang ng puwersa, hindi obvious na hinulma ng mabibigat na body builder equipment. Sakto lang ang laki ng muscles nito na bakat sa polo nito na hindi nakabotones ang tatlong nasa itaas kaya nakasilip ang matipunong dibdib nito na nalalatagan ng pinong balahibo.

His shaved beard helps to show up his Latino looks, lalaking-lalaki. His eyes were a bit deep so it has strong look, and also the thick dark eyebrows that sheltered enough his eyes that have light blue eyeballs. His thin pointed nose was one of the attractive parts of his face, and also his thin naturally reddish lips were perfectly shaped.

"You may leave her, Anna," utos ni Leandro kay Mss. Anna.

Kumislot si Jhen nang sikuhin siya ni Anna. "Aalis na ako. Good luck!" bulong nito sa kanya.

Tumahip pa nang husto ang dibdib niya nang umalis na si Anna. Umupo naman sa swivel chair nito si Leandro.

"Please take your seat," sabi nito sa kanya.

Umupo naman siya sa katapat nitong silya. Pinagmamasdan lamang niya ito habang taimtim na binabasa nito ang resume niya. Mamaya ay bigla na lang ito tumitig sa kanya na tila nagulat. Bigla itong bumungisngis. Itiniklop nito ang resume niya saka nito ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng mesa saka pinagsalikop ang mga iyon. Itinuwid nito ang likod.

"You are Jhen Dela Vega Reala, the granddaughter of Dr. Antonio Dela Vega, and the former owner of this company, am I right?" anito.

Hindi siya kaagad nakasagot. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Kumislot siya nang ipukpok nito ang kamay sa mesa. Bahagyang inilapit nito ang mukha sa kanya habang nanlilisk ang mga mata.

"Don't do that again," marahas na utos nito sa kanya.

"What?" kunot-noong untag niya.

"Don't bit your lip again in front of me!" may diing sabi nito, saka itinuwid ulit ang likod.

Nawala ang kaba niya nang hindi niya nagustuhan ang approach sa kanya ng lalaking ito. Ang brusko, bossy at hindi niya siya natutuwa. Kaya pala takot ang mga empleyado rito. Uminit ang bunbunan niya.

"And what's wrong if I bit my lip again?" palabang buwelta niya.

Tumikwas ang isang kilay nito, humalukipkip. "Hm, you're brave, huh? Remember, I'm the boss here, I can implement the rules that I want."

"Seriously? Is biting the lip prohibited?" Nawidang siya.

Pinaghiwalay nito ang mga braso. "I just don't like seeing you biting your lip in front of me."

"And why? Ang babaw, Mr. Vivanco."

"Stop questioning me about it, okay? Let's move on," he said with a hint of irritation in his voice.

Bumuntong-hininga siya. Hindi talaga siya maka-move on. Parang big deal na rito ang pagkagat niya ng kanyang labi. Ang dami nitong alam.

"Sorry, feeling ko kasi na-o-overuse ang kapangyarihan mo as a boss. You can implement your own rules but make sure that it wasn't abused the employees' rights," aniya.

Tumawa nang pagak ang lalaki. "And who are you to dictate me about the rules?"

"As part of this company and the property... before, I know how to care our loyal employee. At napansin ko, wala na ang ibang dating empleyado. Hindi basta nagtatanggal ng empleyado ang lolo ko na mababaw naman ang kasalanan at puwede lang pag-usapan." Pumalatak na siya.

"I'm not your grandfather, Ms. Reala. And as you said, before, you own this property before," giit nito.

They ended in an intense argument. "Yes, because of the collateral. Kaya ako nandito ay para makahingi ng option sa 'yo kung paano ko mapagaan ang pagbabayad ng utang ng lolo ko."

Humalukipkip ulit ito at matiim na tumitig sa kanya. "Do you have an idea how much your grandfather's credit is?" tanong nito.

Sandali siyang natigilan. "Around ten million," aniya, hindi siya sigurado roon.

Leandro giggled. "Twenty million lahat ang utang ng lolo mo sa akin. Hindi ko na isinama ang mga utang niya noong binata pa siya."

Nagimbal siya. Biglang nangatog ang tuhod niya. Ganoon kalaki? Saan siya kukuha ng ganoon kalaking halaga sa loob ng limang taon? Hindi pa nga umabot ng isang daang libong piso ang laman ng bank account niya. Ipon niya iyom mula sa allowance niya na binibigay ng lolo niya.

"With that big amount, you just giving him five years to pay? Wala ka bang konsiderasyon, Mr. Vivanco?" aniya.

"Yes, choice niya rin iyon."

"Gosh. Matanda naa ng lolo ko. Paano pa niya mababayaran ang twenty million sa loob ng limang taon?"

"That's why he let me decide on that matter. He knows that he can't save his business, so I said, I will manage this and I promised not to change the business name. But after five years that he didn't return my money, I will change the company name and the ownership," he explained.

Nanikip ang dibdib niya. "What about me? He promised me to take over this company. Kaya nga ako nag-aral ng veterinary, eh."

"That's not my problem, Ms. Reala."

"Pero sana ikinonsidera mo ang kalagayan ng lolo ko. Sana may option ka na hindi ganito, buong rights ng kumpanya at property ang kinuha mo. Kung maibebenta ito, mabibili ito ng mahigit one hundred million."

Bumuntong-hininga si Leandro. "Sa totoo lang, hindi ko ginipit si Antonio. Kusa niyang ipinagkatiwala sa akin ang zoo. Maliban sa ito ang naisip niyang ikolateral, aminado siya na hindi na niya kayang i-manage ang itinatag niyang kumpanya. I just want to help him. He's old enough to manage the stressful business like this," anito.

"Pero nangako ako sa kanya na ako ang magpapatakbo ng kumpanya. Nangako din siya na ibibigay niya sa akin itong zoo. Puwede namang ibenta niya sa iyo ang kalahati ng property," depensa niya.

"Alam mo, Jhen, hindi mo naintindihan."

"Talagang hindi ko maintindihan."

"Wala kang alam sa naging usapan namin ni Antonio. Hindi naman umabot sa bentahan ng property at company rights ang usapan namin. It's just about collateral and a deal. Wala rin akong balak na angkinin na itong kumpanya at private property niya rito. But the deal was clear and we have signed an agreement about it and notarized by the lawyer. Pero after a month, siguro na-realize ni Antonio na malabo na siyang makapagbayad, kinausap niya ako at sinabing ako na ang bahala sa business niya. After five years, wala na siyang karapatan dahil awtomatikong makukuha ko ang buong zoo, ang resort, maging ang private property niya and others."

Nanlumo si Jhen. Wala na nga siyang magagawa dahil malinaw rin ang agreement ng mga ito. Sinabi rin ng lolo niya ang tungkol sa agreement, na kapag hindi nakabayad ang lolo niya sa loob ng limang taon ay makukuha lahat ni Leandro ang ari-arian nito sa lupaing iyon at wala na siyang magiging habol.

Ang kinaiinisan lang niya ay wala man lang konsiderasyon ang lalaki. Wala na siyang maisip na paraan. Ipipilit niya ang gusto niya na magtrabaho sa zoo.

Bumuntong-hininga siya. "Magtatrabaho ako rito," aniya.

Pilyong ngumisi ang lalaki. "Sa palagay mo ba makakatulong ang pagtatrabaho mo rito para mabawi ang zoo? Baka ugod-ugod ka na bago ka makapag-ipon ng twenty million," simpatikong sabi nito.

Lalong uminit ang ulo niya. "It's not just about money and rights, Mr. Vivanco! I want to care all of animals here! Lumaki ako rito kasama ng mga hayop. Dito ko natagpuan ang bagong pamilya na sapilitang ipinagkait sa akin! At handa akong ibuwis ang buhay ko para lang sa lugar na ito!" emosyonal na pahayag niya. Ngunit hindi niya hinayaang tumulo ang kanyang mga luha.

Nangunot ang noo ni Leandro. Mamaya ay bumaba ang tingin nito sa gawi ng dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang tinitingnan nito roon, ang pendant ba niyang singsing o ang cleavage niya na bahagyang nakasilip.

"Huwag kang magdrama sa harapan ko. I'm not looking for an artist. You may start your work tomorrow. Show me your skills," anito saka nito pinindot ang pulang button sa likuran nito.

Mamaya ay bumukas ang pinto at pumasok si Anna. "Halika na, Jhen," anito saka hinaklit ang balikat niya.

Marahas siyang tumayo habang hindi inaalis ang matalim na titig sa simpatikong lalaki. "Hindi pa tayo tapos," matigas na sabi niya.

Nginisihan lang siya nito. Isinara niya nang pabalya ang pinto nang makalbas na sila. Umuusok pa rin ang bunbunan niya. Halos madurog na ang mga ngipin niya sa inis. Hindi pa siya nainis ng ganoon sa tanang buhay niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top